Chapter 11 -Gusto Kita

84 8 9
                                    

Chapter 11-Gusto Kita

Zander's Pov

hindi ko alam kung anong sumapi saakin at nagawa ko ang bagay na un kay X , parang kusa nalang gumalaw ang kamay ko at di ko napigilang yakapin sya mula sa likod ,

hindi ako makapagfocus sa pag eensayo dahil sa nangyari kanina , naging awkward kaming tatlo , pero ung dalawa nakuha pang mag-usap ng di ako silanasali , kainis

lumapit ako sa kanila dahil medyo malayo sila saakin , di ko marinig ang pinag-uusapan nila , chismoso na kung chismoso basta di maka one point ang magaling kong kapatid , oo kapatid ko si Dmitri di halata dahil mas gwapo ako sa kanya , yabang ba ?? ganun talaga ehh
di muna agad ako lumapit sa kanila , makikinig muna ako

"baliw ka talaga Dmitri , imposible yang sinasabi mo "

" seryoso nga "hinampas naman ni X si Dmitri , natatawa pa sya , ano kayang pinag-uusapan nila
"ung pangit na un magkakagusto saakin , puputi muna ang lahat ng uwak bago mangyari un" naiiling naman si X habang sinasabi un , argg sino ung nagkakagusto sa kanya dapat ako lang ..... ang ibig kong sabihin ako lang dapat ang magkakainteres sa kanya , haiist bat ba ako nag eexplain , napatingin sa gawi ko si Dmitri kaya napatalikod ako bigla , bakit ko ba ginawa un ,

humarap ako ulit , nakita ko na inilapit ni Dmitri ang mukha nya kay X , lumapit ako sa kanila agad , pupuntos pa tong kapatid ko ehh

"hep hep hep , tama na yan mahiya kayo daming tao oh " pinaghiwalay ko sila , tumingin naman sila sa paligid

"di naman sila nakatingin "nginisihan naman ako ni Dmitri , napatingin naman ako kay X , para syang teenager na nahihiya sa crush nya , aii oo nga pala teenager palang kami , wait nahihiya sa harap ng crush nya ?? , ibig sabihin sa harap ni Dmitri , pumuntos na talaga tong kumag kong kapatid

Dmitri's Pov
(ito ung oras bago lumapit si Zander at maging chismoso , )

tinuloy lang namin ang pag eensayo matapos naming gumawa ng eksena kanina , mga 30
minutes pagkatapos nun ay nilapitan ko si X , tahimik pang kasi sya , sa kalagayan nya ngayon , nag-uumpisa palang nyang matuklasan ang kapangyarihan nya kaya hanggang sa air ball palang ang kaya nyang gawin pang atake , di na masama para sa isang beginner,

"X pwede ba tayong mag-usap ??" napatingala naman sya , naka indian sit kasi sya at ako nakatayo sa harap nya , si Zander ? ayun nag-iisa nanaman

"ano sa tingin mo ang ginagawa natin ?" umiral nanaman ang pagiging pilosopo nya ,

"nag-uusap " inaabot nya saakin ang kamay nya , kaya hinawakan ko un , hawak lang talaga , nangunot naman ang noo nya , problema nito

" hilahin mo ako ahh , tatayo ako " ahh kaya pala , hinila ko sya , di naman sya ganun kabigat

"dun tayo " tinuro nya ang pwesto kung saan medyo malayo kay Kuya Zander , ayaw nyang patawag na Alez para daw Alice pang babae , kaya nagulat ako ng tawagin syang Alex ni X , hindi nya naman pangalan un pero di sya nagagalit pag timatawag syang ganun , kaya I conclude na may something si Kuya para kay X , ano kayangagiging reaction ni X pag sinabi kong may gusto si Kuya sa kanya , ito ang dahilan kung bakit ko kakausapin si X

"ano ba ung sasabihin mo at parang napaka importante nyan "nginitian ko sya ung totoong ngiti hindi ung ngisi ,magkaiba un

"maniniwala ka ba kung sasabihin kong may gusto sayo si Zander " pag kami kami lang saka ko lang sya tatawaging kuya , pero sa harap ng ibang tao ayaw nyang tinatawag syang kuya , kaya walang nakaka alam na may kapatid si Kuya Zander , akala ng mga eatudyante dito sya lang ang nag iisang prinsipe , pero sa totoong lang tatlo kaming magkakapatid , isa pa naming kapatid si Ryz , bale kakambal ko sya , sa kabilang section lang sya kaya di kami nakikitang magkasama , pero pag magkasama kami nagpagkakamalan kaming mag jowa

"wag mo nga ako niloloko " namula sya konti pero nawala din agad

"di naman kita niloloko , totoo un" tumingin naman sya saakin at inirapan ako , pero sa pag irap nya di ako natatakot , kay inang mahal lang ako takot

"baliw ka talaga Dmitri , imposible yang sinasabi mo "natawa sya konti , at

"seryoso nga " pag sinabi kong seryoso ako seryoso ako pero di halata sa mukha , hinampas naman ako ni X , di naman masakit ehh

"ung pangit na un magkakagusto saakin , puputi muna ang lahat ng uwak bago mangyari un" napailing nalang sya , sino bang maniniwala ehh di pa naman nagkakagusto ang napakabait kong kapatid

may naramdaman ako chismosong prisensya kaya natingin ako sa gawi nya , iiwas pa ehh huli na nga , inilapit ko ang bibig ko sa tenga ni X para bumulong

"nakikinig si Zander , lalapit ko ang nukha ko sayo , pero wag mong ilalayo ang mukha mo ahh , wag kang mag-alala di kita hahalikan , mapapatay ako pag ginawa ko un " napayuko naman si X at nakita ko syang nagblush , cute nya talaga

lumayo ako , pero ng mapansin ko na humarap na si Kuya , nilapit ko ang mukha ko kay X , di ko pa man masyadong malapit ay naramdaman kong lumapit si kuya saamin at pinaghiwalay kami

"hep hep hep , tama na yan mahiya kayo daming tao oh " lumayo naman ako at nginisihan sya , yan ba ang walang gusto

"di naman sila nakatingin "painosente kong sabi sa kanya , di ko makita si X dahil natatakpan sya ng napakalaking katawan ng pinakamabait kong kuya , sa kabaliktaran nga lang

X's Pov

nang lumapit si Zander saamin napayuko nalang ako dahil alam ko na namumula na ang pisngi ko , bakit ba kasi sinabi ni Dmitri ang bagay ng imposibleng mangyari , tuloy nahihiya akong humarap kay Zander , teka bakit ba ako affected

ahh alam ko na tatanungin ko nalang kung totoo ba ung mga pinagsasabi ni Dmitri kanina

"para kang ewan dyan , humarap ka nga " humarap ako sa kanya at inismidan sya

"ano nanaman ba ?" nagpout ako sa harap nya , ewan ko ba di ko naman hilig mag pout pero nagagawa ko un sa harap ni Zander

"wala , mag training na nga ulit tayo " aalis na sana sya nang hawakan ko ang kamay nya , tumingin muna sya sa kamay ko na nakahawak sa kanya bago ako tignan sa mata , astig ng kulay ng mata nya , kulay maroon na magiging black

"uhnm, Alex ano kasi....." bat ang hirap itanong

"kasi ??" tatanungin ko ba ?? sige na nga

"may sinabi si Dmitri kanina , ano daw uhnm , m-may g-gusto ka daw saakin ?" napakunot naman ang noo nya

"oo gusto kita "lumaki naman ang maganda kong mata , so totoo nga

"g-gusto m-mo ako ??" tumango naman sya pero nawala ang pagkabigla ko ng dugtungan nya un

"gusto kitang ipatapon sa Bermuda triangle kasama ni Dmitri" nga naman , tama nga ako imposible ang sinasabi ni Dmitri , yang si Zander na ubod ng sungit magkakagusto saakin , oh c'mon , pero parang umasa ako , hmp baka guni guni ko lang

bumalik na kami sa pag eensayo , pero ang tanging nagagawa ko lang ay air ball na parang wala epekto pag pinatama na sa kalaban , useless naman ng kapangyarihan ko

............

natapos na din ang uang araw ng training namin , tatlong araw nalang ang titiisin ko kasama ang dalawang kumag na un , pero infairnes masaya silang kasama pero medyo awkward

------

yehey meron ng UD , pasensya na po kung ngayon lang may exam kasi kami kailangang mag review ,

please vote and leave a comment , see yah

Mystery of The Hidden LibraryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon