Lyn's POV:
"Uy! Lyn" Janela, papalapit sakin.
Hmmm? Ano kaya kailangan nito sakin?
"Bakit?" Sabi ko
"May gusto ka ba kay--" di ko na pinatapos pa."Kung nagseselos ka ulit sakin. Huwag ka mag-alala. Wala akong gusto sa bf mo, kay noel. Magkaibigan lang kami simula pa nuong una." Hayst
"Ah?" Janela
"Di ba nga nagselos ka dati sakin?" Grabe! Nakalimot agad siya?
"Ah! Oo, sorry ah"
"Wala 'yun! Magkaibigan lang talaga kami. Sana 'wag mo masamain yun janela."
"Hehe ou naman" sabay ayos nang buhok nito.
"Hi babe!" Noel , papalapit samin kasama si curimaw.
"Hello babe." Nagngitian pa.
"Ehem!" Nakakailang yung titigan nila. Parang walang ibang tao eh. Si mike. Naupo na.
"Uy! Ikaw pala Lyn. Ano pinag-uusapan niyo?" Noel
"Hehe ou! Ako nga noel, kita mo naman di ba?" Tsk! Natutulad na siya kay curimaw ah.
"Hehe sorry naman."noel
"Ge lang. Nga pala yung tinanung mo kanina eh. Girl's Talk lang yun. Pagsinabi namin meaning girl ka na."ako
"Ha? Uy! Ok na! Haha lalaking-lalaki ito. At tsaka ok lang yan."Noel
"Sige" ako
"Ahm ok! Dito na muna kami ni babe lyn, thanks ah" sabay ngiti ni janela
"Wala yun" nginitian ko din siya.
"Ela na lang lyn." Janela.
"Ok! Ela"
Pagkaalis nila noel, tumungin na ako sa dalawang makakatabi ko na naman. Hayst! Parang nagsasawa na ako. Si justine? Hayst ewan sa kanya, tahimik kasi eh. Tapos si curimaw? Tsk! Natutulog! Kainis siya! Kakarating lang eh. Natutulog pa. Bakit pumasok pa siya kung matutulog lang pala siya. Makaupo na nga lang.
"Sandali!!!!!" Sigaw ng isang babae.
Lumingon ako at ang lahat sa sumigaw. Si Ana lang pala. Kung makasigaw naman. Grabe! Wagas wagas lang? Hayst.. Hmm ? Papunta siya sakin ah. Bakit kaya? Muka pang hinihingal na ewan na mukang kinikilig. Biglang may inabot siya sakin na tatlong bulaklak.
"Huh?" Kunot noo kong kinuha, para saan naman kaya ito?
"Hmmm? Ano ba?! Tutulog ako eh! Nag-iingay ka jan ana." Mike
Tsk! Humarap ako bigla kay mike.
"Hoy! Ikaw! Hindi mo ito bahay! School ito. Kaya pwede ba! Huwag ka matulog dito at kung papasok ka lang din dito para matulog. Umuwi ka na lang! Nagsasayang ka nang oras mo!"sigaw ko dito.
Hindi ito sumagot at tumingin lang sa hawak ko saka tumingin sakin. Parang Alam ko na iniisip nito ah.
"Ah e kay ana ito!" Sabay abot Kay ana. Tsk! Ano ba ito?! Bakit parang nailing ako sa tingin niya. Pakiramdam ko namula ako ah. Tsk!
"Wala pa naman akong sinasabi eh." Nakangiting sabi ni curimaw.
Ha? Ano? Hindi ba siya magtatanung o magagalit kasi may hawak akong bulaklak. Kala ko pa naman magpapansin siya. Hayst! Ano ba?! Lyn! Imposible mangyari yun nuh!
Paupo na sana ulit ako nung sumigaw si ana ulit.
"Sandali nga lang! Hindi naman ako si Rizz Lyn di ba? Tingnan mo oh! Pangalan mo nakalagay."
Tiningnan ko at .. o-oo nga!Bigla may kumuha ng card ng flowers. Si sis meg pala.
"To: Rizz Lyn Villanueva
'Good Morning!
Alam ko na malungkot ka na naman. Sana sa simpleng mga bulaklak na ito. Mapangiti kita.'
From: Mr.? " basa ni meg
Yung "Mr.?" Talagang question mark lang yun.
"ANO?" Sigaw ng lahat at gulat na gulat pa. Maliban kina mike at noel, paano ko nalaman? Nilibot ko paningin ko nuong sumigaw sila eh.
"Hahaha isa itong kalokohan! Kung sino man ang may pakana nito! Sa tingin ko nagkamali lang siya!. Sandali! Ana kanino galing ito?" Sabi ko habang hawak ko ang mga mga bulaklak.
"Hindi ko alam rizz lyn eh. Nakita ko lang sa may pinto mismo yan pagdating ko."ana
"Hehe ganun? Wala ka kahit isang nakita na tao sa malapit lang dito sa room natin?"ako*Dug!* *Dug!* *Dug!* ano ba ito kinakabahan ako.
"Wala eh. Kahit isa."ana
"Sige! Salamat ah."ako.
"Walang anuman." Ana at umalis na ito. Bumalik na rin ang lahat sa ginagawa nila.
"Ayie! Ikaw sis ah!" Meg sabay sundot sa tigiliran ko.
"Uy! Tumigil ka nga! Wala ito. Di ko nga alam kung kanino ito galing eh. Siguro nangtitrip lang iyon."ako
"Hay! Naku! Trip man yan o hindi lyn! Ang sweet niya ah. At tsaka tama siya. Ngiti-ngiti rin ah. Nakasimangot ka oh! Haha pa mysterious pa yung nagpadala. Naku! Ingat ka sis." Meg, tatawa-tawa habang pabalik sa upuan niya.
"Hehe opo. Thanks pero asa pa akong di trip ito. Hayst! Bahala na." sagot ko.
Naupo na rin ako sa wakas. Tiningnan ko lang yun bulaklak, Hindi kaya siya rin yung lagi nagbibigay sakin dati ng bulaklak? As in, iisa lang ang may pakana nito? Kaso di ko rin kilala kung sino yun. Hmm..
~Fast Forward~
Kasama ko ngayon sina justine , Meg, at kuya xander. Why? Haha pagkatapos kasi ng incident na natamaan ako ng bola. Nag-usap-usap na sila at nagkaunawaan na at nagkaayos na rin. Alam na rin ng lahat na magkapatid sina kuya xander at Meg, samin lang pinakilala ni Meg na Bf niya si kuya kahit hindi. Sa iba hindi ganun ang pakilala nila.
"Gutom na ako huhu!" Sabi ko habang nilalaro ko yung mga bulaklak. Kung di ito bulaklak, kakain ko na ito.
"Wait lang sis! Malapit na sina kuya at jd."meg habang nagsusuklay.
"Bunso, lil sis?" Kuya xander
"Meg, lyn?" J
BINABASA MO ANG
The Unexpected Friendship
Novela JuvenilAko: "Bigyan mo ako ng mahalagang dahilan, kung bakit gusto mo akong maging kaibigan!" . . Siya: "Dahil IKAW ay IKAW!" . . Ako: "Tsk! Anong klaseng sagot 'yan?" . . Siya: "Tama naman sinabi ko ah? " . . (Wala ako naintindih...