Chapter 105

1.3K 25 0
                                    


Chapter 105

Sabihin nyo nga sa akin..may tinatawag bang Christmas sickness??nakakasar.. nagkasakit na naman ako after Christmas.. at pinagbawalan na naman ako lumabas..so ang ginawa ko..nagbukas ako ng mga regalo ko..at ang daming libro..as in..sari-sari na.. siguro alam nga nila na adik din ako kung magbasa..kaya puro libro.. kaya ang ginawa ko sa 3 araw na nasa bahay ako?at ayaw nila talaga ako palabasin?? Nagbasa ako ng libro..

May mga nagbigay din sa akin ng anime stuff..at manga!!(isang set ng manga ng Yamato nadeshiko..4 na volume!courtesy of Lynette and Clarence) tapos madami ding mga girly stuff..at make-up!!!

"ate faye!!!!!" asar,,ate faye talaga!!!!!!

Pero hindi naman mapupunuan ng lahat ng gift ang pagkaasar ko dahil nga hindi ako makalabas..

December 29..nagbihis ako ng usual pantakas outfit ko..tshirt,jacket pants at sandals..at umalis ako sa amin..alam ko na kapag nalaman nila na wala na naman ako..grounded na naman ang lalabasan ko..pero wala akong paki..

PARA SA MGA PASALUBONG KO AT CHOCOLATES!!!!!!!!!!!!!!!!!!!YAEH NG GROUNDED!!!!!!!!!!!!!

After 15 minutes....

Ding!Dong!!

Nagdo-doorbell na ako kina Shiloh..isang sakayan lang kasi yung kanila mula sa amin..kaya madali lang ako nakarating sa kanila..

Magdo-doorbell pa sana ako ng magbukas yung gate..

"Sino-WAH!!!IEXSHA!!!!!"
hindi na ako nakasagot at nayakap na ako ni Tita Gayle...ina ng dakilang si Shiloh..nang mapansin nya na hindi na ako makahinga pinakawalan nya ako..
"sorry..naexcite lang ako ng makita kita..alam mo naman na parang anak na kita"
"tita..please..sa ganda nyong yan..nagmumukha lang tayong mag-ate!"
napangiti xa "yan naman ang gusto ko sayo..hindi ka pa rin nagbabago..BOLERA KA PA RIN!!"

Nagtawanan kami papasok sa bahay nila..ganun pa rin ang hitsura ng bahay nila..magulo pero maganda pa rin..magulo kasi nagkalat pa rin ang mga balikbayan boxes ..pero other than that..bongga pa rin ang bahay nila!

"paxenxa na Iexsha at magulo pa dito..hindi pa kasi kami nakakapag-ayos talaga..mas mabilis talaga mag-impake ng mga gamit kaysa magbalik nito sa dati.."
"ayos lang po..si Shiloh nga po pala?"
"si Shiloh?ayun nagkukulong sa kwarto nya..ayaw daw nya lumabas..palibhasa kasi may sakit ka daw..teka nga pala..ayos na ba ang pakiramdam mo?"
"ayos na po ako..tinatamad na ho ako sa bahay..alam nyo naman ho ang mga tao doon..masyadong mga OA"
"iniingatan ka lang nila"
ngumiti na lang ako

"Gayle..sino yung..oh..Iexsha..ikaw pala yan"
"Tito Alex" lumapit ako at niyakap xa tapos umayos ulit ako "Long time no see po"
"Long time no see din iha..paxenxa na at hindi kami nakapunta sa birthday mo.."
"ayos lang po iyon..Tito.."

"hindi ka naman..aalis agad iha, ano? alas-dos pa lang naman ng hapon" tanong ni tita
"kung ayos lang po sa inyo..tatambay lang po muna ako dito"
"oo naman..mabuti nga iyon at habang hinahalungkat ko ang pasalubong ko sa iyo at sa mga magulang mo pati na rin kay Iexzel ay hindi ka naman maiinip..alam ko naman na sasamahan ka ni Shiloh..sandali nga at mapuntahan na si Shiloh sa lungga nya"

Bumaba na sa underground si Tita nandun kasi ang kwarto ni Shiloh..

"upo ka muna iha" umupo nga ako sa sofa sa sala nina Shiloh "kamusta na ang pag-aaral mo?"
"ayos lang po,Tito..kinakaya naman po"
"Binabalak kong ienroll si Shiloh ulit sa university..mas maganda na matapos nya ang pag-aaral nya dito..masyadong magulo sa England..bago pa xa maging lawyer kailangan pa nya kumuha ng 2 course..baka Lolo na ako bago ko makitang nakikipaglaban sa korte ang bunso ko"
"Tama po iyan..siguro naman po tatanggapin pa ho si Shiloh lalo at galing pa ho xa sa ibang bansa"
"Sana nga iha..mas masarap talaga dito sa pilipinas..buti na lang at naayos na ang negosyo namin doon..kaya nga ng alam ko na hindi ko na kailangang on-hand na magmanage..naisipan ko na bumalik agad dito..si Shiloh lang ang nag-insist na madaliin ang lahat para makauwi xa sa birthday mo"
"si Shiloh po talaga.." ngumiti ako "namiss ko ho talaga yun"
"alam mo ba iha..nang mga unang araw namin sa England..wala yang ginawa kung hindi tingnan ang picture nyong dalawa..at pakinggan ang boses mo sa cellphone nya..daig pa nya ang nag-iwan ng girlfriend dito..baka nga kayo na ha..at hindi mo lang sinasabi sa amin"
"HOH??hindi ho!magbestfriend lang ho talaga kami"
"bestfriend..sus..ganyan din kami nagsimula ng Tita Gayle mo..hindi na yan us-"

"DAD!!"
napatingin kami ni Tito sa tumawag sa kanya si Shiloh na halatang nakahiga lang lagi at ang buhok ay parang pugad ng ibon..kung hindi ko lang kilala ito..kakagising lang nito
"oh..ayan na pala si Shiloh..Good morning anak..(xempre..sarcastic yung Good Morning)buti naman at lumabas ka na sa lungga mo"
narinig ko na parang nagsalita si Shiloh yun nga lang ay hindi namin narinig saka nagsalita sa akin "magaling ka na ba??bakit ka nandito?"
"ang ganda naman ng bati mo sa akin..kung ayaw mo naman ako makita..ayos lang.." tapos tumayo na ako "baboosh!!"

naglakad na ako palabas kaso wala man lang pumigil sa akin..nang makaklabas na ako..tumalikod ako at tumingin sa kanila "wala man lang pipigil sa akin?"
"wala..alam naman namin na nagdadrama ka lang..at hindi ka tatakas para magdrama lang..alam namin na yung mga pasalubong ay hindi mo iiwan" paliwanag ni Shiloh
nag-pout ako "hmmmmmppp!"

lumapit na sa akin si Shiloh at inilagay yung ulo ko sa may dibdib nya..in short kinawit nya ang ulo ko sa pagitan ng kili-kili nya..YUCK!!

"wag ka ngang magdrama..hindi bagay sayo..halika sa lungga ko.."
napatawa na ako at hinayaan na lang nya kaladkarin ako sa 'lungga' nya

Pagdating naming sa lungga nya..as usual derecho na ako sa kama..at higa agad..

"NAMISS KO 'TOOOOOOOOOOOO!!!" sabi ko habang nagpagulong-gulong sa kama nya
nakatayo lang xa habang tinitingnan ako at umiiling "may sakit ka pa..baka mabinat ka sa ginagawa mong yan"
"hindi yan..haha..sandali..kakagising mo lang ba?"
"hindi..nakahiga lang ako dito buong araw.."
"kung sabagay..kung ako din naman ang may kwartong ganito..hindi na rin ako aalis sa lungga ko..haha"

Ang kwarto kasi ni Shiloh ay parang multivitamins..kumpleto na..may napakalaking tv, aircon, ref, mini bar, cr/banyo, laptop, mini library, dvd player, Wii(tama ba?) napakalambot na kama at minisofa..josku..ano pa??ano pa ang hihilingin ko kung nandito ako!!

"oh!" tapos binato nya ako ng isang pack ng ferrero yung pinakamalaking pack..
"WOW!!yehey!!thanks..shi..I love you talaga!"
"madami pang ganyan..buksan mo na yan at makakain din ako..Si mama na lang ang magbibigay sayo ng iba"
"sige!"

at binuksan ko na nga ang mga ferrero ko at inupakan isa-isa..

"kamusta ang England?"
umupo xa sa kama "ayun..maganda..kaso palaging malamig..kabaligtaran dito sa atin"
"so saan mo mas gusto?"
tumingin xa sa akin..ewan ko..nanahimik kami..para bang may gusto xang sabihin sa mga tingin nyang yun..tapos ngumiti xa "tinatanong pa ba yun?xempre dito"
ewan ko pero napaiwas ako ng tingin "ahh.."
"oh bakit?"

tumingin ulit ako sa kanya "wala..hehe..so kamusta ang University of Manchester?? grabe..bigaten ka..sikat na university yun..so kamusta ang life mo dun?"
"sobrang hirap..nalaman ko na yung course ko dito..walang ganun doon..tapos para makapag-Law ka kailangan mong kumuha ng dalawang kurso pa..susme! parang beginners' course ang nakuha ko.."
"maganda naman ang grades mo?"
"oo naman..buti na lang at management pa rin yun..may mga alam ako..so parang advance ako ng konti sa kanila..pero mahirap pa din..lalo na at iba't iba ang lahi namin.."
"may mga friends ka naman doon?"
"meron din..pero, hindi kami ganung ka-close..ang drama namin ay friends for convenience"
"ganun? Kawawa ka naman.."
"pero now I'm here na..kaya ayos na ako.." tumayo xa

tapos napansin ko na may kinuha si Shiloh..kaya nilunok ko yung ferrero na kinakain ko at tinanong xa "ano yan?"
"ito?"tapos pinakita nya yung mga dala nya habang nakaupo xa sa kama nya..so parang magkaharapan na kami kasi napaupo na ako "regalo ko sayo"
"regalo?" tapos kinuha ko yung nasa kamay nya

O_O

"OHMY GOSH!!!!!!!!!BAKLA!!!!PAANO..AHHH..WAAAHH!!!!" niyakap ko xa
"ARAY KO!!IEXSHA!!NASASAKAL NA AKO!!!!!"
"sorry!!!!" tapos inayos ko yung pagkakaupo ko "so paano mo ito nakuha??I mean..OMG!!! 3 album ni Avril..at MAY AUTOGRAPH PA!!!!!!!WAH!! ILOVEYOU!!!"
tawa xa ng tawa "Nagkaconcert kasi xa sa England then dahil sa connections..nagkaVIP pass ako..and viola!!!nakameet and greet ko xa!!"
binato ko xa ng unan "WAH!!ANG DAYA!!!GUSTO KO RIN XA MAKITA!!!!!"
"punta ng America!"
"ala!!" nagtatadyak ako "It's so unfair!!!"
"para kang bata!"
"cute naman!"
nagroll eyes xa "whatever"
"so may mga picture ka??"

"OF COURSE!!"
"patingin!!"
"nasa digicam ko..pakita ko na lang sa isang araw kapag naupload ko na"
"damot!"
"madamot pala!!" tapos kinuha nya yung ferrero na nangangahalati na
"hey!!" inagaw ko ulit sa kanya

at nagpagulong-gulong na kami sa sahig..at xempre nanalo ako!!!!

"huh!!chocolate ranger ako!!!!PARA SA MGA CHOCOLATE!!!!!" at kinain ko ang 2 ferrero ng sabay..
"TAKAW!!!!"
hindi ko muna xa pinansin at ninamnam ko ang chocolate ko..sarap!!

"gusto mo manuod ng movie?"
"oo..sure..anong meron dyan?"
"nahaling ako sa tagalong love stories"
"huh?..sige.."

at nag-ayos na xa ng papanuorin namin..ilang saglit pa..tumabi na xa sa akin sa kama at parehas kaming nakasandal sa board..katapat lang kasi ng kama yung tv kaya kitang-kita namin..

Close to you

"maka-John Lloyd ka pala!"
"hindi..nagkataon lang na ito yung nahagilap ko..collection kasi ito ni mama"

At nanuod na kami..ang gwapo ni John Lloyd!! Isa ito sa mga gusto kong movies na magkatambal sila ni Bea..

"napanuod mo na ba yan?" tanong sa akin ni Shi
"oo.."
"ako hindi pa.."
"eh xa..tumahimik ka muna para maintindihan mo"

bestfriends turn into lovers..pssssshhhhh..

umimik xa "sabi nila..bestfriends can be perfect couple"
napatawa ako "talaga?"
tumingin xa sa akin "oo naman.."
ayan na naman ang tingin nya kaya umiwas ako ng tingin "pero sometimes..mas maganda na magbestfriends na lang sila kaysa tumawid sa boundary"
"siguro nga"

Tumahimik lang kami hanggang matapos ang movie..ewan ko..nakakasar sa lahat ba naman ng mahihigit nyang movie..yun pa!!

Inayos nya yung dvd at yung tv habang ako nakaupo pa rin sa kama at tinitingnan lang xa

"buti na lang iba tayo ano?"
"anong ibig mong sabihin?"
"like duh..imposibleng magkagulo ng ganyan ang buhay natin..imposibleng magpaka-palits ka at mainlove sa akin..kasi nga..hindi tayo talo!"
tumigil xa sa ginagawa nya..actually para xang natigilan
"may nasabi ba akong masama?" tanong ko
umiling lang xa "wala..nakakadiri lang yang mga sinasabi mo"
binato ko nga xa ng unan "ANG SAMA MO!!!"

tumawa xa at humiga sa kama.. tapos nilagay nya yung unan sa ulunan nya "hay..nakakapagod"
humiga ako at sumiksik sa kanya..inunan ko yung dibdib nya "oo nga"
tapos nanahimik xa..ang tanging naririnig ko lang ay ang tibok ng dibdib nya..ang bilis ahh!

"bakla"
"a-ano?"
"bakit ang bilis ng tibok ng puso mo?"
"h-huh?"
"weird..bakit ang bilis nyan..kinakabahan ka ba??wag kang mag-alala..hindi naman kita rerape-in!"
"luka!!mabilis lang yan kasi ang bigat ng ulo mo!"
"che!!!!"

tumahimik ulit kami..nanatili akong nakahilig sa dibdib nya..yung kamay naman nya nilalaro ang buhok ko..

"Shi?"
"hmmm?"
"di ba nalaman na yung pagiging bakla mo?"
"o-oo"
"anong ginawa nila..pinilit ka ba nila maging lalaki?"
"oo..pero"
"pero ano?"
"siguro nga..noon pa man..lalaki na talaga ako"
napatingin ako sa kanya nakatingin lang xa sa kisame "ewan ko..hindi ko alam kung bakla pa talaga ako..pag nakakakita ako ng gwapo..kinikilig ako..pero-"
"hindi na gaya ng dati?"
tumingin na rin xa sa akin.. nagkatinginan kami..ang lapit nga ng mukha namin "tama..parang hati..nakakainis nga..para akong ewan..nakakaasar..at least dati..alam ko..buo ang loob ko na bakla ako..pero ngayon..may iba akong nararamdaman..at hindi yun tama"
hinawakan ko yung mukha nya "alam mo..kahit bakla ka..kalahati..one-fourth o kung ano pa man..nandito naman ako..kung ano pa yang mangyayari sayo..kung hindi mo yan matanggap..ako..ako ang tatanggap nyan.."
ngumiti xa "salamat"
"ano ka ba..xempre bestfriend mo ako..bff..kung may pagkukulang man dyan sayo..itatry kong punuhan..kung naguguluhan ka pa kung ano ka ba talaga..ako..itatry kong intindihin ka hanggang maintindihan mo na yang sarili mo..pero sana..may request ako sayo"
"ano?"
inayos ko ang pagkakhiga ko at yumakap sa kanya "na kahit anong mangyari..mawala man ang baklang Shiloh na bestfriend ko..sana nandyan pa rin ang Shilohng minamahal ko dahil bestfriend ko xa"
"oo naman..mabawasan man ang pagkabakla ko..mahati man ako..isa pa rin ang sigurado..si Shiloh na kayakap mo ngayon ay buong-buo na minamahal ka.."
"salamat..bestfriend"

"ako naman..Sha..pwedeng magrequest?"
"spill"
"Sana..kapag ikaw naman ang nahati..hayaan mong ako na ang pumuno sayo"
"anong ibig mong sabihin?"
"tanda mo ba ang pangako ko sayo?"
"alin?"
"pagbalik ko.. kukunin natin yang puso mo"
"oo..natatandaan ko"
"hindi ko man nakuha yang puso mo..hayaan mong kapag nakuha mo yan muli..at kapag nadurog..ako na ang mag-iingat"
"Shi-"
"pabayaan mong kahit yun..gawin ko.."
"o sige.."

"Sha?"
"hmmmm?"
"I love you"
natigilan ako..sanay ako na sinasabihan nya ako ng ganun..pero parang may kakaiba ngayon
"mahal din naman kita Shi..bestfriend kita eh"
napabuntong-hinga xa tapos naramdaman kong inaantok na ako
"Shi..baka mahawa ka sa sakit ko"
"ano ka ba..ayos lang ako"
"sigurado ka?baka makatulog ako..mangalay ka"
"luka..kahit naman sabihan kita na mabigat yang ulo mo..hindi mo na aalisin yan sa akin..ginawa mo na akong unan"
"hehe.."
"sha?"
pero hindi na ako nakasagot..tulog na kasi ako..

kaya siguro hindi ko narinig ang sinabi nya

"sana..ganito na lang tayo..sana may karapatan na talaga ako..sana nga"

at nakatulog na rin xa

Spaces To Fill Book 3: Keep Holding On (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon