KABANATA 7

597 22 0
                                    

KABANATA 7: ANG PAGKAWALA NI FRITZ





'Sing lamig ng simoy ng hangin ang nararamdamang init ni Yec dahil sa tensyong dulot ng kanyang nalaman mula kay Lolo Berting at Fritz.

Nangangamba ang binata sa pwedeng mangyari sa kanilang kaibigan ngunit hindi siya papayag na may mangyaring masama rito.

Nakatingin sa labas ng kubo si Yec nang mahagip niya ang isang babaeng nakaputi, balingkinitan at may kataasan, kahit na nakatalikod si Fritz ay kilala niya pa rin ito.

Agad siyang lumabas sa kubo at pinuntahan ang kaibigan.

"Natatakot ka ba? Nangangamba? Naguguluhan?" sunud-sunod na tanong ni Yec kay Fritz dahilan upang mapansin siya ng dalaga at lumingon ito sa kanya. "Huwag kang mag-alala, nandito lang ako... kami," anito.

Napansin kaagad ni Yec ang luhang nananahan sa gilid ng mga mata ng babae.

Mas lumapit pa si Yec kay Fritz at nang halos isang dangkaw na lang ang layo nila ay hinawakan ni Yec ang mukha nito. Pinahiran nito ang luha sa mga mata ni Fritz.

"Hinding-hindi ko hahayaan na mawala ka, Fritz. Hindi mangyayari sa 'yo ang mga nangyari sa ibang mga babae," pagpapakalma ni Yec sa dalaga. Alam ng binata na ganito ang iniisip ni Fritz at kitang-kita niya iyon sa mukha nito. "At isa pa, hindi nga natin alam kung totoo ba 'yong pinagsasasabi ni Lolo Berting," dagdag pa nito saka napahalukipkip at nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.

"Paano nga kung totoo?" pagsalungat ni Fritz, na sa tono pa lang ng boses nito ay halatang takot na takot na ito.

"Maniwala ka sa akin, Fritz. Pagkatiwalaan mo ako, walang mangyayari sa 'yong masama," turan ni Yec sabay yakap nito sa dalaga.

Pinaliligiran sila ng mga matatayog na puno na pawang isinayaw ng malakas na hangin. Binabalot sila ng dilim at tanging maliwanag na buwan ang nagsisilbi nilang tanglaw.

"Pumasok na tayo, ang lamig na dito sa labas," suhestiyon ni Yec at tumango naman si Fritz bilang tugon.

Nang papasok na sana sila Yec at Fritz sa loob ng bahay ay biglang tinawag si Fritz ng kanyang kakambal. Nasa ilalim ito ng puno, medyo malayo sa harap ng pinto kung saan sila nakatayo ni Yec.

Kumakaway ang kanyang kakambal at pinapapunta siya nito roon.

"Puntahan ko lang 'yong kambal ko, Yec," pagpaalam ni Fritz kay Yec, ngumiti naman ang binata. At saka nagsimula nang maglakad ang dalaga patungo sa kinaroroonan ng kapatid.

Pumasok naman kaagad si Yec sa loob para uminom ng tubig dahil natutuyot na ang kanyang lalamunan dahil sa sobrang lamig.

Matapos kumuha ng baso at lagyan iyon ng tubig mula sa pitsel ay agad na uminom ng tubig si Yec subalit napahinto siya nang makita niya si Asi na nakikipagkwentuhan kay Ozi.

Nanlaki ang kanyang mga mata.

Agad niyang nilapitan si Ozi.

"Tapos na kayong mag-usap ni Fritz?" tanong niya rito.

"Ano!?" naguguluhang tanong ni Ozi at napatayo. "'Di ba kayo ang nag-uusap sa labas?"

"Hindi ba't nando'n ka sa puno—Aish!" dali-daling pinuntahan ni Yec ang puno kung saan niya nakita si Ozi na kumakaway kay Fritz.

Malayo pa lang siya ay sigurado siyang natatanaw na niya ang mga iyon kung nandoon lang sila ngunit ni katiting na identikasyon ay wala siyang makita.

"Fritz!?" tawag niya rito nang makalapit na siya sa puno ngunit sa kasamaang palad ay walang sumagot sa kanya, hinanap pa niya ito subalit hindi niya ito makita.

"Anong nangyari!? Nasaan ang kapatid ko!?" galit na tanong ni Ozi nang maabutan niya si Yec na nakahawak sa kanyang ulo na wari bang problemadong-problemado.

"Wala na siya! Bigla na lang siyang nawala!" sigaw ni Yec at saka sinipa pa nito ang lupa na tila ba doon niya ibuhos ang kanyang galit.

"Ano!?" hindi makapaniwalang tanong ni Ozi habang ang mga mata nito ay nanlalaki dahil sa galit.

"Kailangan natin siyang hanapin, sigurado akong nandito lang 'yon," saad naman ni Asi na kinakabahan na rin dahil sa mga nangyayari.

"Wala na, kinuha na nga talaga ni Lucresia ang kaibigan n'yo ngunit hindi pa huli ang lahat, makukuha pa natin siya pabalik," turan ni Lolo Berting na nasa likod lang pala nila. "Iyon ay kung tutulungan ninyo ako," agad namang tumango ang tatlo.

Doon sa Baryo KilabotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon