Chapter 13 - 2nd Quarter Ranking

79 8 2
                                    

Chapter 13-2nd Quarter Ranking

X's Pov

pagkaalis ko sa pwesto nila Laigne agad akong naghanap ng mauupuan

naku naman bakit puno , ayokong tumayo dito hanggang matapos ang ranking

napatingin ako sa bandang taas dahil may nakita ako kumakaway , tinignan ko syang maigi at si Trixie pala ang kunakaway , lunapit ako sa kanya

"X dito , pinag save ka namin ng upuan " nagpasalamat ako kay Trixie at dumiretso sa bakanteng upuan sa pagitan nila ni Dmitri

tahimik akong nakaupo ng maramdaman kong tumayo si Trixie

"saan ka pupunta ??" ngumiti lang sya at nakipagpalit ng upuan kay Zander , inirapan ko lang si Zander ng magtama ang mga mata namin , kainis bakit pa sya nakipagpalit

"sungit mo ata ngayon , meron ka noh " tumingin ako sa kanya , tange talaga

"malamang nandito ako at kaharap mo edi meron ako" napakamot naman sya ng ulo

"may kuto ka ba " nagulat naman sya sa tanong ko

"ano ??" kuto lang di pa alam

"kuto ung maliit na ewan sa ulo " napatingin naman sya kay Dmitri

"hindi ko alam ang kuto sa ulo pero kutong lupa alam ko , may kilala pa nga ako ehh " tumingin naman si Dmitri kay Zander

"ako din may kilala , kausap ko pa nga " tumalim naman ang tingin ni Zander kay Dmitri pero si Dmitri parang ewan ng nginisihan si Zander

inambahan ni Zander si Dmitri pero sadyang pilyo si Dmitri at nagbelat pa kay Znader

"huy tama na yan mahiya kayo sa amoy ng kilikili nyo, naaamoy ni X " narinig kong may nagpipigil ng tawa sa paligid , siguro narinig nila ang sinabi ni William

"hoy frog prince baka gusto mong sayo ko unang ipaamoy " napaiwas naman si William at umarte nasusuka

"mga tumang " bulong ko

"kasama ka dun " narinig pala ni Zander , kung wala lang tao humagalpak na ako ng tawa dahil sa itsura ni Zander ngayon , para syang nalugi

naiinip na ako kaya kinausap ko si Trixie , pag ganitong bored ako dapat lumayo layo kayo saakin dahil baka magaya kayo kay Trixie na napagtripan ko , namimili na nga ako kung sino sa dalawang katabi ko ang pag titripan ko

"Trixie , may sanrio ka pahingi nga dalawa lang " nagkalkal naman sya sa bag nya , di kasi umaalis si Trixie ng walang dalang bag , ung ung napansin ko sa kanya dati

"oh " kinuha ko naman ang inabot nyang sanrio , wow kulay red

napatingin naman ako kay Zander na ngayon ay nakasandal sa upuan nya at nakapikit , kinalanit ko sya , pero di man lang sya gumalaw , pinakinggan ko kung humihilik sya , diba ganun naman pag tulog humihilik

"tulog yan " napangiti naman ako ng pilya ng malaman ko un tumayo ako at tumungtong sa upuan ko para makapunta sa kabilang row ng upuan sa bandang taas

nakastraight lang natulog si Zander sa upuan kaya madali ko lang maisasagawa ang operation ko

mag-hush ako sa mga tao sa paligid namin , nag-aabang sa susunod kong gagawin sina Trixie ,William at Dmitri

medyo mahaba ang buhok ni Zander kaya ayos madaling maipitan nyahahah

hinati ko muna sa gitna ang buhok nya at saka ko inipit ung magkabilang side gamit ang sanrio na hiningi ko kay Trixie

Mystery of The Hidden LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon