KABANATA 8

672 22 0
                                    

KABANATA 8: ANG PAKIKIPAGLABAN SA TAONG-LUPA





Papunta sila Lolo Berting, Yec, Ozi at Asi ngayon sa Villa Sementeryos para bawiin ang kaibigan nilang si Fritz.

Kahit na may nakakubling takot sa kanilang dibdbib ay nilalabanan nila ito.

Medyo matalahib ang daanan papunta roon, isama mo pa ang nagtataasang damo na kailangan pa nilang hawiin para makita nila ang daan. Maputik din ang daan, halos naputikan na nga lahat ang sapatos nila ngunit hindi nila iyon inalintana.

Ilang minuto pa, pagkatapos hawiin ni Lolo Berting ang huling grupo ng mga nagtataasang damo ay agad na bumugad sa kanilang harapan ang napakalapad at napakalaking gate—kinakalawang na ito na tila ba matagal na panahon na simula nang huli itong nilinisan.

Sa gitna nito ay may nakasulat na Baryo Kilabot: Villa Sementeryos. Nakakatakot pa ang estilo ng pagkasulat nito na para bang ginamitan ito ng sariwang dugo kahit na luma na ito.

Agad namang kumuha sa atensyon nila ang malaking bahay na pinaliligiran ng mga nitso—nasa gitna ito ng Villa Sementeryos na talaga namang nakapagtataka.

Agad na naalala ni Asi ang sinabi ni Lolo Berting tungkol sa Villa Sementeryos, dati itong bahay nila Merlyn Cuanco at Joselito Cuanco, simula nang mamatay ang magkapatid ay ginawang sementeryo ang lugar ngunit hindi nila giniba ang napakalaking bahay na nasa gitna nito.

Nanindig ang kanilang mga balahibo nang salubungin sila ng malamig na simoy ng hangin.

Kahit na nakasuot ng dyaket si Asi ay ramdam na ramdam pa rin niya ang lamig na dulot ng hangin.

"Handa na ba kayo?" tanong sa kanila ni Lolo Berting at agad naman silang tumango.

Pagkalapit nila sa gate ay marahan nila itong binuksan.

Medyo kinabahan sila dahil binalaan sila ni Lolo Berting na kapag may taong papasok sa loob ng Villa Sementeryos ay muling nabubuhay ang mga patay na inilibing dito at ang nakakatakot pa ay umaatake ito sa tao.

Nakahanda na ang matataas na lagaraw nila Yec, Asi at Ozi bilang sandata nila sa magaganap na madugong laban, habang si Lolo Berting naman ay may dalang matulis at kumikinang na espada.

Nang makapasok na sila ay agad na gumalaw ang mga lupa, nagkaroon ng mga bungkal at mula sa ilalim ng mga bungkal ay unti-unting lumalabas ang isang kamay, sumunod ang ulo at hanggang sa ang buong katawan na nito.

Totoo nga! Nabubuhay ang mga patay!

Naaagnas na ang mga bangkay, ang iba ay nawalan na ng isang mata, kamay, paa at iba pang parte ng katawan.

"Siguraduhin n'yo lang na mapuputol n'yo ang mga ulo nila at huwag kayong magpapakagat," bilin ng matanda sa kanila.

Humanga bigla si Asi sa matanda dahil bihira lang sa mga matatanda ang may kakayahang lumaban sa ganitong edad—malakas na malakas pa rin ito na tila ba kasing edad lang nila ito.

"Laban!" sigaw ni Lolo Berting at agad na sinugod ang mga taong-lupa.

Unang hampas pa lang nito sa kanyang hawak na espada ay agad na nahiwa ang ulo ng isang taong-lupa. Mula sa hiwa nito ay naglabasan ang kulay itim na dugo.

Hindi rin naman nagpahuli ang tatlong magkakaibigan dahil sa bawat hampas nila sa kanilang mga armas ay sinisugurado nilang masasapol niyon ang ulo ng mga taong-lupa.

Dumanak ang maiitim na dugo sa lupa na tila ba umuulan.

Desperado na sila, hindi na nila hahayaan pang may mawala na namang buhay.

Sa paglipad ng espada mula paitaas hanggang paibaba ay parang sumasayaw ang mga taong-lupa matapos silang matamaan ng mga ito.

Walang nakaliligtas sa bawat pagtaga, walang nakatatakas na taong-lupa.

Sa halos kalahating oras na paglalaban nila sa mga taong-lupa ay may napansin si Yec, napagtanto niyang hindi nauubos ang mga ito. Kapag may napapatay silang taong-lupa ay may lalabas na naman sa bungkal ng mga ito sa ilalim ng lupa..

"Lolo Berting, hindi po sila nauubos," sumbong niya sa matanda na ngayon ay nakikipaglaban pa rin sa mga taong-lupa.

"Pumunta kayo sa tuktok ng Villa Sementeryos at hanapin n'yo si Lucresia, ako na ang balaha rito. Hindi sila nauubos hangga't hindi napapatay ang puno't ugat ng lahat ng ito!" sigaw ni Lolo Berting habang hinahambaros niya ang kanyang espada.

"Ozi, Asi, kayo na ang pumunta sa tuktok ng Villa Sementeryos at tutulungan ko si Lolo na sugpuin 'tong mga taong-lupa," utos ni Yec sa mga kaibigan, "At iligtas n'yo ang pinakamamahal kong babae," pagtukoy nito kay Fritz. Agad na tumango ang dalawa at saka sabay silang naglakad papunta sa loob ng Villa. Habang inihahakbang nila ang kanilang paa ay sabay na tinataga nila ang mga taong-lupa.

Bawat humarang sa kanila ay putol ang ulo.

Ilang minuto rin silang nakipaglaban sa mga taong-lupa bago sila makarating sa pintuan. Agad nila itong binuksan, nagtulungan pa sila dahil sobrang bigat nito at hindi kaya ng isang tao ang pagbubukas nito.

Nang makapasok sila sa loob ng Villa Sementeryos ay agad na bumungad sa kanila ang madilim ngunit malawak na espasyo.

Ilang sandali pa'y may biglang bumulwak na liwanag sa paligid, kasabay nito ang paglitaw ng isang babaeng mala-anghel ang mukha.

Nanlaki ang mga mata ng dalawa na tila ba hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita. Inihanda nila ang kanilang mga sandata dahil sa takot.

"S-sino ka?" halos sabay na tanong nila Ozi at Asi sa babae ngunit may ideya na sila kung sino iyon, marahil ay iyon na si Lucresia.

Tama nga si Lolo Berting, napakaganda ng babaeng si Lucresia, kahit sinong nilalang na makakakita sa kanya ay talagang mabibighani.

"Ako si Lucresia," matipid na sagot nito, "Nandoon sila sa itaas," sabi nito gamit ang isang malamyos ngunit nakaaakit na boses ng isang babae.

Napakunot ang noo ni Ozi. "Huwag mo kaming lokohin, Lucresia, dahil alam namin na ikaw ang may pakana ng lahat ng ito!" galit na bulyaw ni Ozi sa babae.

"Hindi! Nagkakamali kayo!" pagtanggi nito.

"Kung hindi ikaw, sino?" tanong naman ni Asi.

Hindi kaagad nakasagot ang dalaga, natahimik ito at tila bumalik sa kanyang alaala ang nangyari sa kanya.

"Hindi ako... ang lapastangang si Merlyn ang ugat ng lahat ng ito!" sigaw nito at napaiyak dahil sa galit. Kitang-kita ang panginginig ng kanyang mga kamay habang nakakuyom ito.

Nanlaki ang mga mata nila Ozi at Asi. Nahabag sila sa dalaga.

Nakonsensya naman si Ozi dahil hinusgahan niya ito kaagad.

"Kung gano'n, kailangan na nating magmadali para mailigtas natin ang kaibigan ko!" ani Asi. "Wala na tayong oras!"

Itinuro naman kaagad ni Lucresia ang daan papunta sa pinakatuktok ng bahay.

Dali-daling umakyat ang dalawa at nagsilbing tanglaw si Lucresia sa bawat hakbang nila. Madilim ang pagilid kaya kakailanganin nila ang ilaw na taglay ng babae.

Pagkarating nila sa pinakatuktok ng bahay ay agad na bumungad sa kanila ang isang kulungan na kung saan naroon ang iba't ibang mga magagandang babae, umiiyak at punong-puno ng takot ang mga mukha, kitang-kita rin sa mukha ng mga ito ang pagdurusa at pighati.

Agad namang naawa si Asi at Ozi.

Hinanap kaagad nila si Fritz ngunit hindi nila ito makita.

Lalapit na sana sila sa kulungan para malapitang tingnan ang mga babaeng nakakulong dito nang may isang babaeng pumigil sa kanila.

"Diyan lang kayo at huwag kayong lumapit dito kung ayaw n'yong masaktan," saad ng isang babaeng nakasuot ng itim na belo.

Nikalala naman kaagad ito ng dalawa—marahil ito ay si Merlyn—ang salarin sa pagkamatay ni Lucresia at sa pagkuha sa mga magagandang babae. Ngayon, maliwanag na sa kanila ang lahat.

Doon sa Baryo KilabotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon