Chapter 28: "Something"

18 0 0
                                    

  Mike's POV:

Grave yung naririnig ko, mas pinili ko na lang magtulogtulugan at hayaang nakalagay yung earphone ko para isipin niya wala ako naririnig. Magpapatugtog sana ako kaso nung narinig ko si meg na tinatanung si lyn. Di ko na tinuloy.

Mamaya talaga, siguradong makakausap ko na siya.

-----------

Noel's POV:

Here we go!! Papunta na kami sa tambayan haha.

"Noel?" Bulong ni babe janela, tumingin ako sa kanya.

"Bakit?" Kako, at inakbayan ko siya.

"Ano ba gagawin natin doon?"

"Hmm, wala naman. Tambay lang tayo, kwentuhan, bonding. Bakit babe? Ayaw mo ba?"

"Ah? Hindi. Ok lang naman sakin eh."

"Ah ok." Hmm?

Tumahimik na lang ito bigla. Kanina pa ito tahimik ah. Bakit kaya?
Hinawakan ko ulo niyo at sinandal sakin.

--------------------­-

Janela's POV:

Habang nasa sasakyan kami, on the way sa tambayan. Parang nawalan ako ng dila para magsalita. Siguro, tinamaan ako sa sinabi ni cousin.

~flashback~

"Walang mali sa nararamdaman ng isang tao sis, kung ito ay umiibig. Magiging mali lang ito kung mali ang ginagawa." Meg

~End'of'flashback~

Tama si meg, kung iisipin itong ginagawa ko. Mali talaga. Mali na umaasa ako, mali na nakipagsundo ako kay Noel, mali na isipin ko na sana hindi magkagusto si mike kay Lyn. Gayong wala naman akong karapatan. T.T
Ano ba dapat ko gawin? Huhu.

Pagkatapos kong makipag-usap kay Noel. Isinandal niya ulo ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit talaga pinagtatyagaan ni noel ang isang tulad ko? Wala naman siya mapapala sakin at alam ko na hindi rin naman na wala siyang gusto sakin. Pero grabe ah. Maalaga talaga siya. Kung magkakaroon ito ng gf. Swerte nun. Ay !gf na pala niya ako. Este! Yung mamahalin pala niya ang maswerte. Haha


"Andito na tayo." Mike.

Dito na pala kami. Hmm..

"Tara na guys." Noel.

"Una na kayo, kukunin ko lang yung mga gamit."mike.

"Bibili lang ako." Lyn

"Tara na babe." Noel, sabay hawak sa kamay ko. Tumango lang ako. Habang nasa daan kami. Kinakapa ko yung cp ko pero wala eh. Naiwan ko ata sa sasakyan.

"Ahm, babe may naiwan ata ako. Una ka na." Sabi ko.

"Ok" Noel.

Pagbalik ko sa sasakyan. Binuksan ko ito at hinanap ko pero wala. Asan kaya yun?   

Hayst magtatanung na lang ako sa kanila kung nakita nila.


Paalis na ako ng makarinig ako ng parang may nag-uusap sa di naman kalayuan sa sasakyan.

"Mahal kita! At wala nang magababago yun ang totoong nadarama ko." Sabi nang lalaki ang boses.

Sinilip ko sandali at nakita ko si mike sa may bandang halaman. Kaya pala wala siya sa sasakyan. Si mike lang naiwan kanina eh. Si lyn naman nakita ko talaga doon patungo sa tindahan. Si mike lang nakita ko. Pero nakaharap siya sa halaman. Hindi naman ito baliw para kausapin yung halaman. 


"Please itigil mo na lang ito." Boses ng babae.

O____O totoo nga. May kausap talaga siya .. May mahal na nga siya. Tsk! Tumutulo na luha ko, di ko mapigilan. Lalapitan ko sana siya. Kaso naalala ko yung sinabi ni meg.

~~~~~"Walang mali sa nararamdaman ng isang tao sis, kung ito ay umiibig. Magiging mali lang ito kung mali ang ginagawa." Meg ~~~~~

Paglumapit ako. Ano gagawin ko? Guguluhin ko si mike? At ipipilit yung sarili ko? Aawayin ko yung babaeng sinabihan niya ng 'Mahal Kita'. Tapos ano? Ano mapapala ko?

Lalayuan at magagalit sakin lalo si mike na imbes ok na kami na parang talagang magkaibigan. Makakasakit ako ng iba at worst pa 'non ay yung mahal ni mike. Tapos kahit si noel mas lalong hihigpitan ako? Magagalit siya. Tsk! Bakit ba iniisip ko yun galit ni noel. Eh, dapat nadarama ko iniisip ko. Pero tama naman kasi siya eh. Masasaktan lang ako, yun ang sabi ni noel noon.

The Unexpected FriendshipTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon