Chapter 101

1.4K 27 4
                                    


Chapter 101

Inalis ko sa mukha ko ang pagkainis at pinaltan yun ng ngiti..

Alam talaga nila kung paano ako patatawanin..

"My Fairy-like sister..shall we?" doon ko lang napansin ang kuya ko na naka..

"PRINCE CHARMING COSTUME??????????????"

napatawa xa.. "tara na..oa ka naman mag-react..para makapagsimula na tayo"

mula sa backdoor hanggang sa bawat sulok ng garden..punong-puno ng balloons, bubbles, pasabit, maliliit na upuan at lamesa..clowns.. at sa gitna ng lahat ng ito ay isang upuan..

Doon ako pinaupo ni kuya at pumunta xa sa tabi ko.. "kayo lang talaga ang makakaisip ng isang children's party sa isang debut.." sabi ko sa kanya
Napangiti xa "alam kasi namin na maiinis ka lang kapag yung ordinary yung gagawin namin..at..yun ang naisip ng nag-organize nito.."
"well..hindi naman masyado..except" tinuro ko yung suot ko "this"
"bagay naman sayo"
"whatever"

napatingin ako sa mga tao..nakakatuwa na lahat sila naka-ordinary lang..ang kakaiba lang ay bawat isa ay may mga henna na makukulay sa mga mukha nila..children's party na children's party ang theme..

"bakit tayo lang ang nakacostume?" tanong ko kay kuya
"hindi ahh..tingnan mo ang mga pinsan nating bata..at saka yung mga kaklase mo" sabay turo nya dun sa isang parte

OO NGA!!

Mga nakacostume din yung mga maliliit kong pinsan..yung mga kaklase at kabarkada ko nakacostume..pero imbis na katulad namin..

Nag-pout ako "BAKIT SILA NAKA-ANIME COSTUME??ANG DAYA!!!"
"pabayaan mo na"

magsasalita pa sana ako ng biglang may nagsalita

"Now that the debutant is here already..the party will start!!"

napatingin ako sa nagsalita

Isang babaeng nakacostume ng magician..

O_O

"BAKIT XA ANG EMCEE???"
"hindi ako ang nag-organize..wala akong kinalaman dyan"
"sinong-"

"Birthday celebrant..ngumiti ka naman dyan!"
tiningnan ko lang xa at ngumiti na rin ako..
ngumiti xa at tumingin sa audience "GUSTO NYO NA BA MAG-LARO??"
"OPOOOOOOOOOOOO!!!!!"

napangiti yung may hawak ng mic..

si Nurse E..


tama xa nga..hay naku..

"Okay kids..kailangan ko ng 9 na babae, at 10 na guys..lahat pumunta sa unahan..may mga prices na makukuha ang mananalo!!"

guess what..imbis na bata ang mga nagsipunta sa unahan

mga dalaga..binata..mga tito at tita ko..mga kabarkada ko..lahat sila nagkakagulo sa unahan ko..cool..parang mga bata..

ang nakita kong naglaro.. si den(naka tomoyo costume..yung uniform ni tomoyo sa cardcaptor sakura..kaya ko lang na nasigurado na xa yun ay dahil may videocam xang dala), ezelle(ana??yung sa shaman king..ayos ah..pati tsinelas..nakahanap xa!!), kristel(nakapink na wig..mayura..sa mythical detective loki), marriel(naka ten-ten???hala..), 2 tita ko, 2 kong pinsan, at..

"INAY?"
tumawa lang ang aking ina..pambihira!

sa mga lalaki naman..4 na pinsan kong lalaki,2 kong tito.. si Patrick(xempre..naka-Yo xa..yung sa shaman king), si seth(na ngiting-ngiti sa akin..at nakacostume din..detective loki..ayos ah) , si Yueh(na pinanindigan na ang pagiging Itachi..at naka akatsuki robe at may forehead protector..akalain nyong nahila xa??haha) at ang aking..

"TATAY???"
SUSME!!!!!

"okay..children..ang una nating lalaruin ay.." tapos may narinig pa akong drumroll..pakulo nga naman "TRIP TO JERUSALEM!!"
"HUH??"
"ang bago"
"akala ko naman kung ano na"
"madali lang pala"

"PERO!" tumingin kaming lahat sa kanya "ang twist"
"twist?"
"kailangan bumilog ng mga babae.." sumunod ang mga babae.."tapos yung mga guys ang iikot..at kailangan" ngumiti si Nurse E..naku.. "kailangang


buhatin ng babae ang lalaki para hindi sila matanggal kapag tumigil ang music"
"WHAT?????"

napatawa kami ni kuya..infairness..maganda ang pakulo ng luka!!hahahahaha..

So nagsimula na..una naging magulo..madaming natumba (unang natanggal si kristel..wahaha..hindi nya kasi kayang buhatin yung tito ko..haha).. tapos sunod-sunod na..hanggang ang matira..

Si Marriel
Pinsan ko
At kagulat-gulat man ay si Yueh..hahahahahaha


May naisip ako..hehe..bago pa magpatugtog si Nurse E ng 'Fire' ay binulungan ko yung pinsan ko..buti na lang at malapit xa sa amin

"kuya Allan" lumingon xa sa akin "ipapanalo mo na yung barkada ko"
"bakit?"
kinindatan ko xa tapos ninguso ko ng konti si marriel.. "ahhh...sige" buti naman at nagets na nya

so nung tumugtog na..naghihiyawan na ang mga tao..si marriel..alam kong masakit na ang braso..haha..si Yueh,nag-aalinlangan..si kuya naman..patawa-tawa..

tapos biglang..tumigil ang music..

natigilan sina yueh at si kuya allan..pero ngumiti si kuya allan at parang nagpose ng 'sige..ikaw na'

dahan-dahang naglakad si Yueh..si marriel naman halos mamula na..nang malapit na sila sa isa't isa..biglang sumigaw si Nurse E

"PWEDE NG BUHATIN NG LALAKI ANG NATITIRANG BABAE!!!!"

naghiyawan ang lahat..kahit ako napasigaw na..grabe ang saya!

"hindi na kailang-" hindi na natapos ni marriel ang sasabihin nya at

"YIIIIIIEEEEEEEEEHH!!!!!!!"

binuhat na xa ni Yueh..bridal style..mga ilang saglit pa silang nagkatitigan..tapos..

"EHEM!" umepal si Nurse E...parang napahiya yung dalawa at nag-iwasan ng tingin..tumawa lang si Nurse E. "well..as you can see..sila ang nanalo!anong name?" tinutok nya yung mic kay Yueh
"Yueh" tapos tinutok nya yung mic kay marriel
"Marriel"
"Yueh and Marriel..hmmm..naalala ko na.." tinuro nya si Yueh "ikaw yung dating-"
"EMCEE!"
lumingon xa sa akin..tiningnan ko na lang xa ng 'wag-mo-ng-ituloy-ang-sasabihin-mo' tapos ngumiti xa.. "pumunta na lang kayo sa may likod para sa prize"

pumunta nga sila dun sa may likod

"GUSTO NYO PA????"

nagsigawan ang lahat.. "OPO!!!"

Nagpatuloy pa ang mga larong sa tingin ko..adik lang ang maglalaro..yung sumunod na game sumali na rin ako..at guess what..ang laro..

"CHICKEN RACE!" masayang sabi ni Nurse E

actually..hindi xa chicken kung hindi chick..as in sisisw..ang sistema..5 per group..5 groups..may tig-iisang makukulay na sisiw na binili ata dun sa mga nagpapalabunutan sa mga fiesta.. tapos may goal..kailangan maencourage nyo yung sisiw na magpunta sa finish line ng hindi nyo xa hahawakan..o kahit anong body parts nyo ang magkacontact sa kanya..xempre kagulo kami ng kagrupo ko (ako,si lynette(naka shinigami costume), si Clarence (CC???), si jhas (hala..nakamelody na headdress(sp?)..haha..as in yung melody na cartoon character..tinanong ko xa kung bakit ganun yung suot nya,sabi nya naging anime din daw si melody..fine..pagbigyan..haha), at si



"SPONGEBOB??" tanong ko

yung mascot..sumali sa group namin..at kahit na gusto ko xang ipangkuskos sa lababo (ayaw ko kasi kay spongebob..kaasar ang mga yun..yun pa ang piniling mascot).. kinakawayan nya lang ako..tapos nakipaghigh five sa mga kasama ko..pssshhh..close??

"GO!"

Kung anu-ano na ang ginagawa namin para maencourage yung sisiw..pero palayo xa ng palayo xa sa goal..pati yung iba ganun na din..tawa ng tawa ang mga tao..kahit kami..ang masama lang..laging nakahara si spongebob sa daaranan ko..kaya naman..yung tatlo na lang yung nagmakaawa sa sisisw na pumunta sa finish line..

Sinamaan ko ng tingin si spongebob..as in..nagpacute lang xa sa harapan ko..gustong-gusto ko ng ibalik xa sa bikini bottom at dun na lang magpacute..hanggang narinig ko na lang na

"NANALO ANG SISIW COLOR BLUE!!ANG SISIW NG DEBUTANT!!"

aba!amin yun!! So sinagi ko si spongebob at pumunta na sa unahan..matapos makipag-usap ng konti kay Nurse E. ay pumunta na kami sa likod para sa prize..yipee!!!
pero hindi na sumunod si spongebob sa amin..pumunta na ulit xa sa may likod (yung kabilang side) at nanuod ng mga walang kwentang games ni Nurse E.

Bumalik ako sa upuan ko..si kuya..wala na sa tabi ko..pinagpahinga ko muna xa..aba..kanina pa nakatayo!dun muna xa kay ate faye(na nakafairy godmother costume..haha)..nanuod pa ako ng mga game gaya ng 'paunahang makaubos ng ampalaya'(yuck!)..'manila paper dance' na kung saan..imbis na malaki to paliit e paliit to palaki ang folds..at kailangan ma-occupy nyo yung space ng walang labis..(dito nanalo sina kristel at si seth..wahahahaha..parehas kasi sakto lang ang size)..kita nyo na..adik lang ang makakaisip at maglalaro sa mga ganitong kinds ng laro..

After nung manila paper dance..naisip ni Nurse E. na ang mga bata naman ang pasayahin kaya naman ininvite na nya yung mga clowns at yung magician..sa point na yun..naisip kong pumunta na sa pwesto ng mga kaibigan ko para kamustahin sila..

Pagdating ko doon..lahat sila nagkekwentuhan..siguro tapos na ang mga ito kumain..oh gross..hindi pa pala ako nakain..asar..pero yaeh na..hindi naman ako nagugutom..

"hoy!" bati ko sa kanila
lahat sila tumayo at yung mga kabarkada kong babae at yung iba kong kaibigan ay niyakap ako at binati ako ng happy birthday..yung mga guys naman ay nakipagkasa na lang ako ng kamao..well..maliban kay Yueh na binatukan ko dahil sa ginawa nya kanina..

"buti naman at nag-eenjoy kayo" sabi ko
"oo naman" sabay-sabay nilang sabi
"grabe ang mga laro.."
"oo nga..kakaiba"
napatingin ako kay Nurse E na umiinom ng tubig at nakikipag-usap sa isa kong tita "kung xa naman ang may pakulo..wag na kayong magtaka"
tumango lang sila

"sinong may pakana nito?pati yung concept..kakaiba" naitanong ko
lahat sila tumingin sa isa't isa tapos parang walang gustong magsalita
"hmmm?walang gustong umamin?"
ngumiti lang ang iba..tumango yung ilan
"fine..malalaman ko rin naman"
tapos parang napabuntong-hininga sila..weird

Napaupo ako sa tabi ni jhas at ni ezelle..yung iba sa kanila nag-round 2 na nang pagkain..including ang magjowa na sina ezelle at Patrick na nagsusubuan..si jhas naman..nageenjoy sa dessert na mga iba't ibang lafang na pwedeng i-dip sa chocolate fountain..mga nagutom siguro talaga..umiwas na lang ako ng tingin dahil nararamdaman ko na ang gutom..

Kaso..sa isang yellow sponge na parang engot at nakikipagsayaw sa ibang bata ako napatingin..nang mapansin nya akong nakatingin sa kanya nagsalute xa..tapos nakipaglaro na ulit sa ibang bata..

"matanong ko nga..yun bang nagplano ng lahat ng ito..alam na ayaw ko kay spongebob?" tanong ko ng tumingin ulit ako kay jhas na nag-eenjoy sa melody costume nya..
ngumiti xa "oo naman..alam na alam"
napataas ang kilay ko "eh bakit nandito si spongebob?"
"may purpose xa..a great one"
"shoot..may purpose-purpose pa kayo nalalaman..pwede naman na si Patrick ahh..mas matino pa yun at mas cute sa paningin ko"

alam ko..sa lahat ng spongebob fanatics dyan..tumataas na ang kilay..paxenxa naman.. kahit nakakapanuod ako ng spongebob gawa ng mga pinsan ko..hindi ko talaga xa feel..kanya-kanyang taste lang yan..

napansin ko na natigilan ang katabi ko sa pagsubo at tumingin sa akin..
nagroll eyes ako "like..duh..hindi yang patrick mo ang tinutukoy ko..si PATRICK STAR"
"okay!" tapos sinubuan nya ulit ang Patrick nya

napatawa na lang kami ni jhas..tapos naisip ko "sana nandito sila"
tumingin si jhas sa akin na parang naunawaan nya kung sino ang tinutukoy ko "wag ka ng malungkot..ngangayon na nga lang kitang nakitang gumanda ng ganyan..ang ganda mo pa sa costume mo..tapos..magdadrama ka..wag kang mag-alala.."
ngumiti na lang ako kay jhas tapos pinatuloy ko na xa sa pagkain nya habang tinitingnan ko ang lahat..

Masaya lahat..yun lang ang napansin ko..ngumiti ako..masaya ako at natutuwa sila sa party na ito..kahit din naman ako natutuwa..kaso..wala ang dalawang maituturing kong pinakamalapit sa puso ko labas ang pamilya ko..napapikit ako..ayoko magdrama..

Kaso..ang tiyan ko..nag-aalburoto na..tinatamad akong umalis sa pwesto ko..siguradong kapag umalis ako..hindi nila ako titigilan at papupuntahin na naman nila ako sa unahan..nakakahiya naman na magpakuha ako kasi maliban sa kumakain din sila..hindi nila alam ang gusto ko..yung may alam naman ng gusto ko..ayun nakikipagtalo kay marriel..dahil gusto nya makipagpalit ng nakuhang prize kay marriel..pambabae kasi yung nakuha nya..yung kay marriel naman ay ayos lang..si yueh talaga..ayaw pa ibigay kay marriel..isip-bata pa rin talaga..

"pakainin mo na ako" naku..naririnig ko ng kumakalam na talaga..hay naku..yaeh na nga..kailangan ko na talagang makakain..patayo n asana ako nang-

O_O

Biglang may naglagay ng pinggan sa tapat ko..at lahat ng fave ko nakalagay dun!!may drinks pa!!

Napatingin ako sa nag-abot..

O_O

????

"SPONGEBOB??????"
tumango xa..narinig kong napatawa si jhas sa reaction ko..
"uhmm..akin ito?"
tumango ulit xa
"paano mo nalamn na ito ang gusto ko?"
nagkibit-balikat lang xa(yeah..iniisip nyo kung paano yun nangyari..like duh..si sponebob ay walang balikat..pero yung ginawa nya..alam kong katumabas na yun noon) tapos umalis..

weird..

pero napangiti nya ako..

"SPONGEBOB!" tinawag ko xa lumingon xa "thanks!"..nagsalute lang xa ulit at pumunta ulit sa pwesto ng mga bata

okay..kailangan ko ng kumain..LAFANGAN NA!!






Nang matapos ako kumain..sakto naman na natapos na ang mga magic tricks na wala na akong paki..pinatawag na ako sa unahan..nang itanong ko kung ayos lang ang make-up ko..si ezelle na mismo ang nagretouch tapos tumango na xa..pumunta na ako sa unahan..nandun na ulit si kuya..

"ngayon po..kahit..children's party ang theme ng birthday party na ito..mas maganda naman po di ba..na maglagay po tayo kahit konting pang debut talaga..ang 18 candles at ang 18 roses"

nyak? May ganun?

"simulan po natin sa 18 candles..ang una..ang ina ng debutant..Mrs. Isabella Grzybowski"

nagpunta sa unahan ang aking ina at kumuha ng kandila at humarap sa akin

"Anak..alam kong ayaw mo sa mga ganitong bagay..kahit ako..ayaw ko din umimik ng ganito sa harapan ng napakadaming tao..pero dahil kailangan..gagawin ko" napatawa ako..ang inay talaga "ang dating kinakarga-karga ko lang at laging nagpupoopoo sa upuan nya (yuck!kadiri..sinabi pa talaga yun??) ay isang dalaga na talaga..alam kong napakadaming hirap ang dinanas mo..pero alam kong ngayon..masaya ka na..walang magulang na gustong masaktan ang anak nya..pero walang magulang na gustong maging mahina ang anak nya..at alam kong..kayo ng kuya mo ay naging matatag at nakabangon..kahit hindi kami tumulong ng ama nyo..gusto ko lang na sabihin sa inyo na..hindi man kami ang perfect na magulang..para sa amin..kahit anong mangyari..kayo ang perfect na mga anak..Happy birthday anak..ang hiling ko sana..sana magpakatatag ka pa sa lahat ng mga mangyayari pa sa buhay mo..ang kasiyahan ng isang tao ay nasusukat sa lahat ng nagawa at naiinda nya sa buhay nya..success is sweeter after the thousand burden you felt..I love you anak..and we're so proud of you"

Niyakap namin ni kuya ang inay na umiiyak na..pasaway..napaiyak tuloy ako..buti na lang at water-proof ito!

Ang daming nagsalita pa..after ng inay,mga kabarkada ko.. (jhas,lhen,kristel,den,hannah,ezelle,marriel,telli,lynette,clarence).. tapos mga pinsan ko (sina ate rhian,ate mira at yung mga dalawang maliliit kong pinsan)..si ate faye..isa kong tita..infairness..ang dami nilang binuking sa akin..pambihira..pahiyain ba naman ako??pero bumawi sila sa mga wishes.. at ang huli..si Lola

"apo.." napangiti ako kay lola "alam mo naman kung gaano kami kaproud sayo di ba? Ang apo kong pasaway at handang makipagbugbugan" nagsitawanan ang lahat..lola naman! "ay dalaga na..kaso..isip-bata pa rin" nagsitawanan ulit "pero kahit ganyan yan..si Iexsha..mahal na mahal ko yan..masaya ako ngayon dahil nakikita ko..maraming nagmamahal sa kanya..at alam ko na mahal na mahal nya rin tayo..sa mga narinig ko.. pakialamera pero kapag kailangan mo ng kaibigan, asahan mong nandyan xa.. maingay pero kapag kailangan mo ng isang matinding comfort..handa xang tumahimik para pakinggan ka.. napakadaming traits si Iexsha..whether good or bad ang dahilan kung bakit natin xa minahal..Apo.. ang tanging mahihiling ko lang ay maging masaya ka..tandaan mo ang payo ko lagi sayo..puso mo ang magdidikta pagdating sa kaligayahan..mahal na mahal kita apo..Happy birthday"

niyakap ko si Lola at pinunasan ang mga luhang napatak sa pisngi nya..nagthank you ako tapos nagpatuloy na ang program..

"blow all the candles..sana lahat ng wishes na narinig natin..matupad" sabi ni Nurse E.

hinipan ko na lahat at nagpalakpakan na sila..

"ngayon naman..18 roses..for the first dance..the brother and her escort for this event..Mr. Iexzel Lyle Grzybowski"

Tumayo na ako sa upuan ko at sumayaw na kami ni kuya..naririnig ko ang basic waltz sa background..masayang-masaya ako ngayon

"ang baby sister ko..dalaga na"
napatawa ako "kuya-"
"Brave..basta tandaan mo..kahit na napakadaming lalaki sa buhay mo..kami pa rin ng tatay ang original prince charmings mo"
"oo naman kuya..love you kuya"
"love you too..brave"
"kuya..sino ang may pakan-"

"The next dance..the father of the debutant..Mr. Kyle Grzybowski"

lumapit na ang aking ama sa akin..bumalik na si kuya sa pwesto nya kanina..asar!hindi ko pa xa natatanong eh!

"tatay" bati ko sa akin ama
"parang dati lang..ako pa ang nagpapalit ng lampin mo..ngayon..dalaga ka na"
"tay naman ihh..ako pa rin ang baby girl nyo!"
"alam ko..anak..tama ang inay mo pati ang Lola mo..mahal na mahal ka namin..and we're so proud dahil ikaw ang anak naming at apo ng Lola mo"
"....."
ewan ko..basta kapag ama ko na ang nagsasalita..mas pinipili ko na tumahimik na lang at ifeel ang lahat
hinalikan ako ng ama ko sa noo sabay sabing "my little fairy..sana maging masaya ka lalo mamaya"
huh? "ano pong-"

"A cousin of the dubutant, Allan Mercado"

sumunod kay kuya Allan ay si Seth(na nagpapasalamat sa akin dahil daw nakilala nya si kristel..pakulo nitong si seth!haha), si Patrick, si ken at jc( yung dalawa kong bulinggit na pinsan..susko..sumakit ang likod ko para makasayaw lang sila!)..3 kong tito na mahal na mahal ko..2 kong pinsan (na kanina pa ako kinukulit para ibigay ko ang number sa kanila nina Hannah at den..wiwit)..mga 2 present kong kaklase noong highschool,si Yvan na kaibigan ko noon pa..

"16th dance..a close friend of the debutant..Mr. Yueh Fujisawa"
lumapit sa akin si Yueh..

"Itachi" ngiti kong bungad sa kanya
"Tinkerbelle" OO NGA! Para akong si Tinkerbelle!hala..may naalala tuloy ako..

"ako si tinkerbelle..xa ang peterpan ko..at si Sydney..ang Wendy nya..Kahit anong tulong ang gawin ni Tinkerbelle..sa puso nya..Si Wendy pa rin"


naalala ko yun..sobra..haha

"hindi ko naman kailangan pa na paiyakin ka ano?" tanong ni Yueh
napatawa ako "ano ka ba..hindi na yun kailangan..masaya ako na kasayaw kita..alam mo naman na importante ka sa akin"
"alam ko..ikaw ang fairy ng buhay ko di ba?"
napatawa ako "at ikaw naman ang Itachi ng buhay ko"
"I'm so happy to be your friend"
"so am I..yueh..so am I"

"the second to the last dance..one guy that is so important to the debutant"

umalis na si Yueh..masaya ako kasi alam kong masaya na ang kaibigan ko..ako na lang ang naiiwan sa dance floor..tumingin ako kay Nurse E. naghihintay kung sino ang kasayaw ko..

pero parang hindi na xa magsasalita..

tapos bigla na lang may nagpoke sa likod ko..pagtingin ko..

O_O


NA NAMAN!!!!!


"SPONGEBOB??"
tapos tumingin ako kay Nurse E. "Sigurado kayo?"
ngumiti lang xa at tumango

BAKIT XA???nang-aasar ba kayo..important to me daw..SI SPONGEBOB????MGA BALIW!!!

Sinamaan ko ng tingin ulit si spongebob..wala na muna akong paki kung binigyan nya ako ng lafang kanina..BAKIT XA ANG ISASAYAW KO????

"BUKSAN MO ANG ZIPPER SA LIKOD!" huh?ano daw? Ang daming sumisigaw
"DALI!!KANINA PA YAN NA GANYAN ANG SUOT" hindi ko na talaga sila maintindihan
"SPONGEBOB..TUMALIKOD KA NA..IPABUKAS MO NA SA KANYA YUNG COSTUME"

Tumalikod nga xa sa akin..nasa harap ko..ang pagkahaba-habang zipper..

"bubuksan ko ito?" tanong ko
"OO!!!"
fine..hindi nyo naman kailangan sumigaw di ba?

So.. ssssssshhhhhhiiiiiinnnnngggggg!!!binuksan ko na yung zipper..

"TALIKOD!"
huh?
"TALIKOD IEXSHA!"
okay?

Tumalikod ako..naramdaman kong may pumunta sa likod ko at tinulungan si spongebob..

Ang tagal..

"TINGIN NA!"
at pagtingin ko..


O_O


O_O


Napahawak ako sa bibig ko..

OHMYGOSH!! OHMYGOSH!!OHMYGOSH!!OHMYGOSH!! OHMYGOSH!! OHMYGOSH!!OHMYGOSH!!OHMYGOSH!! OHMYGOSH!! OHMYGOSH!! OHMYGOSH!!OHMYGOSH!! OHMYGOSH!! OHMYGOSH!!OHMYGOSH!! OHMYGOSH!!

Ang lalaki behind that costume..





"Hi.. Eggplant"

SHILOH????????????!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

e

Spaces To Fill Book 3: Keep Holding On (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon