CHAPTER 1 - TOTOO??

242 17 4
                                    

X's POV

Dalawang araw na din ang nakalipas matapos kong mapasok ang library sa likod ng first building ng Academy , hindi parin maalis saaking isipan kung paano nagkaroon ng ganoong library sa school , wala naman kasing nabanggit tungkol doon ang principal at may-ari ng school noong debriefing dati noong unang pasok ko dito

Pero sabi nga nila tuloy parin ang buhay kaya eto ako ngayon tinatahak ang tuwid na daan patungong paaralan,ansabe ng napakalalim kong tagalong na nagmula pa sa kailalaiman ng pinakailalim ng kanal

Malapit lang naman ang bahay namin dito kaya nilalakad ko lang alangan namang gapangin ko diba,walang pang 10 minutes nasa tapat na ako ng gate ng school and guest what may naghihintay saakin , pero di ko sya admirer , hater ko sya , di naman ako artista pero may hater ako, hay buhay parang life

Kinuha ko ang baymax cap ko sa bag at syempre sinuot ko alanagan namang kinain ko, nakayuko akong naglalakd para di mapansin ni Trixie the Queen Bitch , paano ko nalamang ako ang hihintay nya simple lang may bumulong saakin ehh, ung friend kong hangin na si Miss H , nang tumapat na ako sa pwesto nya ay mas binilisan ko pa ang pag lalakad pero sadyang madaming estudyante nagdadaan nahuli ako ni Trixie

" ah-eh T-Trixie bakit ??"napangiwi naman ako dahil binatukan lang naman ang inyong lingkod

" aray ha makabatok wagas close tayo teh?? "umaariba nanaman ang pagiging sarkastiko ko habang hinihimas ang batok na hinampas ni Trixie

" tinatanong mo talaga kung bakit ??huh"-Trixie

"eh sorry na bored na kasi ako at ikaw ang una kong nakita kaya ikaw ang napagtripan ko , pasensya na talaga " sinsero kong pagsosorry kay Trixie kahit hindi halata

"apology accepted "medyo gumaan naman ang aking loob dahil mabilis nya akong napatawad kahit napahiya ko sya sa mga oh-so-called-heartthrobs ng school, pero nakakapagtaka dahil ngayon nya lang ako nilapitan , well maliban nung hinabol nya ako

"teka nga bakit ka lumapit saakin, kung mangungutang ka sorry pero wala akong pera" akmang lalayasan ko na sya nang hawakan nya ang kamay ko

"X kailangan ko ang tulong mo " nakayuko nyang sabi saakin , nagulat naman ako

"seryoso ka dyan ?? " napatango naman sya

"bakit ako ??bakit saakin ka nagpapatulong , kung sa assignment ka magpapatulong , pasenysa ulit pero parehas lang tayo wala rin akong nagawa ehh "inangat nya ang ulo nya at tinignan ako derekta sa mata , at ang creepy ahh, di sya nagsalita at basta nalang nya akong hinila

"teka sandali saan mo ako dadalhin ??"pero di nya ako pinansin

"tulong kidnap kidna—hnmp...hnmp"tinakpan nya ang bibig ko at nagtago kami sa punong malapit saamin , nasa likod napala kami ng first building

"pwede ba tumahimik ka tsaka na ako magpapaliwanag pagnakarating na tayo dun "seryosong sabi ni Trixie saakin , inalis ko muna ang kamay nya sa bibig ko bago magsalita

"saan tayo pupunta , bilisan lang natin ahh baka malate tayo "inaalala ko kasi na may quiz pala kami

"hindi tayo malilate ----

---dahil di tayo papasok "din na ako nakapalag dahil hinila nya na ako papunta dun sa semento na napuntahan ko nung hinabol nya ako , bigla naman ako kinabahan , napalunok ako na di oras

"teka Trixie wala naming ganyanan, napilayan ako nung malaglag ako dyan ayoko ulit malagla—"

"naakapasok ka ?? paano ??at kalian??"tanong nya

"oo nakapasok ako nung hinahabol mo ako tapos nacurious ako kay pinindot ko ung bilog dyan sa gitna ng dinosaur na may pakpak"tinuro turo ko pa ung mga pinagsasabi ko

"imposible"bulong nya pero rinig ko naman

"kahit bumulong ka pa rinig ko din naman " pang-aasar ko pero di naman sya naasar at seryoso parin ang mukha , tinignan nya ulit ako

"kailangan mong sumama saakin " sabi nya

"duhh Trixie ano pa bang tawag sa ginagawa ko "di nya ako sinagot at hinila ulit ako ,

Pumwesto kami sa sementong bilog at bigla nalang inapakan ni Trixie ung bilog na pinindot ko dati

"hwuaaaaaaaaaaa, mamaaaaaaaa" hiyaw ko , ehh sa di ako na orient ehh , nakapasok na kami sa library pero si Trixie wala man lang galos ehh ako nakadapa akong bumagsak at ang tigas ng binagsakan ko ouch

"sakit mo sa tenga " reklamo ni Trixie habang tinutulungan nya akong tumayo , awa ng maykapal nakatayo naman ko ng maayos

Walang salita na hinila nanaman ako , magagawa ko ehh mahina lang ako kumpara kay Trixie

Nakarating na kami sa mismong libray at Makita ko ulit ung librong nakalutang sa gitna , paano kaya napalutang un, lumapit si Trixie sa libro ,ehh dahil hawak nya kamay ko napasama ko sa kanya

"basahi mo ung title " utos nya , babasahin ko lang naman kaya nag ok ako

"In the Power of All Guardians I Summon Evi The Great Guard" basa ko sa title nang bigla nalang may nagliwanag sa harap namin

Malaki syang lalaki na may balbas na puti na kagaya kay Santa , lumiliwanag sya , naka- armor sya na kulay red , may sphere at may kalasag , kulay violet ung mata nya kaya napaiwas agad ako nakakatakot ung tingin nya parang nangangain ehh

"What do you offer ??" tanong ni Mr Higante , malaki sa ehh

"ah-eh wala po akong dalang tinapay at red wine kaya wala pa po akong mai-o-offer he-he" alanganin kong sagot

"anong pangalan mo binibini ?? nakakaaliw kang kausap " nakahinga naman ako ng maluwag dahil malayo sa itsura nya ang ugali nya , infairnes ha nawala ang pagkacreepy nya

"X po , X Martins"pagpapakilala ko , napabaling naman ako kay Trixie na ngayon ay nakaluhod at nakayuko pa

"at sya naman po si --"

"Xierra" bigla namang inangat ni Trixie ang ulo nya at tumingin kay Mr Higante

"Evi nangako ako sayo na pagbalik ko kasama ko na sya , tama ba ??" panimula ni Trixie , tumango naman si Evi , Evi pala name nya

Evi edi sya ung Great Guard luhh

"tinupad ko na un at tsaka ko ipapaliwanag ang lahat pag nakabalik na kami sa Eletia" nakinig lang ako sa usapan nila , wala akong alam ehh

"kung ganun halina kayo , hawakan mo ang kamay ko " utos nya kay Trixie , medyo kinabahan naman ako baka kasi iwan nila ako dito ayoko nga gusto ko pang makipagkwentuhan kay Evi

"ikaw di X hawakan mo ang kamay ko " walang pag aatubiling hinawakan ko ang kamay nya

"Evicthus" pagkasabi nya nun ay napunta na kami sa isang kakahuyan , hindi ung nakakatakot na kakahuyan , hinarap kami ni Evi

"maligayang pagbabalik sa Eletia , mahal na prinsesa" diba sabi ko kanina kahit bulong naririnig ko ? bakit nung si Evi ang bumulong di ko marinig

"salamat Evi , sa wakas nakabalik na ako aii kami pala" napangiti nalang si Evi sa pagpapacute ni Trixie

bigla naman akong nabahala dahil ngayon ko lang napagtanto na di normal ung nangyari , kinilabutan ako ,

"X yuko " napayuko naman ako ng di oras , si Miss H ung bumulong

"Nice reflexes huh " bigla nalang kasing may bumubulusok na apoy ang papunta sa pwesto ko

"uy nakabalik ka na pala Xierra , sya na ba ? " tanong ni fire boy

" oo sya nga pero kailangan ko pa ng isa pang patunay na sya na nga talaga " nakangiti na ngayon si Trixie , at ako , nakakunot ang nuo, pumunta naman sa harap ko si Fire boy at may binulong at syempre narinig ko

"Guardian of Fire I summon You " bigla nalang nagkaroon ng apoy sa tabi nya naging hugis tao , dahil sa gulat ko at sa di ko mapaliwanag na dahilan naramdaman ko na natumba ako at sinakop ng kadiliman ang lahat bago un may isang katanungan ang nasa isip ko

TOTOO BA UN ??

<!

Mystery of The Hidden LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon