Chapter 29- 1.0

40 2 4
                                    

Zander's Pov

Namayani ang katahimikan nang kumagat ang dilim.

Payapa ang buong akademya na tila ba isa lamang itong ordinaryong araw. Hinanda ko na ang mga dadalhin ko para sa paglalakbay namin mamaya, kasama si William at Dmitri. Mahirap na pag isinama pa namin sina Xierra at Ryz, baka mapahamak pa kami lalo. Knowning Xierra, bungangera ang babaeng yun. At si Ryz... well kapatid pa rin nya ako kaya iiwan ko sya dito sa akademya. Mas magiging ligtas sya dito kahit kasama nya si Xierra.

Kahit wala akong ginawa sa buong maghapon, pakiramdam ko pagod na pagod ako. Nagawi na naman ang aking tingin sa litrato sa tabi ng kama ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto ni X sa sistema ko. Pinapabas nya mula saakin ang mga emosyong matagal ko ng ibinaon sa limot. Nagawa nya ako pasayahin ng walang dahilan at nagawa nya din akong palungkutin ng dahil sa pagkawala nya. Ang daya mo naman X. Sobrang daya mo. Itinaob ko nalang ang litrato namin at pabagsak na humiga. Nag-iisip ng mga bagay bagay na maaaring mangyari sa hinaharap. Mga bagay na gagawin ko kasama si X.

Pero ang problema... saan namin uumpisahang maghanap. Wala kaming balita kay Qyn simula noong umalis sya ng akademya. Ang peste na iyon. Babalatan ko talaga sya ng buhay at ileletchon.

Napabuntong hinanga nalang ako sa mga bagay na iniisip ko.

"Sana makasama na ulit kita. X Martins ng buhay ko"

Qyn's Pov

Paglubog pa lang ng araw ay nagsihanda na ang hukbong isasam ko sa pagsalakay. Mula sa nakakabagot na paghihintay ay eto na. Matutupad na ang kahilingan ni Pain, eto na ang simula.

"Eletia magsisimula pa lang kami. Sasalakay kami ng parang magnanakaw sa likod ng dilim. At ang payapa nyong pamumuhay ay magugulo at maaaring mawakasan ngayong gabi" napangisi na lamang ako sa aking tinuran. Buhay na buhay ang buong sistema ko.

"Tandaan mo ang aking sinabi Qyn. Wag kang babalik ng hindi napapalitan ang bandila ng capitol" hindi ko sya nilingon. Kahit alam kong nasatabi ko lang sya, hindi ko sya pinansin at taas noong nakatingin sa daan patungo sa sentro ng Middiela

"Alam ko Suffier... o mas mabuting sabihing... X Martins" ramdam ko ang pagkabigla nya sa sinabi ko.

"Nagulat ka ba? Dapat lang, ngayong nasa ilalim ka ng pamumuno ni Pain ay wala kang magagawa kundi ay sumunod." Humarap ako sa kanya at mas pinalawak ang pagkakangisi ng aking labi.

"Paanong---"

"Paano? Hnmmmm...." lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kwintas na nakasabit sa kanyang leeg. Bahagya ko iyong hinila para mas lalong lumapit ang mukha nya saakin.

"Paano nga ba? Alamin mo kung paano. Pero isa lang ang sigurado, babagsak ang Middiela ngayong gabi at ang sisisihin ay ikaw." Binitawan ko na sya at tumingin ng derekta sa mga mata nya.

"Nakakaawa ka" nagulat nalang ako ng humalakhak sya ng napakalakas.

"Ako dapat ang maawa sayo Qyn. Wala kang alam sa posibleng mangyari ngayong gabi. At salamat nga pala sa impormasyong binigay mo. Kahit hindi mo sabihin ay alam ko ang bagay na yun." Lumapit sya ng isang hakbang saakin at sinikmuraan ako. Napakabilis ng pangyayari kaya hindi ko naagapan ang ginawa nya pag atake. Napayuko at namilipit sa sakit. Argh bwiset ng babae pwe. Hinawakan nya ang buhok ko at inangat ang aking ulo.

"Wala kang alam sa totoong plano. Wala kayong alam sa plano ko. Wag kang magmagaling sa harap ko, baka nakakalimutan mo, isang salita lang ay patay ka na." Nabaliktad ang lahat, naguguluhan ako. Humanda ka pagbalik ko X Martins, isasampal ko sayo ang watawat ng Middiela pagbalik ko. Humarap ako sa hukbo at puno ng galit at otoridad na nagsalita.

"Ito na ang araw na pinahihintay ng lahat. Anong gagawin sa mga kalaban!?" Malakas kong sigaw

"Patayin!"

"Ano!?" Nangunguyam ko silang pinasadahan ng tingin

"PATAYIN" bumalik muli ang ngisi sa aking mga labi at nagsimulang maglakad. Hindi kami gagamit ng kahit anong mahika para hindi maramdaman ng mga mage at mga tao ang pagdating namin sa capitol. Para magugulat nalang sila sa pagdating at pagsalakay namin. Konting oras nalang at mararanasan ng mga tao ang pagbagsak ng minamahal nilang lugar, ang pagbagsak ng Middiela.

~~~~~~
Short update, bitin alam ko hihi




Mystery of The Hidden LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon