Chapter 10 : "Your Eyes"

29 3 0
                                    

 Lyn's POV:

~~school~~

Ika-apat na pala ng lunes ngayong 1st month nang  pasukan.  Hayst  parang kailan lang yung first day of school ah. Nung mabunggo ako ng kumag na iyon tsk! Speaking of kumag! Yun bumabalik na naman siya sa una kong nakitang ugali sa kanya. Nung huminge siya ng tawad Alam kong seryoso siya Pero natatakot kasi ako na baka laro sa kanya lahat  yung tulad ng napapanood at nababasa ko hayst.  Alam niyo bang may Goodnews at Badnews? Eto yun. Goodnews: Hindi niya sakin ginagawa mga kalokohan niya. Badnews: naman ay mas lalong lumala si Mike, Sa tuwing nakikita ko siya. Iba yung tingin niya. Nakakatakot na para bang anumang oras may di magandang mangyayari, pero di ko alam kung kailan.

Naging mas close kami ni justine at madalas kasama din namin si meg. Napapansin ko rin na iba yung tingin ni Meg kay justine haha pero ok lang yun. Si justine mabait talaga. Wala akong maipintas sa kanya. Wala rin masyadong nagbagomaliban sa mga kakasabi ko lang,  kasi may mga nang aasar parin sakin. Bakit nga hindi? Eh! Panget nga kasi ako! Kaya ako lagi nakikita nila tsk! 


Pero aminin ko. Nanghihinayang ako sa taong nagbibigay ng flowers sakin. Wala na akong natatanggap eh. Bakit kaya di na siya nagbibigay? Ano kaya nangyari sa kanya?  sana ok lang siya kahit di ko alam kung sino siya.


.
.
"Ms.Villanueva?!" Sigaw ni mam.

@________@ ? Naku patay !lagot !


"Ma'am bakit po?" Napatayo na ako. Tumawa na sila lahat   

  "Ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa di nakikinig!" galit na sabi ni mam.

"Sorry po" napaupo na rin ako.

"Makinig ka kasi! " sabi ni kumag

Di na ako sumagot.

"Tsss! Palibhasa kasi panget " habol pa nito. Tsk! Humihirit pa ! 

Napatingin ako kay kumag. Sinamaan ko ng tingin, aba! Ganun din siya. Umiwas na ako ng tingin. Mas nakakatakot yung sa kanya eh.  

Maya maya tumunog yung bell. Nagsilabasan na ang lahat pati na sina justine at meg, pinauna ko na sila kasi may tinatapos pa ako. Kami na ni mike naiwan. Di ko alam kung bakit di siya lumabas. Nakaupo siya at nagsusulat ako.
Nang biglang kong nakita yung upuan na umabante sa pinakaharap. Ang ingay! Tiningnan ko si mike, nakita ko yung paa niya nakataas. Sinipa niya pala tsk!


"Problema mo?" Tanung ko
"Wala kang pake!" Pasigaw niyang sabi sabay tingin sakin ng masama. Umiwas ako ng tingin. Nakakarami na siya ng pagtingin ng masama sakin ah!   

  Patayo na ako ng biglang tumayo si mike. Wala man lang emesyon ang mukha niya. Hayst. Lalakad na sana ako ng sinipa niya yung upuan niya. Nagulat ako pero hindi na ako nagpaapekto, nilagpasan ko siya.

*BOOOOOOGGGSSSS* dinig ko. Lumingon ako.

"Ano gagawin mo?" Tanung ko.
"....." No respond
"Hoy! Ano ba? Ba-bakit mo ginawa yun?" Turo ko sa upuan. Huminto ito. At tsaka kumuha ng upuan at hinagis niya. Paulit ulit niyang ginawa yun sa iba pang upuan.

"Tumigil ka na!" Sigaw ko. Di ako makaalis , di ako makapag isip ng dapat gawin. Huminto ito at lumapit sakin.
"HAHAHAHAHAHAHA!" tawa nito habang nakangiting nakatingin sakin.

Huhu...  natatakot na ako.


"PINATITIGIL MO AKO?!" sigaw nito. Di ako sumagot.
"ANO?!" Sigaw ulit niya.
"O-oo! Pi-pinatitigil ki-kita! Ma-mali kasi iyon! " sagot ko.


Hinawakan niya ako at saka tinulak. Napaluha na ako sa sakit at takot.  

  "Bakit ka ba ganyan?" Naiiyak kong sabi.
"Anong bakit? Haha! Sino ka ba para sagutin ko yan? Ano ba kita? Tsk! At tsaka panget ka lang! Wag kang makialam! Wala kang pake!" Matigas nitong sabi.saka sinipa yun upuan at lumabas na.

Nang medyo ok na ako. Sumunod ako kina justine. Para di sila magtaka at mag alala.

~FASTFORWARD~

Nagtaka ang lahat pero inisip nilang baka ibang section may gawa ng gulo sa room. Di nila alam si mike may gawa nun.   

  Pauwi na ako ng may humarang sakin na naka sumbrero.

Natatakot ako hmmm.. Lumapit siya sakin at hinwakan ako.


"Si-sino ka?" Tanung ko.
Tinaasa niya yung mukha niya at tumingin sakin.
O____O?? "Mike?" Tsk! Siya na naman  

  Ngumiti ito.
"Tandaan mo ito!" Sabi niya.
"Ano naman yun?"
"HINDI KITA LALAYUAN! ASAHAN MONG DI RIN KITA KAKAAWAAN! AT MAS LALONG SISIGURADUHIN KONG MAKIKILALA MO KUNG SINO ANG KAHARAP MO NGAYON! TITIGIL LANG AKO PAG TAPOS NA AKO!" Sabi nito. Sabay bitaw sakin. Saka umalis na.

Tsk ! Ano daw?    Hayst..

 Minsan may pagka bipolar din sya eh .sabi wala ako pake sa kanya. Tapos ano yu! Tsk! Ang gulo niya !

---------

A/N:  Haha hay! Naku!magulo ba?Haha.. Kulit ni Lyn Haha (ako pala) .. Adik na si mike guys. Thanks po sa pagbabasa ... <3

The Unexpected FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon