Chapter 16 : "She is my First"

39 2 3
                                    

  Mike's POV :

~~Room ko~~

"Hayst  " napabuga na lang ako ng hangin.

Galit na naman siya sakin. Paano ko ba papatunayan sa kanya na hindi ako katulad ng iba. Na mali talaga iniisip niya sakin. Na! Na! NA DI KO SINASADYA IYON! TSK!

  Nandito ako sa bintana. Nakatingin lang sa langit. Wala ako magawa. Wala ako maisip. Tinatamad ako. Ok naman kasi kanila eh. Tsk! Kainis! Kung alam ko lang na mangyayari yun! Argh! Sana di ko na lang siya sinalo tsk!   


~Flasback~
Nakita Kong lumabas si Lyn kaya sinundan ko siya. Naabutan ko siyang pinagmamasdan ang mga halaman. Ang sarap pagmasdan ang kasimplehan niya, kahit di siya tulad ng iba. Ok lang, siya kasi yung tipo ng babae na kapag nakita mong ngumite. Mapapangiti ka narin, nakakahawa ang pagngiti niya.

Nagulat ako kasi bigla na lang siyang humarap sakin. Nakita ko rin na nagulat siya at na out balance pa.

Bago pa man lumapat yung likod niya sa lupa. Inagapan ko na siyang saluhin pero nabigla ako sa pagkatumba niya at sa katawan niya. Remember nung binuhat ko siya nuon sa balikat ko. Mabigat talaga siya. Di ko namalayang nahalikan ko siya.

Dahil sa bilis ng pangyayari. Di kami makakilos ng maayos. Ganun parin yung set up namin. At itsura namin?

@_____@ -siya
O_________O ako

"Lyn?" Tawag ni tol noel.

Dahil sa tawag na iyan. Nahimasmasan kami. At tinayo ko siya. Dumating si noel. Humarap kami kay noel.

"Oh! Lyn dito lang pala kayo eh." Noel
"Ah.. Eh.. Hehe. Tiningnan ko lang ito, namin." sabi ni lyn. Sabay Turo sa mga tanim.
"Ganun ba? Ok" noel.
"O-ou tol! Sinamahan ko lang siya. Haha " sabi ko.
"Ok tol!" Saka umalis na ito.

Tiningnan ko siya. Umiiyak na siya. Bakit ba nangyari yun? Tsk! Di ko sinasadya!

"*hik* Pag nalaman ni mama ito *hik* kainis" nakayuko siya.

"Sorry lyn. Hindi ko sinasadya.". Totoo Lyn maniwala ka. Please wag ka umiyak.

Hahawakan ko sana siya. Pero tinapig niya lang ako.

"Talagang tinotoo mo sinabi mo huhu"

Ha? gasp emoticon ? Hi-hindi Lyn! Tsk!

"Lyn! Maniwala ka. Hindi ko sinasa--" di na ako nakatapos, naramadaman ko yung kamay niya sa mukha ko. Nasampal na niya na ako. Hindi masakit yung sampal, ang masakit yung nakikita kong umiyak siya dahil sakin.

"Ganyan! Ka ba talaga mike?! Ha? Gumagawa ka ng bagay nang hindi man lang iniisip yung mararamdaman ng iba?! Ha! Alam mo bang FIRST KISS KO YUN!"

Ano? A-ako ang FIRST KISS NIYA?   

  Ngayon alam ko na kung bakit ganun na lang ang nakikita kong galit niya   

  huhu hindi ko sinasadya.

"Sorry lyn. Please patawarin mo ako. Di ko sinasadya yun.  

  lyn wag ka magalit sakin." Putek! Naiiyak na ako! 

"Manloloko ka. Sinadya mo lahat! Kinukuha mo ang loob ko para sa ganto. Ano masaya ka mike ha ? tsk! Nakuha mo yung gusto mo? Pareho lang kayo. Pareparehong manloloko. Dapat di ako nagtitiwala sa katulad mo. Alam mo mike. Kung anong masakit ha? Tanggap ko na mapang asar ka. Pero yung ganto. Hindi eh. Akala ko gagalangin mo na ako. Pero hindi. Nagkamali ako."


Hindi! Ko siya niloloko! Mas lalong argh! Tsk! Bakit ganyan siya mag-isip sakin  

  Nakita ko na pinunas ni Lyn luha niya at humakbang.
Pero pinigilan ko.Humarap siya sakin at tinanggal yung kamay ko.

"Please hindi naman ako ganun. Maniwala ka naman oh." Pagmamakawa ko. Tumutulo na luha. Wala na akong pake pa sa itsura ko. Ang mahalaga pakinggan niya ako.

"Tsk! Hindi na ako maniniwala pa sa iyo. Tandaan mo ito. Ito na ang huling beses na magagawa mo sakin ito."

"Lyn! " NO! NO! NO! PLEASE ..

The Unexpected FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon