Chapter 25

62 4 5
                                    

Zander's Pov

'Nagustuhan nyo ba ang surpresa ko ? Ito ang tandaan nyo magsisimula palang ang laro kaya paghandaan nyo '

~Suffier

"isa itong babala " anunsyo ni GM Jayd , nakapalibot kami sa kanya habang hawak ang papel na naglalaman ng babala

"lahat ng estudyante magsibalik sa mga sariling dorm at magpahinga , bukas na bukas magsisimula ang pagsasanay " unti unting nababawasan ang mga estudyanteng naki usyoso habang kaming apat kasama ang mga propesor at si GM Jayd, ay natira,  napatingin naman saamin si Jayd at ginawaran kaming ng nagtataka nyang mga tingin , nagkatinginan naman kaming apat

"hindi ba kayo papasok sa mga dorm nyo ?"nasa amin na ngayon ang lahat ng tingin ng mga propesor at hinihintay ang sagot namin

"gusto po naming tumulong " sagot ni Xierra

"kaya na namin ito , kaya kung maaari iwan nyo muna kami may importante kaming pag-uusapan " wala kaming nagawa kaya umalis nalang kami dala ng mg katanungan kung bakit nangyari ang bagy na ito , kung bakit sa paaralang ito pa , at kung sino ang Suffier na iyon na syang may kagagawan kung bakit wal kaming gate ngayon

"mauna na ako pare , Xie magpahinga ka ng mabuti" patakbong umalis si William kay hindi na kami nakasagot

"mauuna na rin ako " seryosong umalis si Xierra , kaya kaming dalawa nalang ang magkasama

"ngayon ko lang nalaman na may taong nagngangalang Suffier dito sa Eletia, nakakapagtaka lang "nakatingin sa daan habang nagsasalita, yan ang eksena ni Dmitri dito sa tabi ko , napa-isip naman ako , katulad nya ay napakarami ko ding mga katanungan

"hindi ko alam ang isasagot ko sayo , pero gagawin ko ang lahat para maresolba ang problemang ito at para masagot ang mga tanong ko, at tanong ng buong Dixe Academy" nagpatiuna akong naglakad, taas noo kong tinungo ang dorm namin , napakadaming bagay ang bumabagabag saakin kaya pakiramdam ko ay pagod na pagod ako, isa pang gumugulo saakin , bakit napasali ang pangalan ni Qyn kay X, ang gulo , mag-iisang lingo na akong naghahanp ng mga sagot pero ni isa sa mga tanong ko ay hanggang ngayon ay wala pang sagot , kaasar

pagkarating ko sa dorm ay humiga agad ako sa kama ko at pumikit , napadilat ako bigla dahil pagkapikit na pagkapikit ko ay imahe ni Zien ang nakita ko

"whoo, anong ibig sabihin nun ?"
Napahawak ako sa dibdib ko. Napakalakas ng tibok nito na para bang hinahabol ng kabayo.

Bumukas ang pinto at pumasok si Dmitri.

"Anong nangyari sayo?" Kunot nuo nyang tanong saakin.

"A-ahh w-wala" kibit balikan syang nilagpasan ako at nahiga sa kama nya.

Nababaliw na ako. Makapagpahinga na nga.

Suffier's Pov

May isang nakakalokong ngiti ang nakapaskil saaking mga labi habang tinatahak ang daan papunta sa opisina ni Papa. Dati ako si X Martins. Pero ngayon,  ako na si Suffier. Suffier na magpaparanas sa buong Eletia ng isang tunay na impyerno.

Nagising nalang ako na may matinding puot at galit sa lahat ng kalaban nina Papa (Pain). 

Narating ko ang opusina nya pero may kausap syang isang mababang uri ng tagasilbi. Baka inutusan nya.

"Ama! Nabalitaan mo na ba ang nangyari sa Dixe Academy?" Napangisi naman sya ng makita ako.

" Oo anak. Napakahusay. Sigurado puspusan na ang paghahanda nila gayun din ang bawat kingdom na nasa Eletia. Kalat na kalat na ang ginawa mo anak" mas lalong lumawak ang ngiti saaking mga labi. Mga inutil talaga sila. Simpleng surpresa pa lamang iyon kung makapag handa sila akala mo gera na. Di pa nagsisimula uy

"Anak,  kailan mo sisimulan ang tunay na laban?" Tumingin ako kay Papa at nanliit ang mga mata

"Tatlong araw mula ngayon,  sasalakay ang buong hukbo sa Middiela." Tumayo sya at lumapit saakin. Tinapik nya ang kaliwa kong balikat.

"Halika na,  simulan na natin ang paghahanda" llabas na sana sya ng magsalita ako

"Matagal ng handa ang hukbong Papa. Kaya wag kang mag alala"

Napatingin naman sya sa kwintas ko

"Mabuti kung ganun. At paalala lang,  wag na wag mong tatanggalin ang kwintas na iyan. Proteksyon mo yan laban sa kanila" tumango nalang ako bilang sagot

"Un muna sa ngayon ang ibabalita ko Papa. Aalis na ako,  maaga pa kaming maglalakbay papunta sa Middiela" tumango naman sya,  lumabas na ako at dumiretso kay Qyn,  ang pinuno ng buong hukbo.

"Qyn" tawag pansin ko sa kanya

Yumuko naman sya bilang paggalang

"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo mahal na prinsesa?" Pinatayo ko muna sya bago ako magsalita

"Handa na ba sila sa pag alis natij bukas?" Tumingin naman sya sa likod nya kung saan nakapwesto ang tulugan ng mga kawal at mandirigma.

" Opo mahal na prinsesa,  sa ngayon nagpapahinga pa lamang sila"

"Mabuti. Aalis na ako. Magpapahinga nadin ako,  ikaw din magpahinga na" tumango naman sya kaya tumalikod na ako at bumalik sa kwarto ko.

The true battle is not yet started.

~~~~~

Para dun sa schoolmate kong kahapon pa ako kinukulit na mag UD. Short lang toh halata diba. Hehe

Mystery of The Hidden LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon