Chapter 17-Nakapagtataka

77 5 0
                                    

Chapter 17-Nakapagtataka

Zander's Pov

malapit nang mag-gabi pero si X di parin namin alam kung nasaan , naghihintay lang kami sa dorm nila , baka dito ipadala ang unang clue na galing sa kung sino mang hinayupak na dumukot kay X , mapapatay ko sya pagnagkita kami

"Zander kalma , ipagdasal nalang natin na nasa mabuting kamay si X " galit akong tumingin kay William , magdasal ?? edi kung sana kanina pa namin sya hinanap edi nandito na sya at di na ako nag-aalala , tae diba sabi ko gusto ko sya noon pero ngayon hindi na , mahal ko na ehh wala na hulog na ako , tapos ngayon nawawala sya , paano ako kakalma kung di ko alam kung nasaan sya , nauulit nanaman ang nangyari noon at ayoko na ulit gawin ang katangahang ginawa ko kaya nawala ang taong minahal ko noon

kinwelyuhan ko si Zander ...lakas ng loob nyang mag-salita ng ganun , di nya alam ang nararamdaman ko ngayon

"kumalma ?? saka mo yan sabihin saakin pagnandito na si X " itinulak nya naman ako kaya napabitaw ako sa kwelyo nya

"bakit ka pa nagkakaganyan di ka naman ganyan noon nung nawala si Zien ?? umamin ka nga may gusto ka ba kay X " di nga ako ganito noong nawawala si Zien , dati tahimik lang ako at nagmumukmok , sinisisi ang sarili at di nakikipag-usap para hanapin si Zien ,

"bakit ako aamin sayo ikaw ba si X ??" napailing nalang si William at tinapik ako sa balikat

"kaya pala , guys may plano ako " lumapit naman sina Xierra , Dmitri at Ryz , kasama sila Dmitri at Ryz , nang malaman kasi nila ang nangyari di na sila pumasok sa kanilang klase para tumulong sa paghahanap na hindi pinayagan ni GM Jayd

"ihanda nyo ang inyong mga sarili...aalis tayo pagkatapos ng isang oras " ito ang gusto ko kay William , magaling gumawa ng plano

"teka diba sabi ni GM Jayd na walang aalis at maghintay lang " lahat kami napatingin kay Ryz

"kung ayaw mong sumama bahala ka "naunang umalis si Xierra na kasunod si William , umalis narin kami ni Dmitri

"sa tingin mo parehas din kaya ang taong dumukot kay at Zien ??" tama bakit ngayon ko lang naisip

"pwede rin , pero ang tanong saan natin sya hahanapin " napangisi naman si Dmitri, may alam pala toh di naman nagsasabi

"sinob ba ang kaaway ng mga magulang ni X ??" oo nga noh , tanga mo talaga Zander ,

sa gitna ng paglalakad namin may lumabas na itim na usok ,naglaho ang usok sa mismong harap ko at naging isang silyadong sobre , kinuha ko ito at binuksan

at ang laman ng sobre ay hindi isang liham kundi isang palaisipan

'Queen's daughter
Yet
Nowhere to be found

iniminimaynimo , saan kaya ang prinsesa nyo ?'

walanh nakalagay na sender pero isa lang ang nasa isip ko kung sino ang kumuha kay X , isa ito sa mga tuta ni Pain , sila nanaman , nagsisimula nanaman silang manggulo

tumakbo agad kami sa dorm ni William

"oh ang aga nyo ata , wala pang isang oras , nakapaghanda na agad kayo ??" pumasok agad kami at inilapag sa harap nya ang sulat ng nakuha namin kanina

kinuha nya naman ito at binasa ng mabuti

"Queen's daughter
Yet
Nowhere to be found

inminimaynimo , saan kaya ng prinsesa nyo ?" napakunot noo naman si William , ang hirap naman naman

"hindi ko maintindihan , pero may gusto ako makita pero di ko alam kung ano un at kung bakit " lumapit si William sa drawer katabi ng kama nya , mag-isa lang kasi dito

Mystery of The Hidden LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon