Chapter 92

1.5K 24 0
                                    


Chapter 92

Nagising ako ng naramdaman kong may kumikilos sa tabi ko..sinasabi ko na nga ba..nasa clinic na naman ako..patayo na sana ako nang maramdaman ko ang sakit ng buong katawan ko..pakiramdam ko nagbuhat ako ng kabayo..

Nagbuhat??

Tapos naalala ko

"Si Yueh" napaupo ako bigla tapos ay napahawak sa may likod ko "aray..ang sakit"
"ayan..nagpipilit..hay naku..hindi na talaga ako nagtataka kung bakit ka laging nandito"
napatingin ako sa nagsalita "kayo?"
tumingin xa sa akin "your welcome..tsk"
naalala ko nga pala na xa yung dahilan kung bakit maayos ako ngayon "salamat po pala..sandali po..si Yueh?"
"yung kasama mo?" ay hindi..NATURAL YUN YUNG HINAHANAP KO!!! HALLER!!PAMBIHIRA!! "nasa kabilang parte lang ng clinic..hindi pa rin nagkakamalay"

pinilit ko ang sarili ko na makatayo..pero talagang mahirap..buti na lang at napansin din nya este nakaramdam este..hay ano ba yan..basta tinulungan nya ako!yun yon!

After 739489439840740287494739512043840928405873 years..nakarating din ako sa pwesto ni Yueh..pinaupo ako ni Nurse E sa upuan malapit sa kama nya tapos tumingin xa sa akin at nagsabi

"pambihira..lagi ka na lang ba magiging laman ng clinic na ito?maliban ata sa title nyo ng bf mo..isa ikaw sa pinakamadaming beses na nandito"
"sobra naman kayo" sabi ko
"aba!akala mo ata eh nagbibiro ako?oo kaya"
ngumiti na lang ako para matapos na pero dahil si Nurse E nga xa nagpasaring pa xa ng isa pang beses

"kung magiging broken hearted nga kayo..siguraduhin nyong hindi umuulan..kaya lagi kayong nagkakasakit" tapos umalis na xa

pagkaalis nya napatawa ako..infairness..napansin nya rin yun..

tapos tiningnan ko ulit si Yueh..kahit tulog alam kong ramdam pa rin nya ang sakit..hinawakan ko ang kamay nya

"Ngayon naman na kailangan mo ng isang kaibigan..ako naman ang nandito..kung sinasabi mo sana ang lahat-lahat sa akin..e di sana nababawasan yang sakit na nararamdaman mo.."

tapos umub-ob ako at umimik ulit habang nakatingin ako sa kanya

"siguro sobra ka na ring nasaktan sa mga nangyayari..nakadagdag pa ako..I'm sorry Yueh..sorry..hindi ako naging mabuting kaibigan"
"mali ka.."
napa-ayos ako ng upo "oh..gising ka na pala"
"naging mabuting kaibigan ka.." tapos umiwas xa ng tingin "ako lang talaga lagi ang may mali"
"Yueh-"
"tama si Marriel..hindi lang ako ang nasasaktan sa mga nangyayari..pero heto ako..halos ipamukha sa lahat na ako lang ang nasasaktan..nakalimutan ko na may mga tao din na nasasaktan kapag nasasaktan ako"
"ano ba talaga ang nangyari?"
umiling xa "wag muna ngayon..Iexsha..gusto ko muna sarilinin ang lahat..pagkakamali ko ito..hindi ka damay"
"sige..pero kapag kaya mo na-"
"ikaw ang unang makakaalam"
ngumiti ako "magpahinga ka na"
"gusto ko ng umuwi"
"pero alam kong nanghihina ka pa"

"tama xa" si Nurse E "pati ikaw" turo nya sa akin "alam kong napakasakit pa ng katawan mo"
"huh?ako..hindi ahh..ang lakas ko" tapos tumayo ako at nagyabang pero hindi pa ako nakakaporma napaupo na ako dahil sobrang sakit nga ng katawan ko "awww"
"yan..ang yabang kasi"
nagpout ako..fine!

"tatawagan ko ulit kuya mo para masundo ka na" tapos lumabas na xa
"sandali-" susundan ko sana xa pero hinigit ni Yueh ang kamay ko..binalingan ko xa "bakit?"
"may utang na naman ako sayo" nang makita nya ang reaksyon ko which is pagtataka..tinuloy nya "-paano mo ako nadala dito?"
napatawa na lang ako "hindi ko rin tanda"
"huh?"
tapos nag-isip ako..paano nga ba? Ilang saglit pa..naalala ko na "kinaldkad kita"
"pardon?"
"tama!oo..dahil hindi kita kaya..naisip ko na kaladkarin ka habang nakasandal sa akin"
"seryoso ka?"
"oo naman"

Bigla kaming natahimik..ako nakatingin lang sa dingding sa tabi ni yueh..naririnig namin ang conversation ni Nurse E. sa kuya ko..at ramdam ko patay na naman ako

"Patay na naman ako kay kuya" sabi ko
"at patay na naman ako kay Aidan" sabi nya
napangiti ako "tama ka..kung nandito si Aidan..parehas tayo pagagalitan noon" tapos ginaya ko si Aidan "Pambihira naman kayong dalawa..anong tingin nyo sa mga sarili nyo parang relong water-proof??ang lakas parehas ng loob nyong magpaulan..lalo ka na Yueh..alam mo naman na kapag sinisipon ka mukha kang reindeer!"

at tumawa kaming dalawa..tapos nagsalita xa "gayang-gaya ah!"
"oo naman..ang dali naman gayahin noon"

napatahimik na naman kami..pambihira ang hirap ng ganito!!!

"gusto mo bang malaman" panimula nya "kung bakit ako galit kay Lance?"
"NAGTANONG KA PA!!ALAM MO NAMAN NA MALIBAN SA BASIC NEEDS.. ANG MGA INFO AY NECESSITY"
napabuntong-hininga xa tapos tumingin sa unahan nya..na para bang may tv doon at may pinapanood xa

"Magkakaklase kami noong highschool..ako,si marriel at si Lance.. magkalaban bilang 1st honor noon ang dalawa..walang gustong magpatalo, kapag nakakalamang ang isa halos kakaunti lang at nababawi agad nung isa..vice-versa..pero magkaibigan sila.. nagdududa ako noon kay Lance kung may gusto xa kay marriel..well..perfect match sila kung tutuusin..parehas matalino,mayaman at well..may hitsura naman silang parehas..yun nga lang mas gwapo ako kay Lance..pero hindi yun pansin ni marriel kahit na si Lance na yung masasabing ideal man nya-"

"kasi mas nakikita ka nya kesa prince charming wanna be na si Lance?" nakangiti kong sabi..haha!

"well..oo..kung tutuusin" namumula nyang sabi pero nagseryoso na ulit xa "I never really gave a damn for him..as long na hindi nya sasaktan si marriel ayos lang sa akin ang friendly competition nila..pero di ko aakalain na ang hindi ko pagpansin at pag-intindi sa kanya ang magiging dahilan ng lahat ng gulo"

"alam mo naman na kahit noon pa notorious na ako..masama ang tingin sa akin ng lahat..porke't naiiba lang ako,na lagi akong hindi mabait sa lahat, na mukha akong walang gagawing matino.. kaya akala nila mawawalan na ng direction ang buhay ko.. pero si marriel lang ang naniwala sa akin noon..hindi xa naniniwala sa sinasabi nila at hindi xa nagpapaapekto" tapos tumungo xa "yun ang akala ko..well..alam mo na naman siguro kung paano kami nagkagulo"

"oo..pero it doesn't make any sense..seriously..hindi ko alam kung anong kinalaman doon ni Lance"
"atat ka eh..sandali at ikukwento ko pa"
"sorry..xa ituloy mo na"

"well..hindi naman madadamay si prince charming sa gulo.. Kung hindi xa ang nagsabi sa magulang ni marriel ng mga maling paratang sa akin"

O_O

"DI NGA?????"
"oo..xa nga"
"susko!e chismoso pala yun!e anung ginawa mo?"
"kilala mo naman ako..hindi ko gusto na sinisiraan ako"
"so sinugod mo xa na parang action star?"
"well..ganito kasi yun"

Flashback!

Yueh's POV

Being angry is a totally UNDERSTATEMENT ng nararamdaman ko ngayon..SOBRA-SOBRA ang galit na gustong kumawala sa akin..kahapon lang inamin ko na rin sa wakas kay marriel ang nararamdaman ko..akala ko magiging masaya kami..positive ako na may nararamdman din xa sa akin..pero bakit parang nagsala???

Dahil yun sa mga magulang nya..

Well..hindi ko naman sila sinisisi..ang sinisisi ko ay ang taong nagsabi sa kanila ng mga kasinungalingan..

Sabihan ba naman ako na frat leader?wala nga akong kaibigan na matatawag..brad pa? plus..sa payat kong ito makikipaghazing ako?wag na..mahal ko pa ang buhay ko..

Bwisit na LANCE yan!!

SINASABI KO NA NGA BA!!!MAY GUSTO XA KAY MARRIEL!!!!!!!!!!!!!

At mas nagpadagdag yun sa galit na nararamdaman ko..napapansin ko na halos lahat umiiwas sa akin..siguro nga nasa 'killer aura mode' ako ngayon..oras na makita ko ang lalaking yon..HINDI KO ALAM ANG MAGAGAWA KO SA KANYA!!

Dumerecho ako sa room namin..alam kong nandun na xa..wala akong paki kung maaga pa lang basag-ulo na ang hanap ko..MAKIKITA NYA ANG GALIT NG ISANG FRAT LEADER!!(LOL)

Pagdating ko sa room..

-_-++++

Kung galit lang ang nararamdaman ko kanina..

Ngayon..

Kumukulo na ang dugo ko!!!

"LANCE!!!!!!!!!!!!!!!!!!" tawag ko sa kanya

Lahat ng mga kaklase namin tumingin sa akin..napatayo si Lance at si marriel..

Naabutan ko silang nagtatawanan na para bang walang nangyari kahapon sa amin..

Asar.. halos mamatay na ako..samantalang xa..NAKUKUHA PA NYA MAKIPAGLANDIAN SA IBA???

"Yu-Yueh?"sabi ni Lance na biglang kinabahan..si marriel naman tumungo lang

di ko na mapigilan pa ang sarili ko..tumakbo at..

PAK!!!

Nagsigawan lahat ng tao..pinagsusuntok ko ang walang hiyang ito..ibinuhos ko ang lahat ng galit ko sa kanya..ilang minuto pa nailayo ako ng mga kaklase ko kay Lance na nagdurugo na

"BITIWAN NYO AKO!!!KAILANGAN KO MAKAGANTI SA WALANG HIYANG YAN!!!" pero hindi nila ako pinakinggan at mas hinigpitan pa nila ang hawak nila sa akin..

"LANCE!" nakita ko si marriel na lumapit sa kanya..alalang-alala.."kaya mo pa ba?dadalhin kita sa clinic..kailangan kang-"

"NAG-AALALA KA DYAN SA LALAKING YAN???HINDI MO BA ALAM NA XA ANG DAHILAN KUNG BAKIT TAYO NAGKAKAGANITO????XA ANG NAGSABI SA MAGULANG MO NG MGA WALANG KWENTANG KASINUNGALINGAN!!! HINDI PA SAPAT ANG MGA SUNTOK NA YAN PARA MAKAGANTI AKO SA KANYA!! KUNG HINDI DAHIL SA KANYA MA-"

tumayo xa at tumingin sa akin..kitangkita ko ang galit sa kanya "ANO HA??MASAYA? KUNG HINDI DAHIL SA KANYA MAGIGING MASAYA TAYO??? SA PALAGAY MO BA GANUNG KADALI ANG LAHAT??? WAG MONG ISISI SA KANYA ANG LAHAT YUEH!!!MASISISI MO BA ANG MGA TAO KUNG HUHUSGAHAN KA NILA NG KUNG ANU-ANO??HINDI YUEH!!!DAHIL IKAW MISMO..HINDI KA NAMIN MAINTINDIHAN..NATATAKOT KAMI SAYO!!!SINONG MAGSASABI NA HINDI KA FRAT LEADER SA GINAWA MONG ITO KAY LANCE???"

"HINDI KO AKALAIN NA GANYAN KA DIN MARRIEL" inalis ko ang pagkakahawak sa akin at nagturo ako "KAYONG LAHAT!!HINDI IBIG SABIHIN NA NAIIBA AKO SA INYO..MASAMA NA AKO!!NAPAKAMAPANGHUSGA NYO!!MAHIYA NAMAN KAYO SA MGA SARILI NYO!!" bumalik ang tingin ko kay marriel

"AT IKAW!!MASAYA KA NA NA NALOKO MO AKO???MASAYA KA NA MALAMAN MO NA ANG ISANG 'WALANG KWENTANG PINAGTITIISAN MO' AY NANIWALA SA LAHAT NG PINAGSASABI MO?????? ALAM MO SA TINGIN KO.. KUNG MAY WALANG KWENTA SA ATING LAHAT..IKAW YUN!!!IKAW AT LAHAT KAYONG MGA AKALA NYO NAPAKALILINIS!!!"

Paalis na sana ako ng marinig kong nagsalita si Lance..

"CUT THE CRAP YUEH!!!! ALAM KO NAMAN NA NAGSESELOS KA LANG!!!"

tumingin ako sa kanya..deadliest glare..tingin na kung isang kutsilyo..patay na xa ngayon!!

"SELOS????OO!!!NAGSESELOS AKO!!NAGSESELOS AKO KASI MAHAL KO XA.." narinig ko ang iba't ibang reaksyon ng mga tao pero wala akong paki..tanging si marriel lang na napaluhod na lang at umiiyak ang nakikita ko..pagnakikita ko xang umiiyak nasasaktan ako..pero maliban sa sakit..galit ang nararamdaman ko.."PERO HINDI KO AKALAIN NA MAIINLOVE AKO SA ISANG TAONG AKALA KO HINDI KATULAD NILA..PERO NGAYON ALAM KO NA.. WE'RE DONE... WALA NA XANG AASAHAN SA KATULAD KONG WALANG KWENTA.."

Naglakad na ako palabas pero nasa may pintuan pa lang ramdam ko na maraming naghihintay sa akin..at wala akong paki sa kanila..

"marriel" huling tawag ko sa kanya..pero ginamit ko ang pinakacold na boses na makakaya ko "sana ngayong mawawala na ako sa buhay mo may makita ka ng magandang future.."

at umalis na ako

Flashback ends!

(normal POV)

"sniff!sniff!!"
"bakit ka naiyak???" tanong nya
"E GRABE NAMAN PALA ANG NANGYARI SA INYO!!HINDI KO MAPIGILANG UMIYAK!!"
ngumiti xa "past na yun.."
"pero..pabayaan mo muna ako umiyak"
"bakit ba?"
"dahil kaibigan mo ako"
"hindi kita maintindihan"
"kung hindi mo kayang iiyak ang lahat.. hayaan mong..bilang kaibigan mo..na ako ang umiyak para sayo"

tapos umiyak na ako ng umiyak

ilang minuto pa hinawakan nya ang kamay ko "tama na"
inalis ko ang kamay nya at pinahid ang mga luha ko.. "paano na kayo ngayon?"
"hindi ko alam..ang pagkakaalam ko..mali ako..nagkamali ako sa sinabi kong xa ang dahilan ng pagkamatay ni reina..alam mo ba na ang tanging sumunod lang sa akin pagkatapos ng nangyari sa amin ni lance ay si reina? Xa lang ang nakinig sa akin nang lahat ay ayaw na ako pakinggan..kaya masakit..masakit sa akin ng mawala xa..pero tanga ako ng isisi ko yun kay marriel"

"ano ba kasi ang nangyari??paxenxa na ha..nasa mood ka na rin naman magkwento..lubos-lubusin mo na..dali na..gusto ko ng malama-"

"IEXSHA!!!"

napapikit ako at parang naasar pero itinago ko ito sa paningin nya at ngumiti ako ng sobrang tamis ng lumingon ako sa kanya "kuya"

naramdaman kong nakahinga ng maluwag si Yueh sa tabi ko..asar..nadali ako doon ah!!tsk!

"hoy Iexsha!nakakadami ka na..ano na naman ito??" tapos napatingin xa kay Yueh "dinamay mo pa si Yueh"
"kuya..hindi kaya..ako pa nga ang-"
"tama na ang explanation mo..yari ka sa bahay!"
"kuya naman ehh!"
ginaya nya ako "kuya naman ehh!" di mapigilan ni Yueh ang tumawa sa tabi ko kaya siniko ko xa..WALA AKONG PAKI KUNG MAY-SAKIT XA!! "Iexsha..hindi na pwede yan..hindi ko na kayang ipagtanggol ka pa"
"pero-"
"tara na..mas maagang masermonan ka..mas maganda" tapos bumaling xa kay Yueh "sumabay ka na rin sa amin"
"sig-"

"hindi pa pwede" napalingon kaming tatlo kay Nurse E na may dalang isang baso at mga gamot "kailangan maiwan xa..may lagnat pa xa..mamaya na lang xa pwede umuwi"
"pero..wala na po akong lagnat!Iexsha tingnan mo..wala na di ba!"

hinawakan ko ang noo nya tapos bigla kong inalis na parang napaso "walstik!ang init ahh!pwede ka ng maglaga ihh!"
"kitamona..Iexsha..pwede na kayong umuwi ng kuya mo..heto nga pala ang mga painkillers para dyan sa likod mo"

pagkakuha ko ng gamot tumayo na ako "paano ba yan yueh..mauuna na ako..goodluck sayo" ningitian ko xa na parang nang-aasar
ngumisi xa "kung sabagay..ayos lang naman sa akin ang humiga dito..kaysa masermunan mamaya"
"CHE!!!!!!!!"

at doon nga umuna na si kuya (actally..kanina pa silang nag-uusap ni Nurse E at halatang napipilitan lang xa)

bago ako umalis..hinawakan ko muna ang kamay ni Yueh "tawagan mo ako kung handa ka na.."
"oo naman..salamat at nakinig ka kanina"
"sus wala yun..sige..ahh..nga pala.. naniniwala akong kayo pa rin naman hanggang sa huli"

at umalis na ako sa kwarto at sumunod na kay kuya

"Lagi na lang ba kayong magpapaulan?" puna sa akin ni kuya
"well..kasalanan ko ba kung lagi na lang nakikiramay ang ulan sa mga brokenhearted?"

wala na lang sinabi si kuya pero alam kong ngumiti xa..

sana ito na ang huling beses na uulan..

mali pala..

sana ito na ang huling beses na may masasaktan at may komprontasyon habang naulan..o kahit hindi umuulan..

kasi gumugulo na ulit ang lahat..

at ngayon..dahil hindi na sa akin ang issue..

wala akong magawa..wala isuall",xWSo>

Spaces To Fill Book 3: Keep Holding On (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon