KABANATA 4

812 20 0
                                    

KABANATA 4: ANG BARYO KILABOT





Marahan na ibinuka ni Fritz ang kanyang mga mata. Malabo ang kanyang paningin na wari bang hindi niya maaninag ang kanyang nakikita.

"Gising na si Fritz!" narinig niya ang isang palahaw galing sa isang pamilyar na boses. Tila inaanunsyo nito sa lahat na gising na siya.

"Nasa—" magsasalita na sana si Fritz nang biglang magsalita na naman ang isang pamilyar na boses.

"Huwag ka munang magsalita, Fritz," saad nito. "Kilala mo ba ako? Ako ito si Asi," turan nito at saka hinawakan siya nito sa mukha.

"A-asi?" utas ni Fritz. "N-nasaan a-ako?" nauutal na tanong niya rito.

Hindi pa rin niya maaninang nang maayos ang kanyang paningin at wari bang hinang-hina ang kanyang buong katawan.

"Nasa Bar—"

"Kambal ko! Kambal ko!" napatigil sa pagsasalita si Asi nang marinig niya ang pagsigaw ni Ozi habang humahambaros sa pagtakbo papunta sa kwartong kinaroroonan nila ni Fritz.

Kasama nito si Yec.

"Mabuti naman at nagising ka na, kambal ko, hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka sa akin, ikamamatay ko kapag may nangyarinang masama sa iyo. Sino na lang ang makakasama ko sa buhay? Sino na lang ang makakasabay ko sa pagkain? Sino?" bulalas ni Ozi sabay yakap pa sa kapatid na para bang mahigit sampung taon silang hindi nagkita.

"T-teka? S-sino ka?" pagkukunwaring tanong ni Fritz sa kapatid niyang si Ozi. Masyado kasi itong OA na para bang mamatay na ang kapatid niya kahit na nahimatay lang naman ito.

Kumalas ng bahagya sa pagkakayakap si Ozi at tiningnan sa mukha ang kapatid, "Hindi mo ba ako nakikila, kambal ko?" naguguluhang tanong ni Ozi sa kakambal niya.

"Hindi..." matipid na sagot ni Fritz dahilan upang tuluyan ng kumalas sa pagyakap si Ozi sa kanya at nanlaki ang mga mata nito.

Nabigla rin si Asi at Yec na nakatingin lang sa magkakambal.

"Hindi mo kami nakikilala, Fritz?" nag-aalalang tanong ni Yec.

"Joke lang!" pabirong sigaw ng dalaga dahilan upang makahinga nang maluwag si Ozi pati na rin si Asi at Yec na halatang kinabahan din sa pagpapanggap ng kaibigan.

"Aish! 'Wag kang magbiro ng ganyan!" bulalas ni Yec at hindi na nito napigilan ang sarili at napayakap na ito kay Fritz.

Natigilan si Fritz dahil sa ginawa ni Yec at sa hindi malamang dahilan at bumilis ang tibok ng kanyang puso ngunit hinayaan niya lang itong yakapin siya.

Kinilig naman si Asi habang tinitingnan ang dalawang magkayap.

"Ubo! Ubo! Ubo!" pambabara ni Ozi sabay ubo-ubo pa nito, literal na ginawa niya ang pag-uubo habang binibigkas ang salita nito. "Mukhang na-miss mo naman masyado ang kapatid ko, Yec," dagdag pa nito dahilan upang itigil ni Yec ang pagyakap kay Fritz.

"H-ha?" nagmamaang-maangan namang sagot ni Yec, talagang pati ang facial expression nito ay takang-taka, mapapaniwala ka talaga at dahil dito ay nagmumukha lang siyang tanga.

"Wala. Sabi ko, umalis ka muna riyan at mag-uusap kami ng kakambal ko," maawtoridad na utos ni Ozi.

Naging dismayado ang mukha ng dalaga, pagkakataon na sana niya iyon para makayakap nang matagal kay Yec tapos heto na naman si Ozi at umeeksena.

"Ano bang pag-uusapan natin?" natatamad na tanong ni Fritz sa kapatid nang umalis na sila Yec at Asi sa kwarto.

"Baka nag-aalala na kasi sila Mama at Papa sa atin, bisperas na ng pasko at hindi ako makahagilap ng signal dito para tawagan sila," pagpapaliwanag ni Ozi.

Doon sa Baryo KilabotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon