Chapter 104
Pagkauwi ko sa bahay noon akala ko dederecho na ako sa pagtulog..kaso...nang mapansin ko sa kama ang isang bouquet ng white roses at isang photo album..parang nawala ang pagkaantok ko..
Nilapitan ko ito at inamoy ang mga roses..tapos napatingin ako sa kwarto ko..punung-puno na ito ng mga roses..yung mga lanta na..itinatago ko ang bawat petals at stem..nilalagay ko sa isang parang photo album at may kasamang date at kung paano ko nakuha yun..makapal-kapal na rin yun..but this roses are special..isang bouquet na napakaspecial sa akin..na kahit kailan hindi ko itatago sa isang album o frame..pananatilihin ko xa sa aking paningin..
Dati..iniisip ko..kailan kaya ako mabibigyan ng mga roses?nung highschool kasi bawat valentines naglipana ang iba't ibang kulay ng roses..at never ako nabigyan noon..sabi ko..siguro kapag nabibigyan ako ng roses..magiging masaya ako..
Pero kung tutuusin..para sa akin ngayon..Roses are equal to pain..ang una kong roses..mula kay Aidan..yun yung simula ng pagpapanggap namin..kahit na itinago ko sa sarili ko..alam ko..dun pa lang..mahal ko na xa..yun nga lang..noon..hindi pwedeng magkagusto ako sa kanya..masyadong complicated ang lahat..masyadong magulo..masyadong masakit..tapos ngayon..kahit gaano kasweet ang mga rose na yun..ang ibig sabihin pa rin noon..
Ay ang mga araw na hindi kami magkasama dalawa..
Hay naku..napatingin naman ako sa photo album..alam kong galing din ito sa kanya..siguro ito yung mga copies ng mga picture namin..
Pagtingin ko sa mga first pages..puro pictures namin..halos yung mga nasa presentation nya kanina..
Bawat pagflip ko ng pages..parang isang major flashback ang lahat..bumabalik yung memories ng mga pictures..minsan napapatawa ako sa mga pictures..pero alam ko parang nagbubukas ako ng lumang sugat..hay naku..emotional again..
Nasa huling page na ako ng napatigil ako..
Yun yung picture kanina..yung tulog ako..
Pero hindi yun ang nagpatigil sa akin..kung hindi yung note nya..
"The sweetest angel, that I adore and love..I love you so much..mhine.."
napatawa ako..Aidan and his cheesy lines..
tapos napatingin ako sa desk na malapit sa kama ko..doon ko kasi makikita ang una nyang gift sa akin..yung snow globe..
pero..
imposible..
O_O
Tama bang dalawang snow globe ang nakikita ko??
Lumapit ako sa desk..at TUNAY NGA!! DALAWANG SNOW GLOBE ANG NANDUN!!!
Yung isa..yung isang taon na sa akin..at yung isa..
Hinawakan ko..mas malaki xa ng konti dun sa una.napansin ko ulit na may switch yung ilalim..kaya in-on ko xa..
Lumiwanag yung snow globe..
"wow" yun lang ang nasabi ko..
Mas maganda xa di hamak sa nauna kong snow globe..mas maliwanag..sa gitna ng puting parang snow..makikita ang..
Eiffel tower..na xang nagpapaliwanag dito..dahil sa kanya galing yung iba't ibang kulay ng liwanag..
at sa baba nito ay may maliliit na hugis tao..na nagsasayaw..
pero mali pala..
napangiti ako.. Isang angel pala yun at isang knight na nagsasayaw..katulad ng unang Snow globe..
yun nga lang..sa ibaba sila ng Eiffel tower nagsasayaw at ang music nila..
Ang instrumental version ng Hanggang..
Pinigilan kong umiyak..ewan ko..kahit kasi yun ang song naming dalawa..still..
Pinapaalala ng kantang yun ang huling beses na nakasama ko xa..na kung saan akala ko perfect na ang lahat..
Ipinatong ko xa sa desk at hindi ko pinapatay..sobrang ganda..sobra..sobra..at nag-isip na lang ako ng ibang bagay para hindi umiyak..tulad nang..paano kaya nakuha ni Shiloh yung album, yung snow globe at yung video? Hay naku..tatanungin ko xa pag nagkita kami..
napansin ko na nagvibrate ang cellphone ko..may natawag..
kinuha ko yun ng hindi ko tinitingnan ang screen
"Yaller?merry Christmas..sino ito?"
narinig kong napatawa ang nasa kabilang line "ikaw talaga"
"AIDAN!"
napatawa ulit xa "Merry Christmas din mhine"
"pasalamat ka..hindi pa ako tulog"
"oo nga..nagtataka ako at hindi mo ako binati ng usual..heeelllloooooo...shhiinoooo itoo??"
"ang sama mo!"
"tunay naman na ganyan ka sumagot ng tawag kapag bagong gising!!"
"che!"
napahiga ako..
"Aidan.."
"hmmm?"
"Salamat sa video"
"yun lang ang magagawa ko..kasi..gustuhin ko man na personally kitang isayaw..hindi pwede"
"I know.."
"Mhine?"
"hmmm?"
"buti naman at iminulat mo pa ang mga mata mo"
napangiti ako..alam ko ang ibig nyang sabihin "sa totoo lang..ayaw kong imulat ang mga mata ko"
"pero dahil ikaw ang Brave Iexsha..ginawa mo pa rin"
"hehe"
"pero kahit ako..ayaw kong imulat ang mga mata ko noon..kasi kahit ako..gumawa ng mundo na tayong dalawa lang ang nandun"
"Aidan..naman ihh!"
"oh bakit?"
"pinaiiyak mo na naman ako!"
"ganun ba?sorry ha?"
"ano ka ba..lagi naman ako umiiyak dahil sayo"
"pero hindi ko yun ginusto" narinig ko yung pagkalungkot sa boses nya
"alam ko..kaya lang..si Mr. Destiny..iba ang plano"
"to make our love stronger"
"yeah..I agree"
"Aidan..salamat sa Snow globe"
"Alam mo ba nang makita ko yung isang tindahan malapit sa Eiffel tower na gumagawa ng Snow globe..naalala kita.."
"Talaga?"
"oo..nagtanong ako sa kanya kung pwede magpapersonalize ng Snow globe..bago ko pa xa mapilit na gawin yan..at pati yung music ng Hanggang..haha..buti na lang at nadaan ko xa sa charm ko"
"Aidan?"
"hmmmm?"
"Thank you"
"sana with the flowers,the video,and tha album..napasaya kita..kahit wala ako dyan"
"oo naman"
"Yang snowglobe na yan..yan ang pangarap ko"
"huh?"
"pangarap ko di ba na kasama kita ngayon at tinitingnan ang Eiffel tower..pero mas pangarap ko na kasayaw kita sa ilalim ng Eiffel tower..parang ang angel at ang knight na yan"
"ako din.." napangiti ako habang nakatingin sa snow globe na hindi ko pa rin pala napapatay
"Mhine.."
"hmmm?"
"corny man..pero mahal na mahal kita"
"hindi ako nagsasawa na pakinggan yan"
"sana kasama kita ngayon dito..alam mo ba..gusto ko ipakita sayo ang Eiffel tower.."
"kung binitbit mo ba naman ako..e di ayos"
"kung pwede nga lang kita ikahon..nagawa ko na"
"I miss you"
"I miss you too"
"Magdadalawang buwan pa lang.."
"oo nga.."
"kakayanin kaya natin?"
"oo naman"
"panghahawakan ko yan Aidan"
"I know.."
"sige..tulog na ako..pagod na ako ehh"
"sige..good..err..morning mhine"
"haha..good evening naman dyan.."
"I love you" sabi nya
"Always and forever" sabi ko
"huh?"
"I love you too..Always and forever"
"ako din..Always and Forever.."
tapos pinatay na namin ang line..
a simple vow we made
Always and Forever
}
BINABASA MO ANG
Spaces To Fill Book 3: Keep Holding On (COMPLETE)
Novela JuvenilKeep Holding on Minsan.. akala mo kuntento ka na sa buhay mo.. na masaya ka na sa mundo mo.. mahal mo xa at mahal ka nya.. sapat na.. pero minsan hindi mo aakalain na may isang sorpresa ang gugulat sayo.. hindi lang basta gugulat k...