Chapter 14 - Joke ba un??

100 9 4
                                    

Chapter 14 - Joke ba un ??

William's Pov
(ito ung time na magsisimula palang ung laban ni X)

pagkababa ni X sakto namang gising na si Zander , hindi ko alam kung maawa o matatawa ako sa itsura nya , mukha syang bruskong bading ,

"nginingiti ngiti mo dyan " napailing nalang ako at pinigilang matawa , pati ung mga tao sa paligid namin nagpipigil ng tawa dahil baka marinig sila ni Zander at matusta sila ng wala sa oras

ibinaling ko nalang ang atensyon ko sa screen , nagsimula ng umatake ang Clone na kamukha ni X , pero si X kalma lang ang peg , pero bakit hindi ginagamit ni X ang kapangyarihan nya

"Zander bakit hindi ginagamit ni X ang kapangyarihan nya ??" buti natanong na ni Xierra mylabs ang kanina ko pa gustong itanong kay Zander

"pag ginamit nya agad ang kapangyarihan nya mababawasan ang lakas ng katawan nya , di pa masyadong sanay ang katawan nya sa kapangyarihang meron sya , kaya sabi namin ni Dmitri sa kanya dapat pagudin nya muna ang kalaban nya bago gamitin ang kapangyarihan nya , katulad nga ng sabi ko mabilis syang manghihina at baga mahimatay sya " wow as in wow , ang haba ng explanasyon nya ahh pwede naman ,'mabilis syang mapapagod' o kaya 'mahina masyado ang katawan nya ' pwede namang ganun lang dami nya pang sinasabi di ako sanay

tumingin ako ulit sa screen at namilog ang mata ko nang makita ko tinadtad ng Clone si X ng mga air ball wala magawa si X , tumayo si Dmitri at aalis na sana nang hawakan sya ni Zander sa kamay para pigilan

"bitawan mo ako " nangilabot ako sa tono ng pananalita ni Dmitri

"umupo ka "peroas nakakatakot talaga si Zander

"sino ka para sundin ko ?" hindi nagsalita si Zander bagkus tumayo din sya at hinawakan sa balikat si Dmitri at sapilitang iniupo , nagtitigan sila pero unang nag iwas ng tingin si Dmitri , bumalik naman sa kanyang upuan si Zander

"pabayaan mo sya , hayaan mong lumaban syang mag-isa , hindi sya matututo kung lagi ka nalang nasa tabi nya para iligtas sya " may sakit ba si Zander at laging mahaba ang pinagsasabi nya , magugunaw na ba ang Eletia ?? mygoodness

nagulat naman ako ng napatayo si Xierra at titig na titig sa screen , napatingin din ako dun at nanlaki ang mata ko dahil si X nababalutan ng itim na usok at ang mata nya kulay gold na

"yang kapangyarihan na yan , dapat walang ganyang kapangyarihan si X " napatingin ako kay Xierra na ngayon ay nanginginig na

"ano bang nangyayari Xierra ?" takang tanong ko

"ang kapangyarihan na yan , isa lang ay may kapangyarihang ganyan " inalalayan ko naman syang umupo dahil nanginginig pati tihod nya

"ano bang pinagsasabi mo Xierra di kita maintindihan " tumingin sya saakin at dun ko nakita ang takot ......bakit sya matatakot

"Si X hindi sya ang tunay na anak ni King Xander ?" nagulat naman ako

"paano mo nasabing hindi ??" naikwento na kasi ni Xierra saakin kung bakit sya matagal na nawala at nasa mundo ng mga tao , sabi nya noon hinahanap nya daw ang prinsesa ng Aerotic Kingdom at ang prinsesang ito ay isang pure blood ang tinutukoy nya ay si X

"dahil kung pure blood sya wala syang dark magic , wala syang ibang kapangyarihan bukod sa hangin " kaya pala , pero kung hindi sya anak ni King Xander sino ang ama nya ?? pati tuloy ako naguguluhan na , nahawa na ako kay Xierra

Zander's Pov

inoobserbahan ko lang ang mga galaw ni X , pero may isang umagaw ng atensyon ko , un ay ang itim na mahika na nakabalot sa katawan nya , mula sa kinatatayuan nya hanggang dito ramdam ko kung gaano kalakas ang inerhiyang taglay nya ngayon , mas nangingibabaw ang itim kesa sa hangin nyang kapangyarihan ,

mabilis pa sa alas kwatro na pumunta ako sa pwesto nya , unti unti kasi syang bumabagsak , at ang kalaban nya ay parang hinang hina at parang hirap na hirap sya

pumasok ako sa barrier at mabilisang niyakap si X para hindi sya matumba , nakita ko pa syang ngumiti at tuluyan na nga syang nawalan ng malay , binuhat ko na sya at inilabas sa platform , ang kalaban nyang Clone ay nakahiga na sa sahig at wala na ring malay , may isang Clone na walang mukha ang kumuha sa kanya at inialis sya sa gitna

dumeretso agad ako sa infirmary at inihiga sya sa higaan dun , tumawag ako ng healer para magamot na ang mga sugat nya , mabilis ding nawala ang mga sigat nya dahil di naman ganoon kalalim , lumabas muna ako dahil papalitan na nila ng damit si X , syempre dapat babae ang magbibihis sa kanya di ako papayag pag lalaki , baka manyakin sya

"kamusta si X ?" hingal na hingal na tanong ni Dmitri

"okay na sya pero di parin sya gising " di sya sumagot at tumabi saakin

"napaghahalataan ka" ano bang pinagsasabi nito

"pinagsasasabi mo dyan " tumawa lang sya at tumingin sa malayo

"umamin ka na kasi , gusto mo si X diba ?" tsss un lang pala

"bakit ako aamin sayo ikaw ba si X " kahit anong pigil ko nagugustuhan ko parin sya , pero gusto lang at sana hindi maging mahal dahil di pa ako handa

"okay pero pagkagising nya umamin ka agad , pag di mo ginawa un ,uunahan kita " binatukan ko lang sya at napangiti nalang ako , matino din palang kausap ang peste kong kapatid

lumabas na ang healer na nagbihis kay X kaya pumasok na kaming dalawa ni Dmitri, umupo sya sa sofa habang ako kumuha ng monoblock chair at umupo malapit sa higaan ni X at dun nagbantay

bumukas ang pinto at pumasok ang Hari at Reyna kasama sina Laigne , Trixie ,at William

"kamusta na sya "halata sa boses ng Reyna ang pag-aalala

"sabi ng healer okay na po sya , kailangan nya lang pong magpahinga " napabuntong hininga naman ang Reyna tanda na nakahinga na sya ng maluwag

"bakit po pala kayo nandito ?" nakakapag taka naman kasi na personal talagang kinamusta ng hari at reyna si X , ganun ba sya ka espesyal??

"syempre po anak po nila yang nakahiga dyan at kapatid ko po " sabat ni Laigne , ngayon ko lang napasin hawig sila ni X

"totoo po , edi ibig sabihin prinsesa sya , wala po sa ugali nya " sabat din ni Dmitri

"bakit ano bang ugali nya ?" tanong naman ng hari

" isip bata po sya at pag naiinip sya ang unang taong makikita nya o unang taong malapit sa pwesto nya pagtitripan nya tapos ang gusto nyang painitin ang ulo ay si Zander " napatawa naman ang reyna

"nagmana pala saakin ang anak ko" napatango naman kami

"maiwan na namin kayo , tawagin nyo nalang kami kung gising na sya " lumabas na sila maliban kay Laigne

" oh ano pang ginagawa mo dito ?" tinaasan ko sya ng kilay

tinignan nya naman ako ng masama at saka tinuro ang dalawa nyang daliri sa magkabilang mata nya at saka tinuro sakin , nagpapahiwatig ng binabantayan nya ang bawat kilos ko , parehas talaga sila ni X makulit pero cute

X's Pov

di ko alam kung matutuwa ba ako o ano , basta ang alam ko isa tong malaking JOKE ,

ehh paano ba naman kasi ,ako prinsesa ?? JOKE UN DIBA

gising na ako kanina pa pero ayaw makisama ng talukap ng mata ko kaya di ko maimulat ,

haist makatulog na nga lang mamaya ko na yan poproblemahin

------
okay Chapter 14 : done

sana nagustuhan nyo tong chapter na toh

Plsss vote and leave a comment , para naman malaman ko kung anong gusto nyong sabihin dito sa chapter na toh

see yah

Mystery of The Hidden LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon