Chapter 27

39 3 6
                                    

Zien's Pov

Tahimik ang buong paligid. Ang mga estudyante ay animoy mga hangin kung maglakad. Walang tunog,  walang huni. Pinakiramdaman ko ang bawat estudyante dumadaan sa tabi ko.

Ang buong akademya ay payapa. Asan na ang digmaan? Asaan ang kaguluhuan? Asan na ang labanan sa pagitan na mabuti at masamang nilalanang? Asan na? Asan na?

Pinagpatuloy ko ang paglalakad sa gitna ng tahimik na hallway ng akademya. Tunog lamang ng mga yapak ko ang aking naririnig.

Hindi ako sanay sa katahimikan ng paligid.

Hinanap ko sina Zander,  William at Xierra. Hindi magiging ganito katahimik kung wala silang ginawa para tumahimik ang buong akademya.

Lakad dito lakad duon. Liko dito liko duon. Hanap dito hanap duon.

Halos malibot ko na ang buong akademya subalit ni anino nilang tatlo ay hindi ko nakita.

Kakalakad ko ay napadpad ako sa liblib na bahagi ng ikatlong gusali. Dahan dahan akong lumakad at pinakiramdaman ang paligid. May prisensya akong nararamdaman.

"Sinong nandyan?" Kumakabog ng napakalakas ang aking dibdib.

"Lumabas ka sapinagtataguan mo ngayon din!" Habang naglalakad ako ay palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko.

Napunta ako sa likod ng ikatlong gusali. May prisensya pa din akong nararamdaman.

"X" napatingin ako sa lugar kung saan ko narinig ang boses na iyon. Boses ni Zander na para bang nagmamakaawa

"Ha-ha ang tanga ko. Ang tanga namin. Napaniwala mo kami
.
.
.
.
. ........Zien" unti unti ko ng nasisilayan ang kabuoan ni Zander. Paano nya nalaman? Bakit nya alam? Sinong nagsabi? Napakabilis ng tibok ng puso ko. Nahihirapan na akong huminga.

"Z-Zander,  a-anong s-sinas-sabi mo d-dyan?" Hindi ko mapigilan ang panginginig ng boses ko.

"Wag ka ng magkaila pa. Kilala na kita. Zien bakit mo ito ginagawa? Asaan si X!" Nakalapit na si Zander ng tuluyan saakin. Hinawakan nya ng mahigpit ang magkabilang braso ko. Mahigpit ang pagkakahawak nya,  puno ng galit ang kanyang mga mata.

"Zander,  ano ba nasasaktan ako. Sino ba yang Zien na yan? Ano ba!" Nagpupumiglas ako ngunit bigo kong natanggal ang pagkakahawak saakin ni Zander.

Lumayo sya saakin at sinuklay ng kanyang mga kamay ang buhok nyang magulo.

"Huh! Nahuli ka na nga tumatanggi ka pa. Alam mo Zien,  nagtataka ako kung bakit ikaw ang minahal ko. Kung bakit ikaw ang iniiyakan ko tuwing gabi. Kung bakit pinipigilan kong mahulog kay X. Kung bakit ikaw pa? Bakit ikaw pa na akala ko kilala ko na? Zien akala ko lang pala. Akala ko na tayo na,  tayo na hanggang wakas pero hindi ehh. Noong nawala ka bigla,  halos mabaliw ako kakahanap sayo. Pero ano 'to? Ha ano 'tong pinasok mo. Alam mo naman na masama sila diba? Alam mo na hindi sila mapagkakatiwalaan. Pero anong ginawa mo? Umanib ka sa kanila. Nasasaktan ako ngayon kasi yung babaeng minahal ko NOON ang tatraydor saamin ngayon."

Naramdaman ko nalang na may mainit na tubig ang tumulo sa pisngi ko. 'Hindi maari Zien. Hindi pwede. Pigilan mo ang nararamdaman mo Zien.' Paulit ulit kong sinasabi ko sa sarili ko ang mga katagang yan.

"Zander" tanging pangalan nalang nya ang kaya kong banggitin. Para bang may nakabara sa lalamunan ko na pumipigil saakin na magpaliwanag at sabihing inutysan lamang ako at hindi ko ito ginusto.

"Ano ha? Tama ako diba. Ano ba Zien ibalik nyo na si X dito. Ibalik nyo na ang TAONG MAHAL KO!"

Naramdaman ko na parang nadurog ang puso ko ng sabihin nya iyon. Si X,  si X na wala dito. Si X na babaeng hindi ko kilala. Si X ang taong mahal ng mahal ko. Oo mahal ko pa si Zander. Pero hindi pwede,  hindi pwede ang pagmamahal ko dahil magkaiba kami ng mundo. Sya sa mundo ng liwanag at ako......Ako sa mundo ng dilim.

"Zander,  m-mahal pa din kita" kasabay ng pagbitaw ko sa mga katagang iyon ay ang pagbabalik ng tunay ko itsura. Napayuko nalang ako at tahimik na pinatulo ang sariwang mga luha na inipon ko sa mahabang panahon.

"Zien -__- " tumingin ako kay Zander. Umaapoy ang buo nya kamay. Ramdam ko ang init nito. Napakainit. Malayo ako sa kanya ngunit para akong sinusunog sa init na dulit ng apoy sa kanyang kamay.

"Z-Zander,  wag. Wag Zander. ZANDER!!! WA----" napaka init. Nakatulala ako dahil sa ginawa nya. Mga matang puno ng galit,  lungkot at pighati. Mga kamay na nagaapoy dahil sa akin. Si Zander na minahal ako noon,  sinaktan ang para bang isang piraso ng papel na sinunog.

Napangiti nalang ako ng mapakla. Hindi ko manlang naihingi ng tawad ang lahat ng kasalanan na ginawa ko sa kanya at sa buong akademya. Siguro nga masama na ako sa tingin nyo. Pero may damdamin din ako. Nagmamahal at nasasaktan din ako.

'Patawad Zander,  patawad Dixe Academy,  Patawad buong Eletia,  patawad'

Pinikit ko ang aking mata at tiniis ang sakit at hapdi sa aking balat. Hinihintay ko na lamang na lamunin ako ng apoy at mawala ng tuluyan. Alam kong buhay pa ako pero tanggap ko na. Tanggal ko na,  na hanggamg dito nalang ako.

Zander's Pov

Noong una akala ko mahal ko pa sya. Akala ko sya pa din pero nagkamali ako. Maling mali ako.

Ang mga masasayang ala-ala namin ni Zien ay mananatiling ala-ala. Mga ala-ala na akala ko totoo pero hindi pala. Minahal ko sya pero sya,  hindi nya ko minahal. Baka nga hindi nya talaga ako mahal noong una palang. Siguro parte pa din iyon ng pag eespiya nya.

Wala akong pagsisisihan kung napatay ko man sya. Ang importante ngayon ay si X. Kailangan kong mahanap at maibalik si X dito.

"Pare anong ginawa mo kay Zien!?" Napatingin ako sa bagong dating. Si William kasunod sina Xierra,  Dmitri,  at Ryz.

"Zander! Nababaliw ka na!" Sigaw ni Xierra saakin. Nanatili akong tahimik at nakatingin lamang sa kanila.

Tinupok ng tubig ni William ang apoy na bumabalot kay Zien.

Lumapit saakin si Ryz at hindi ko inaasahan ang sunod nyang ginawa.

*pakkk*

Halos tumalikod ang ulo ko sa sobrang lakas ng pagkakasampal nya saakin. Umiiyak na sya.

"Ryz! " pinipigilan ni Dmitri si Ryz na lumapit saakin.

"Kuya babae yan. Bakit mo naman ginawa yun?! Pwede mo naman syang itali at ikulong pero bakit mo sya sinaktan. Sige nga paano kung ako ang nasa pusisyon nya,  ano mararamdaman mo?" Dahil sa sinabing iyon ni Ryz,  nagising ako sa kahibangan ko. Nadala ako sa bugso ng damdamin at sa galit na nananaig sa loob ko.

"Ryz ano ba tama na!?" Nagpupumiglas si Ryz pero hindi pa din sya binibitawan ni Dmitri.

"Umalis ka muna Kuya. Baka pati ako magalit sayo" Nakayuko kong nilisan ang likod ng ikatlong gusali. Ngayon nagising na ako sa kahibangan ko. Kahibangan ko na nagpatalo ako sa nararamdaman ko at hindi nag isip ng mabuti.

_________

Dedicated dun sa mga nangungulit saakin sa fb hehe. Di ko alam usernames nyo. Siguro naman kilala nyo na kung sino ang mga tinutukoy ko.

Mystery of The Hidden LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon