Chapter 23 : "Teach Me How"

39 1 0
                                    

  Mike's POV:

Pagkatapos ng insedente samin ni panget. Di ko muna ginawa yung plano ko. Gagawin ko iyon sa araw at oras na liligawan ko na siya.   Yah! Liligawan ko na siya. Aba! Umamin na ako di ba? Haha   ano pa ba gagawin ko? Malamang liligawan siya. Haha.


Kaso  hindi pa ako ganun kagaling manuyo. Kung si panget nga kinakabahan ako eh. First gf ko nga, di ko niligawan di ba? Haha. Hayst ano ba dapat ko gawin? Patulong naman oh..


*tuk* bigla may bumatok sakin.
Si tol noel pala. Andito kami ngayon sa bahay sa sala.

"Lalim ng iniisip mo ah. Pang balon na ba yan tol?" Noel

"Tsk! Sakit kaya tol!"

"Hindi kita babatukan kung sinabi mo agad na di mo na itutuloy yung plano mo."

"Eh kasi tol.." Hmm Paano ko ba sasabihin sa kanya.? 


"Anong eh kasi? Yung totoo tol? Ayaw mo na ba makipagbati o makausap si lyn?"

"Ha? Tol? Hindi ah! Nakausap ko nga siya kahapon eh."

"Ano? Bakit di ko Alam? Bakit di mo sinabi yan sakin tol?" 


"Sorry tol. Kasi iniisip ko kung paano ko susuyuin si lyn, papatunayan sa kanya na mahal ko talaga siya, yung papakita kong totoo sinasabi ko. Yung tipong matutuwa siya sa gagawin ko. Yung magagawa ko rin mahalin niya ako tulad sakin. Yung.. Yung.. Arghh... Basta yun na yun. Liligawan ko kasi siya tol eh."

"O__________O!" noel
"Tol? Ok ka lang? Anyare sayo?" Ako

"Hindi ako ok tol! Tsk! Takte ka naman tol eh! Di nga ? Liligawan mo siya? Paano?"

"Yun nga iniisip ko eh! Tsk! Kulit!"


"Paano kayo nagkausap ni lyn? Pumayag na ba siya na ligawan mo?"

"Hindi pa eh. "


"Ha? Bakit liligawan mo? Kung di pa pumayag."

"Ano? Hahaha. Tol naman, ang ibig kong sabihin hindi pa eh kasi sumasagot si lyn kung payag siya o hindi. Gulat nga siya nung umamin ako na gusto ko siya. Kahit ako, di ko akalain na makapagtapat sa kanya. Kasi naman eh. Nainis ako kahapon sa takbo ng pag-uusap namin tol. Di siya naniniwala sakin, tapos iniisip niya na niloloko ko siya o pinagtitripan lang, at ang makasakit tol!  tsk! Ihalintulad ba naman ako sa taong nakasakit sa kanya! Tsk!"

"Hayst kaya pala. Ok! Ok!" Noel, sabay tapik-tapik sakin.


"So? Tol? Paano ba magandang manligaw?"

"Haha yan lang pala tol eh Bigyan mo nang flowers at chocolate."


"Weh? Paano kung di niya magustuhan?"

"Di mo malalaman kung di mo susubukan tol."

"Tama."

"Hey! Boys? Ano meron?" Papa.

"Haha tito kasi si tol mike! Haha bakla! Haha"noel


Tinulak ko si tol at tumayo ako.

"Tsk! Kakatawa tol! " ako


"Aray! Tol!"

"Haha ano ba meron?"papa

Di ako sumagot. Dumeretso ako sa kusina. Nauuhaw ako eh. Sumunod si tol noel at papa sakin.

"Totoo anak? Bakla ka? Haha " papa


"Haha 100 percent yan si tol tito. Haha " noel.


"Ge! Pagtulungan niyo ako ! Tsk!" Ako.


"Oh? Ano meron pa? Nak? Noel?"

"Haha" papa/noel 

  -__- - ako

"Hmmm? Ano nga?" Mama

"Bakla anak natin/tita bakla si tol!" Papa/noel

"Hayst " kainis.


Pagkainom, naupo muna ako.

"Anak totoo?" Mama

"Sa tingin mo mama? tsk! "Ako


"Hindi na masama anak! maganda ka kapag naging babae! Haha " mama.


"Thanks malalo na sa inyo pa, tol" ako


At nanahimik na ako. Sila? Tawa ng tawa. Hayst  

Ang hirap mag-isip kung ano gagawin ko para lang mapatunayan kay lyn na seryoso ako. Tapos sabayan pa ng kalokohan nila.


"Ma?" Ako

"Yes anak?" Ma

"Paano kayo napapangiti ng mga lalaki ma?" Ako

"Ha?" Mama,papa,noel

"I mean ma. Bilang babae, paano ba kayo napapangiti ng mga lalaki?"

"Bakit anak?" Naging seryoso na si mama at yung dalawa.

Di na ako sumagot. Pero kay papa na lang.

"Paano mo niligawan si mama? Pa?" Ako
Umupo na sila, si tol sa tabi ko at sina mama,papa sa harap namin.

"Pa? Ma?" Ako

"May liligawan ka?" Papa.

Tumango lang ako at niyuko ang ulo ko.

"Yan pala pinag-uusapan niyo kanina ah."papa,sabay himas sa ulo ko.

"Di ko alam kung paano ba dapat ang tamang manligaw. "


"Anak, bigyan mo ng flowers at chocolate."mama

"Yan ba ma? Napangiti ka? Napasaya ka?"

"Depende naman kasi yan anak sa taong pagbibigyan mo. Pero samin kasi nuon anak, kakaiba talaga."mama

"Tulad ng ano?" Ako

"Ou nga tito at tita."noel

"Personal kami magligawan noon anak. Kaya personal kasi sa bahay mismo ng mama mo ako nanligaw."papa

"Ganun pala pa." Ako.

"Tapos po?"noel

"Nakikita ng mga magulang niya na talang totoo ako sa nadarama ko. Anak kasi ganto rin yan, hindi ganun kadali ang manligaw ang mahalaga. Gawin mo yung alam mong magpapasaya ng taong iyong inaalayan ng pag-ibig. Ha" papa.

"Gusto ko siyang i surprise ma, pa, tol. Kaso di ko alam kung magustuhan niya. At tsaka gusto ko pa matuto ng mga iba't ibang klase ng panliligaw. Unang beses ko pa lang manliligaw eh. Ang mahirap nito. Galit siya sakin. Di ko alam kung papansin niya ako. Pero kahit ganun tutuloy ko parin."


"Anak? Sigurado ka na ba? Kasi anak bata ka pa." Mama

"Alam ko ma, pero gusto ko talaga siya eh."

"Paano kung masaktan ka ulit?" Mama

"Ayaw ko muna isipin yan ma. Gusto ko muna patunayan kay lyn na gusto ko talaga siya. At tsaka mama at papa, wag kayo mag-alala. Kasi di ko papabayaan pag-aaral ko."

"Sige anak. Kung yan ang desisyon mo. Sana makilala narin namin siya "papa

"Talaga pa?  " ako.

"Ou anak, ok samin"mama


"Haha yah tol! Pero bakla ka parin! Haha "noel.


"Ewan ko sayo tol! Sumbong kita kay ela jan eh. Haha"ako Sabay tayo.

"haha mahal ako nun. di maniniwala sayo yun haha." Noel.


"Haha ok. Sabi mo eh.

Hayst kailangan ko na maghanda. Hindi ito biro. Kaya sisiguraduhin kong maging ok ang lahat. At ang mahalin niya din ako.



---<3#PlanForLove<3---

The Unexpected FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon