Chapter 18- The Who

84 7 5
                                    

Chapter 18-The Who

William's pov

dalawang araw na ang lumipas magmula ng mawala ng bahagya si X , at dalawang araw na din ako binabagabag ng kuryosidad ko , may gusto akong makumpirma pero may pwersang pumipigil saakin para malaman un , kaya pass muna ako sa pagpapakilig ng mga kababaihan sa paligid , focus muna ako sa mga taong malapit saakin

tulad nalang si Xierra na kasulukuyan ako sinisigawan , sanay na ako sa lakas ng boses ng babaeng toh , siguro mas lalala toh pag naging mag-asawa na kami kawawa anak namin, advance ba masyado ?? hehe wag kayong maingay ahh , ayoko pang umamin baka di na nya ako bungangaan at maging boring ang buhay ko , ayokong masira ang samahan namin dahil sa pag-amin ko kaya okay na ako sa ganitong set up namin

"BUMALIK KA NA SA UPUAN MO UUPO NA AKO " naka copslock talaga para dama , nakaupo kasi ako sa upuan nya

"dito kana umupo oh di naman ako magagalit " tinuro ko ang lap ko , para naman syang toro na umuusok ang ilong kaya umalis na ako at baka sumabog ang bulkan ako ang matamaan , nagmula sa toro hanggang sa bulkan , astig ahh

"William , umamin ka na kasi , sige ka baka maunahan ka ni Nyq , balita ko pa naman pinopormahan nya si Xierra " tignan mo toh , di na nagsusungit , tapos na siguro period nya , hay naku Zander magsama kayo ni X parehas na di mawari ang ugali

"di ka na nga masungit chismoso ka naman ngayon , climate change na ba at pati ikaw nagbago agad agad " binatukan nya naman ako , bigat talaga ng kamay ng isang toh

"pinapagan ko lang pagiging mature ko ngayon , ehh kasi pagdating kay---hmmmmnnp" tinakpan ko ang bibig nya , baka may makarinig at makarating kay Xierra

"ang baho ng kamay mo naghugas kaba ??" napailing ako para asarin si Zander , alam ko naman na nang-aasar din ang taong toh di lang halata

"kadiri ka , maghugas kanga " OA , wala naman ehh arte

"nakainom ka ba ng gamot mo ??" napakunot naman ang noo nya , nilapit nya ang likod ng palad nya sa noo nya

"wala naman akong lagnat o kahit na anong sakit bakit ako iinom ng gamot " hay nahawa na ng pagkaslow si Zander kay X

"gamot para dyan sa utak mo , baliw ka na ata ehh , ang sungit mo saakin tapos biglang mang-aasar , loko ka ahh " tumawa lang sya , baliw na din

"umamin ka nga , anong nasinghot mo , asan na ung Zander na masungit at kinatatakitan dito ilabas mo nga sya " pinasok ni Zander ang kamay nya sa bulsa ng slacks nya

"teka bala nandito sa bulsa ko kunin ko lang " napayuko nalang ako dahil sa kalokohan ni Zander ngayon lang ulit sya naging ganito , simula ng mawala si Zien naging masungit na sya pero ngayon bago ulit , ano kayang nangyari

dumating ang history teacher namin kaya nagasibalikan na sa kanya kanyang upuan at nakinig sa paulit ulit na kinukwento ng teacher mula grade one hanggang ngayon sawa na ako kay sige tulog pero dapat hindi nakadukmo sa lamesa dapat nakasandal lang para di mahuli

Third Person's Pov

"napakasaya nilang tignan noh " napakuyom nalang ang kamao ng babaeng kasama ni Qyn

"bakit mo ba ako kinuha mula sa dorm ?? " nasa isang maliit na bahay sila kung saan merong isang maliit na kawa para doon tignan ang mga ginagawa ng gusto nilang makita

"kinuha kita dun para ipakita sayo na wala kang halaga sa mga taong gaya nila na mas mapapahalagahan ka kung sasama ka saakin " pagkukumbinsi ni Qyn sa babaeng hindi papangalanan

"ano ba sayo kung may halaga ako sa kanila o wala ?? sanay na ako na parang hangin , nararamdaman pero hindi nakikita " sagot naman ng babae , kalmado parin si Qyn kaya pinagpatuloy nya ang pagkumbinsi sa dalaga

"masaya ka ba na hanggang dyan lang ang tingin mo sa sarili mo ?? hangin na nga ang kapangyarihan mo hangin mo paring maituturing ang sarili mo ?? ayaw mo bang maging katulad nila na hinahangaan , na sikat , na madaming kaibigan , hindi ka ba naiingggit ??" napayuko naman ang dalaga dahil lahat ng sinabi ni Qyn ay totoo , naiinggit nga sya dahil ang tingin sa kanya ng mga tao ay isang malaking weirdo na walang nagawang matino kundi ang magpasakit ng ulo

"kilala mo na ako , kaya pagkatiwalaan mo ako , ako lang ang nakakaintindi sa nararamdaman mo , kaya tatanungin kita , pwede mo ba akong maging kaibigan " nagulat naman ang dalaga sa tinanung ni Qyn , ngayon lang kasi may nagtanung ng ganun sa kanya

lagi kasing tanong sa kanya

'anong trip mo ?'

o di kaya

'baliw ka ba?'

"di pa kita masyadong kilala kaya di ko pa maibibigay sayo ang buong tiwala ko " umalis ang dalaga at nagtungo sa isang silid na inakupahan nya ng tulog sya

nagdagdagan na naman ang mga tanong sa isip nya

'bakit nangyayari toh ?'

'bakit ngayon ko lang nalaman na wala pala talaga akong kwenta sa mata nila tulad ng sabi ng clone ko ?'

'anong pakay ni Qyn para gustuhin akong maging kaibigan ??'

"wag mo munang isipin ang mga tanong na gumugulo sa isip mo ngayon , hindi ka makakatulog at mapupuyat ka kung di ka pa magpapahinga " sinunod naman ng dalaga ang sabi ni Qyn , masyado ng madaming bagay ang bago sa kanya , at hindi sya komportable dun

Qyn's Pov

naaawa nalang ako sa anak nya , dahil gusto nyang patayin ang nag-iisa nyang anak at nag-iisang nagmana ng kapangyarihan nya

naaawa ako sa kanilang dalawa

lumabas muna ako ng bahay para lumanghap ng sariwang hangin

sa totoo lang hindi naman talaga masama si Pain tulad ng sabi nila , siguro ng dahil sa pag-ibig naging puspng bato ang dating dalisay na puso ni Pain

may mga bihag syang ginawang maginhawa ang buhay pero kapalit ang katapatan sa kanya

siguro walang ideya si Pain na may anak sya , ganun din siguro kay Queen Alliya na walang ideya kung anak nya ba talaga ito kay King Xander

pinipilit kong kumbinsihin ang anak ni Pain pero parehas sila ni Pain , hindi sila madaling magtiwala lalo nat ipagakatiwala ang personal nilang buhay

nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng may lumitaw sa harap ko , isa sa mga tauhan ni Pain

"Qyn , naiinip na si Pain kailangan mo ng maidala sa kanya ang taong inutos nyang dakpin mo " buo ang boses nya kaya nakakasigurado syang isa itong lalaki

"bukas na bukas babalik na ako sa kaharian kasama ang taong tinutukoy mo " naglahong muli ang tauhan ni Pain , pumasok na ako sa bahay at dumeretso sa kabilang silid para magpahinga , napapagod din ang isang tulad ko noh

........

baka kasi di ako makapag update mamaya kaya ngayon nalang

enjoy reading

ikaw oo ikaw na nagbabasa nito salamat at nakaabot ka sa chapter na toh

hart hart

Mystery of The Hidden LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon