Chapter 28

29 1 5
                                    

William's Pov

Gusto kong manakit, magalit at magwala ngunit hindi ko magawa.

Muntik ng may mamatay ng dahil kay Zander... ulit. Ang kitid talaga ng utak nya pag galit sya. Di nag-iisip. Paano pag natuluyan si Zien edi hindi na namin nalaman kung nasaang lupalop ng Eletia si X. Hayst. Nasuklay ko ng wala sa oras ang buhok ko. Andito pa din kami sa clinic ng akademya, hinihintay na magkamalay si Zien.

Nakatingin lang ako sa kawalan ng maramdaman kong may prisensyang papalapit sa pwesto ko.

"William..." tinignan ko lang ng mabilisan si Dmitri at bumalik sa kawalang tinitignan ko.

"Ay peymus sya. Sineen lang ako" napangiti nalang ako sa hirit ni Dmitri. Minsan lang yan ganyan kaya pagbigyan.

"Ang HOT at ang GWAPO ko kasi. Bawal mamansin na nakulangan sa itsura" nakatanggap naman ako ng pamatay na tingin mula sa kanya bago humagalpak ng tawa.

"Bwiset ka talaga sa trip ko William" tumatawa pa rin akong tumingin sa gawi nya.

"Bwiset ka din. Kita mong nageemot ako dito, lalapit lapit ka. Dun ka nga" tinuro ko kung saan saan ang daliri ko. Tinapik naman iyon ni Dmitri at nakabusangot na lumayas sa tabi ko.

Hayst. Hindi ko kayang maging masaya gayong kani-kanina lang ay gusto ko ng mag-wala. Gulo diba? Ganun talaga pag gwapo. (A: anong konnek William?-__-qiqil mo si aqoe ahh)

Napatayo ako ng di oras at lumabas, andyan naman si Dmitri para magbantay kay Zien kaya kakausapin ko muna ang tukmol kong kaibigan.

Seryoso kong tinahak ang daan pabalik sa dormitoryo ni Zander. Pasapak lang ng isa ayus na yun para magising ang hibang kong kaibigan. Pangalawa na yang pagtawag ko kay Zander na kaibigan. Magtatampo na si Xierra mylabs nyan. Tsk *iling iling*

Mabilis akong nakarating sa dorm nya at walang katok katok na pumasok ako. Akala ko nakahiga lang sya at nakatanga pero nagkamali ako. Nakarinig nalang ako ng lagaslas ng tubig na nanggagaling sa....kama? Hindi. Sa aparador? Hindi. Malamang sa cr jusko.

May umilaw ng bumbiliya sa ulo ko at nakaisip ng napaka bright idea. Dahan dahan akong lumapit sa cr at parang magnanakaw na binuksan ang pinto. Nakita ko syang nakatalikod at nagpapakabasa lang, hindi sya gumagalaw.

Napasandal ako sa pinto at hinintay na mapansin nya. Pero sadyang manhid sya at hindi pa rin ako pinapansin.

Tumikhim nalang ako para maagaw ang kanyang atensyon. Humarap sya at nahiya naman ang flat tummy ko sa six pack abs nya. Edi sya na kasi tsk.

"Kailangan mo?" Inosente nyang tanong saakin at hindi pa din lumalapit saakin.

Napayuko ako bahagya bago tumingin ulit sa kanya.

"Dalian mo dyan at may pag-uusapan tayo." Lumabas na ako ng cr at naupo sa couch nila. Tinaas ko pa ang paa ko sa mini table nila. Feel at home ako wag kayo.

Prente kong inihilig ang ulo ko at pumikit. Hindi pa pala ako natulog mula nung pagkagising ko. Pagod na pagod na ako tapos ang bigat pa ni Zien. Sa sobrang bait kasi ni Dmitri, hinayaan nya lang akong magdusa habang buhat buhat si Zien. Buti sana kung nakapag warm up ako pero hindi. Babatukan ko yun pag nagkita ulit kami.

Hindi rin nagtagal at tapos ng maligo si Zander. Tapos na din syang magbihis. Tumabi sya saakin habang nagpupunas ng buhok. Kahit labag sa loob ko, tumayo ako at sinapak sya. Whooo di masyadong solid kaya alam kong walang epekto lang kay Zander yun.

"I think I deserve that punch" hindi tumingin saakin si Zander.

"Akala ko ba mag uusap tayo? Simulan mo na ng makapagpahinga na tayo pareho" sabi ko nga walang epekto sa kanya yun ehh. Yan pa bang si Zander, tigas ng mukha nyan. Sakit ng kamao ko. Para akong sumuntok ng pader buset.

Mystery of The Hidden LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon