Chapter 12- Sila??

70 6 2
                                    

Chapter 12 -Sila??

X's Pov

mabilis lumipas ang mga araw at ngayon na ang 2nd Quarter Ranking , sa tingin ko naman handa na ako kasi sa araw araw na nag tetraining kaming tatlo madami silang itinuro saakin tulad ng kung paano makipag arm-to-arm combat , at kung paano gumawa ng mga sandata gamit ang kapangyarihan ko , pero kikakabahan pa rin ako dahil hindi ko alam kung anong mangyayari sa ranking na magaganap ngayon

dahil sa kaba ko di ako manahimik sa isang tabi kaya napagpasyahan kong lumabas ng dorm para makahinga ng maayos , whoo

iniisip ko kung kakayanin ko bang controlin ang kapangyarihan ko ngayong kinalabahan ako ,

dahil sa lalim ng iniiisip ko na hindi ko na mareach , may nabangga akong bata , ...wait bata , kailan pa nagkaroon ng bata dito

"pasensya na baby , di ko sinasadya " itinayo ko sya at pinagpag ang damit nya , ayokong mapagalitan ng magulang nito

nagulat nalang ako nang yakapin nya ako , parang may nagudyok saakin na yakapin din sya , nag undyok ?? haist saan ko nanaman ba napulot ang salitang un

"nakita din kita Ate " humiwalay ako sa kanya at tinignan syang mabuti , naiiyak na sya

"hush baby wag kang umiyak "may tumulong luha sa mata nya kaya agad ko itong pinunasan

"nawawala ka ba ?? sinong kasama mo ??" nagpalinga linga ako para hanapin ang mga kasama nya

"Ate sama ka saakin ipapakilala kita sa mga magulang ko " hinila nya ako kaya napa sunod ako sa kanya , kahinaan ko talaga ang mga batang kasing cute nya

habang hila hila nya ako nawala ang kaba ko dahil , ang gaan ng loob ko sa batang kasama ko ngayon

"baby anong pangalan mo ?" tumingin sya saakin at ngumiti na malapad

"Laigne po , pero pwede din pong baby " nakakatuwa naman sya

"Hindi mo ba tatanungin ang pangalan ko ?" nakapag tataka dahil sa lahat ng mga batang nakilala ko itong si Laigne lang hindi nag tanong ng pangalan ko

"Kilala na po kita Ate " ngumiti naman ako sa kanya

"sige nga anong pangalan ko ? " tumigil naman kami sa paglalakad

"Ikaw si Ate Xena , ang Ate ko " nagulat naman ako dahil hindi naman Xena ang pangalan ko

"pero baby hindi naman Xena ang pangalan ko " umiling si Laigne sa sinabi ko

"Ate , Xena po talaga ang pangalan mo " napa isip naman ako , ehh paanong naging four letter ang pangalan ko ehh sa sobrang sipag ng mga magulang ko isang letra lang ang pangalan ko

"baby , X lang ang pangalan ko at hindi Xena , sino bang nagsabi na Xena ang pangalan ko ?" kung magulong na akong kausap mas magulo pa tong batang toh

"gusto mo talagang malaman ?" tumango naman ako , naglakad na si Laigne kaya sumunod ako sa kanya , mamaya mawala pa toh

nakarating kami sa gym ng school , sa pang limang building ang gym , iba pa ung court na pinag trainingan namin

"oh baby bakit tayo nandito , mamaya pa naman ang ranking "umiling si Laigne

" Ate di mo ba alam na nag-iba ang oras ng ranking napa-aga po kaya , kaya kung ayaw mo pong mahuli at walang maupuan pasok na po tayo " di pa man ako nakakasagot hinila nya nanaman ako , hilig nya talagang hilahin ako

Xierra's Pov

may biglaang pag babago sa oras ng ranking kaya napa-aga , manunuod kasi ang hari at reyna ng Aerotic Kingdom kasama ang pangalawa nilang anak na si Laigne

Mystery of The Hidden LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon