Chapter 24 : "Bulong"

23 0 0
                                    

  Lyn's POV:

"Naku! Patay Late na ako!"
Patakbo na ang ginawa ko papuntang room. Tsk! Paano ka ba naman di ma-late eh! Kasi eh! Kasalanan talaga ito ng CURIMAW NA IYON!

Halos ilang gabi na rin ako di makatulog ng dahil sa naiisip ko yung nangyaring pagtatapat niya sakin!!  Tsk! Napupuyat ako dahil duon! -sk! 


Yes! Sa wakas nandito na ako sa room. Nakapasok na ako. But, Wait!!

O_________O ??

Walang teacher? May nagbabatuhan? May nagpipicture-picture­? Napakagulo ng buong room at may nakasulat pa sa blackboard.

"MAGSAYA TAYO!!" at Iba pa.

"Rizz Lyn!!!" Patakbong tawag sakin ni Ana.

"Hmmmm?" Bigla kasi niya ako niyakap.
At kumalas din agad.

"Rizz Lyn  Tara! Gala tayo sa buong school!"


"Ha? Sa-sandali lang. Bakit?"

"Eh kase--"

"Kase ano? Ano ba meron? Bakit walang teacher?"

"Meron kasing biglaang meeting ang mga teacher at dahil doon. Walang klase mula ngayon hanggang mamayang uwian. Haha. Wala rin pinapagawa ang mga teacher natin. Attendance lang."

"WHAT  Hayst!" Sigaw ko.


Nagtinginan ang lahat sakin, sa amin pala ni ana.  

-_- - ana

*_* - sila 

  Pero di ko sila pinansin. Si ana lang ang tingin ko. Hinawakan ko siya.

"Alam mo bang sobrang sakit ng ulo ko dahil ilang araw na akong di nakakatulog. Tapos nagmadali pa ako sa pumasok yun pala walang klase?!!   Aaarrgghhh!!! " Sabi ko sabay bitaw kay ana. Saka pumunta sa upuan ko. Lutang isip ko. Parang wala na nga ako nakikita sa paligid ko eh. Ang alam ko lang, gusto ko na maupo at magpahinga kasi pagod na pagod ako sa pagtakbo at nahihirapan na ako konti sa paghinga. 


Naupo na ako at yumuko.
"Lyn?" Tumatawag pa sakin! Tsk!
"Hmmm?! Ano yun?!" Naiirita kong sabi ng hindi ko iniaangat ang ulo ko.

"Ok ka lang?" Sabay hawak sa balikat ko.

Tsk! Ayaw ko ng hinahawakan ako bigla eh! Lalo na ng lalaki. Ou, lalaki naririnig kong tumatawag sakin. Lumapit pa sakin. Kaya iniangat ko na ulo ko at nagsalita.

"Eeeee! Masakit ang ulo. Gusto ko magpahinga! Pwede ba wag mo muna ako istorbuhin?!" Saka tiningnan yung lalaking iyon na nagsalita kanina.


"So-sorry lyn." Justine.

"Justine? naku! Pasensya ka na kasi masakit talaga ulo ko. Hmmm..huuu...hmmm" nahihirapan na talaga ako huminga.


"Ah ok lyn. Itatanung ko lang sana yung about kay meg." Justine.

Ay ou nga pala kakausapin ko pa si meg. Tsk! Naman! Bakit ba ganto nangyayari tsk! Nakakainis na ah! 

  "Ah sige. Mamaya kakausapin ko na siya. Pasensya na, nakalimutan ko nung nakaraan kasi nagkaroon ako ng problema eh."

"Ah sige. Thanks."

"Sige din. Hmmm..huuu..hhmmm.."

Pagkaalis niya. Tumayo ako at naglakad. Nanghihina ako pakiramdam ko. Babagsak na ako anumang oras. Kaya binilisan ko ang paglalakad papuntang garden. Duon ako magpapahinga.


~Fast forward~
Nasa kalagitnaan na ako ng tulog ko ng may naririnig akong boses na machina lang, nagsalita ito sa tapat ng tenga ko.

"Alam mo, hindi ko alam kung anong meron ka. Pero ito lang masasabi ko. Hindi ko hahayaan na lumuha ka dahil sa mga taong iyon na sasaktan ka lang. Hindi ko hahayaan na may makasakit sa iyo. Hindi ko rin hahayaan na maramdaman mong nag-iisa ka. Dahil andito lang ako. Kahit anong mangyayari. Sasamahan kita. Pinapangako ko iyan."

Pagkatapos nun. Hinaplos nito ang buhok ko at naramdaman kong parang may nilagay siya na damit bilang kumot ko at saka naramdaman ko din na umalis na ito.

Parang panaginip ang lahat. Gusto kong buksan ang mga mata ko para makita ko kung sino ang nagsabi ng mga iyon. Pero hindi ko magawa dahil sa pagod ko. At antok na antok ko.

Napaluha ako sa huling sinabi niya.

'Pinapangako ko'

Yan ang pinakamasarap pakinggan pero PINAKAMASAKIT ISIPIN AT DAMHIN.
SAPAGKAT MADALING SABIHIN, MAHIRAP GAWIN.

Isa sa mga kinaaayawan kong salita at di ko pinaniniwalaan. Ayokong masaktan sa ganyang salita. Nate-turn off ako sa mga taong nangangako. Lahat nagbago sakin dahil sa isang tao. Alam niyo kung sino. Kaya kahit ang salitang pangako. Kinakalimutan ko.

Tulad ng sabi ko. Parang panaginip lang. Kaya pinagpatuloy ko lang ang pagtulog.

~fast forward.~

Nagising ako ng 9:45 mula sa pagkakatulog ng 6 ng umaga. Haba ng tulog ko nuh? haha..


"Ahhhhaaahh..." Inat inat pa ako. Kinusot kusot pa ang mata ko.

Tatayo na sana ako ng biglang may nalalag na nakapatong sa katawan ko. Isang jacket? Ah? Sandali. Bakit may jacket na nasa akin. Eh wala naman akong dala dala nun ah.

Kinuha ko ito at tiningnan pa maige. Iniisip ko kung may nakita akong may jacket kanina. Pero wala ako maisip hmm.. 

Kanino kaya ito? Hayst 

May nakasulat pa na "ML" .

Ahh? Weird ML talaga nakasulat? Grave ah. Sino kaya yung ML na iyon? Hmmm? Hindi kaya? Michael Lawrence, Miguel Lance, Mark Lee, Marky Loyd, Marlon Lex. Haha? Ano ba itong naiisip ko? Wala kahit sino man sa kanila ang kilala ko o kaklase ko. Basta naisip ko lang maaring meaning ng ML. Hayst

  Sandali! kung yung jacket nahulog sakin kasi nakapatong pala sa katawan ko?   ibig sabihin.


HINDI PANAGINIP YUNG NAGSALITA KANINA SAKIN. AAARRGGHH!! ANO BA NAMAN ITO? HUHU!

  NAHIHIRAPAN NA NGA AKO KAY MIKE! TAPOS NAIIPIT PA AKO KINA JUSTINE AT MEG! AT TAPOS DUMAGDAG PA ITO?HUHU... 


"HOY! JACKET NA DI KO ALAM KUNG KANINO KA TALAGA! HAYST !!!   

  DAGDAG SAKIT ULO KA!! TSK!"
Sabi habang nagigil sa jacket na hawak ko.

Kainis talaga..   



--------------#PangakoUlit?----

  A: SINO KAYA YUNG BUMULONG KAY LYN? HMMM...

The Unexpected FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon