Chapter 30: "Last Minute"

27 0 0
                                    

  Noel's POV:

Asan na kaya iyon?
Bigla-bigla na lang nawawala.

Andito ako ngayon sa park. Naglilibot, obvious naman di ba? Malamang hinahanap ko si babe. Yah! Si babe nga. Kala niyo siguro si tol mike ang kasama ko ngayon?

Hindi eh. Kasi si tol? Ayun! Sinusuyo na si lyn. At kami ni babe? Haha nagde-date kaso ngayon nagtataguan na kami. Galing nuh? Mag-isa na lang ako dito. Saan ko kaya siya makikita?

Naglakad-lakad muna ako.

"Hik! Hik! Hik!" Ano iyon? Parang may umiiyak ah.

Lumapit ako, tiningnan ko kung sino.

Sa gulat ko kung sino nakita ko, napasigaw ako,
"BABE?!!!"
Lumapit ako lalo at hinawakan siya sa magkabilang braso.
"Anong nangyari sa iyo? Bakit ka umiiyak? May nanakit ba sa iyo? Sino? Sabihin mo sakin! Ha!" Natataranta na ako. Kasi umiiyak parin siya. Kaya ginawa ko.

Niyakap ko na lang siya pero nagulat ako kasi mas mahigpit pa yung yakap niya sakin at tila sinasabing "dito ka lang, huwag mo akong bibitawan ah."

Haha.. Grabe.. Ang sarap kayakap ni babe. Hoy! Kayo! Mga isip niyo ah.

Ilang minuto rin kami sa ganuong posisyon nang kusang kumalas sakin si babe.

"Ok ka na?" Ako,
Yumuko lang ito at ipinatong ang ulo nito sa balikat ko. Pinunas ko ang mga luha niya.
"Sana man lang nagsabi ka na mas gusto mong magtagutaguan tayo kaysa ang magdate pala." Medyo naiirata ako

Lumayo siya sakin at humarap. Nakita ko pag-alala niya.
"Galit ka ba sakin ha noel? Sorry kung naiwan kita. May nakita kasi akong magbf at gf na kumakain ng cotton candy. Naalala ko lang si--" di ko na pinatapos.

"Kaya nga tayo nandito para mawala muna sa isip mo iyan at mag enjoy tayo tapos ganyan ka pa. Ako nandito eh. Sana sinabi mo para naihatid na lang kita sa kanya."

Tsk! Bakit ganto nadarama ko? Alam ko naman sino talaga ang gusto niya at ito? Wala lang itong relasyon na ito. Tsk! Kainis! Bakit ako naapektuhan.

Dahil sa inis ko. Tumayo na lang ako at naglakad.
"Noel! Sandali!" Tawag sakin ni Janela.

--------------------­­-
Janela's POV:
Nakakainis naman oh! Bakit nangyayari pa ito sakin?! 'Yung nag-iisang tao na nakakaalam ng nararamdaman ko ngayon at tinutulungan ako. Masama na ngayon ang loob sakin.

Hinabol ko ito ng tawag at sumunod rin ako. Pero di ako pinapansin. Huhu! Huhu! Huhu! Ano gagawin ko? Huhu... Sabagay di ko siya masisisi kung bakit.

*FLASHBACK*
"Tulala ka! Bakit? Iniisip mo na naman ba siya?"
Napalingon ako sa nagsalita. Si noel pala.
"Noel" tawag ko
"Ouch! Noel na lang? Hindi na babe? Haha"
Napayuko ako sa sinabi niya.

"Sorry" sabi ko
"Ok lang. Tapos na di ba?"
"Ha?" Ano daw?
"Di ba usapan natin. Matatapos lang ang relasyon na ito kung sakaling matapos na yung pinagtatalunan natin. Sa madaling salita. Sa oras na makuha mo na yung sagot at pag natanggap mo na yung dapat mong tanggapin. Yung bagay na nalaman mo."

Oo nga pala! Nakalimutan ko. Kahit na ganto lang relasyon namin. Walang ginawa si noel na di maganda sakin. Lagi niya ako inaalalayan at tinutulungan sa mga bagay-bagay. Dapat may gawin ako para makapagpasalamat.

"Ahm noel?" Niyakap ko siya mula sa likod.
Hehe tsansing ba? Hindi ah. Natural na lang samin ito. Haha.
"Ano yun janela?"
Ouch! Wala nang babe? Talagang wala na? Hehe,, sorry nasanay lang ako. Kaso ah... Baka ano isipin niyo ah.

"Aray!" Daing ko
"Anyare sayo janela?"
"Walang babe eh!" Napanguso na ako
"Ikaw ah! Gusto mo din nuh? Haha"
"Hehe nasanay lang ako" mas lalo kong hinigpitan yakap ko sa kanya.

The Unexpected FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon