Chapter 122
Normal POV
Madilim..
Yun ang una kong napansin ng magising ako..
Alam kong nasa kama ako ngayon.. At nasa private resort pa rin nina Denise dahil sa ingay ng dagat..
Pero.. Hindi iyon ang talagang inintindi ko..
Pinikit ko ang mga mata ko.. At inilagay ulit ang mga kamay ko sa puso ko
Hindi ako nagtataka ng nararamdaman ko pa rin itong tumitibok.. Pero ang pagtibok nito ay hindi katulad ng dati.. Hindi man.. Physically.. Alam kong..
Ang pagtibok ng pusong durog na.. Ay mas masakit at mahirap sa pusong butas..
Alam kong umiiyak na ako.. Pero kanina.. Walang luhang pumatak sa mga mata ko.. Siguro dahil alam ng puso ko na.. Oras na umiyak ako.. Baka mas maging mahapdi sa akin nag lahat
Pero alam ko.. Kalokohan lang iyon dahil.. Wala ng tatalo sa hapding nararamdaman ko..
Unti-unti.. Napansin ko na lang ang sarili ko na lumabas ng kubo.. Wala na ako sa sarili ko.. Naglalakd lang ako na tulala at wala ng pumasok sa utak ko..
Pati ang dagat.. Madilim na rin.. Unti-unting lumapit ako doon..
Naglakad ako ng naglakad.. Hindi ko napansin na hanggang dibdib ko na ang tubig..
Pumikit na ako ulit at.. Binagsak ko ang sarili ko sa tubig..
Dumilat ulit ako.. Unti-unti.. Nararamdaman kong unti-unting hindi na ako makahinga.. Pero.. Wala na rin ako paki..kung mamamatay ako ngayon.. Wala na rin akong paki..
Gusto kong umiyak.. Pero alam kong non-sense ang lahat.. Hindi nakikita ang luha sa tubig.. At nagpapasalamat ako dahil doon..
Alam kong kasalanan ang magpakamatay.. Alam kong kaduwagan ang lahat.. Pero.. Wala akong pakialam doon..
Ang buhay ko.. Wala na.. I lose the hope i have..
Bro.. Sorry.. Gustuhin ko man po na mabuhay pa.. Pero.. Tao lang po ako.. Nasasaktan.. At sumusuko..
Sorry..
Nang alam kong katapusan ko na.. Naramdaman kong may humigit ng kamay ko at inihaon ako..
Minulat ko ulit ang mga mata ko.. Pero imbis na madilim na langit nag makita ko.. Isang tao na nag-aalala ang nasilayan ko..
"S-Shiloh" mahina kong sabi "buhay pa pala ako"
"ANO BA ANG NASA ISIP MO AT MAGPAPAKAMATAY KA???"
Pinilit kong itaas ang kamay ko at punasan ang mga luha sa mata nya.. Kahit basa xa.. Kitang-kita ko pa rin kahit madilim ang mga luhang iyon dahil sa liwanag ng buwan.. Nakahiga ang ulo ko sa may lap nya "wag kang umiyak.. Shi" mahina ko pa ring sabi "tama ng ako na lang ang umiiyak"
"hindi mo lang alam kung gaano ako natakot ng makita na lang kita na papunta sa dagat at wala sa sarili.. Tinakbo ko talaga para maabutan ka.. Pero nasa dagat ka na ng maabutan kita.. BUMITIW KA NA SHA!! MAMAMATAY KA NA DAPAT!! HINDI MO BA ALAM KUNG GAANO KO GUSTONG SUMUKO NG MAKITA KANG GANUN?"
"hindi ka pwedeng sumuko Shi.. Masyado kang matatag para doon.. Hindi katulad ko"
"TAMA NA IEXSHA!! Parang awa mo na!! Hindi ko kaya na nakikita kitang ganito!! Nasaan na ang Iexshang kilala ko noon? Yung matapang at hindi sumusuko?"
"wala na xa.. Shi.. Wala na ang Iexshang iyon.."
"PWES.. IBALIK MO!! HINDI LANG XA ANG BUHAY MO SHA!!! ISIPIN MO NA LANG PAANO ANG INAY? ANG TATAY? SI KUYA? ANG LOLA? MGA KAIBIGAN MO? AT AKO?? PAANO KAMI KUNG SUSUKO KA NA!"
"kaya nyong mabuhay ng wala ako.. Wala akong kwenta"
Kita kong gusto na nya ako saktan sa mga pinagsasabi ko pero nilabanan nya ang galit na iyon..
"tama na Iexsha.. Parang awa mo na.. Wag ka ng magsalita ng ganyan! Kailangan mong magpakatatag! Maraming nagmamahal sayo!!! Nasa paligid mo lang sila!"
pinilit kong tumayo.. Hinayaan lang nya ako.. Tiningnan ko xa
"PERO ANG TAONG MAHAL KO NASAAN NA XA??? WALA! INIWAN NA NYA AKO!"
"TAMA NA IEXSHA!!! KATANGAHAN NA IYAN!!"
"KATANGAHAN??? OO!! ALAM KO!! KATANGAHAN ANG MASAKTAN NG GANITO! KATANGAHAN ANG HALOS MAGPAKAMATAY NA!! PERO WALA AKONG PAKIALAM!!!" tinuro ko ang puso ko "KITA MO ITO?? DUROG NA DUROG NA ITO.. WALA NA.. WALA NG NATIRA.. NAPASAKIT NG LAHAT SHILOH!! ALAM MO BA ANG PAKIRAMDAM NG ILANG BESES INIWAN??? ALAM MO BA ANG PAKIRAMDAM NG ILANG BESES NA NAGPAKATANGA AT NANIWALA NA IKAW LANG TALAGA AT MALALAMAN MO NA XA PA RIN PALA??? DALAWANG BESES!! DALAWANG BESES AKONG GINAGO NI AIDAN.. PARA KAY SYDNEY!!!! HINDI MO BA ALAM KUNG GAANO KASAKIT NA.. KAHIT NA ANONG GAWIN KO.. KULANG PA DIN.. DAHIL XA PA RIN ANG BINABALIKAN NYA!!!!"
"PERO HINDI YUN SAPAT PARA MAGPAKAMATAY!! MASYADONG MABABAW IYON PARA KUNIN MO ANG BUHAY MO!!"
"MABABAW????? KUNG ITO ANG MABABAW.. BAKIT HALOS MABALIW NA AKO???!! MABABAW??? ITO ANG MABABAW??? MABABAW NA PALA NA MASAKTAN AKO NG GANITO??!! SHILOH!!! MABABAW BA NA ANG TAONG HINIHINTAY MO AY HINDI NA PALA BABALIK SAYO??? NA HINDI MO MAN LANG ALAM ANG LAHAT!!!!! MABABAW BA KUNG ANG TAONG PINAKAMAMAHAL MO MAGPAKASAL SA IBA?? P*TANG IN*NG MABABAW YAN!!!! ALAM MO BA NA ANG LAHAT NG SAKIT NA TINIIS KO.. LAHAT NG PANGUNGULILA.. LAHAT NG LUNGKOT.. NAGIPON-IPON!! HINDI NA NGA AKO MAKAHINGA SA SOBRANG SAKIT!!!! TAPOS SASABIHIN MO MABABAW????!!!"
"IE-"
"HAYAAN MO MUNA AKO MAGSALITA SHILOH!!!" tumahimik xa "ALAM MO BA KUNG GAANO KAHIRAP NA IPAMUKHA SAYO KUNG GAANO KA KATANGA????!!! XEMPRE HINDI!! WALANG NAKAKAALAM NG SAKIT NA NARARAMDAMAN KO!!! DAHIL AYAW KO KAYONG MADAMAY LAHAT!! PERO PARANG KANDILA NA AKONG NAUUPOS!! WALANG-WALA NA AKO!!!ANG PUSO KO.. WALA NA.. DUROG NA DUROG NA DUROG NA!!! LAHAT NG BUTAS.. KAILANMAN HINDI NA MAWAWALA!!! ANG TANGA KO DAHIL NANIWALA PA RIN AKO SA MGA PANGAKO NYA.. SABI NYA.. HUMAWAK LANG AKO.. PAANO AKO HAHAWAK KUNG ANG HAHAWAKAN KO AY NAWALA NA???? NA HINDI NA AKIN ANG AKALA KO AY AKIN!! NAPAKASAKIT SHILOH.. SOBRA.. SA PALAGAY MO.. MAY BUKAS PA AKONG MAKIKITA PAGKATAPOS NITO?? KASI AKO.. WALA NA.. DAHIL ANG TANGA KONG PUSO.. XA PA RIN ANG TINITIBOK!!!!"
Hindi xa umimik kung hindi niyakap lang nya ako..
Sa yakap na yun..
Nawala lahat ng lakas ko.. Wala akong nagawa kung hindi mapaluhod ulit.. (kasama xa) at umiyak ng umiyak ng umiyak
"hindi mo ba alam na sa twing nakikita kitang ganyan.. Nararamdaman ko ang sakit sa puso ko?"Hindi ako umimik at umiyak na lang ako ng umiyak
"hindi ko hihilingin na wag ka nang umiyak.. Pero sana.. Oras na maubos na ng luha mo sa ngayon.. Hindi ka na ulit iiyak para sa kanya"
tumango ako
"at kung wala ka ng mailuha.. Hayaan mong.. Iiyak ko din ang lahat para kahit papaano ay makabawas sa sakit"
"salamat Shi.. Salamat.."
at inubos ko ang luha ko sa piling ng bestfriend ko..
Kung kaya lang sana ng bawat luha ubusin ang sakit..
Sana.. Nababawasan na ito sa dami ng iniyak ko.. Pero bakit wala pa ring epekto??
"kahit anong mangyari.. Kahit magbago ang takbo ng buhay natin.. Kahit na isang taon ito na mas mahihirapan tayo.. Isa lang ang gusto kong marinig sayo.. Just keep holding on.. Yun lang.. Lumaban ka na kasama ako"
kasi hindi naman pagluha ang paraan para hindi na masaktan..
Kung hindi ang bumitiw na..
Bumitiw na sa laban..
At lumimot..
Kahit mahirap..kahit masakit..
Tama si Shiloh.. Kailangan kong mabuhay..
"Shi..tama ka.. Kailangan kong kayanin.. Para sa lahat ng taong mahal ko.."
"mali Sha.. Kayanin mo.. Para sa sarili mo.."
ngumiti ako at pumikit..
Sa pagpikit ko.. Mukha ni Aidan ang nakita ko..
Hindi ko mapigilan ang umiyak dahil ang nakikita ko ay ang Aidan na minahal ko..
Lumalayo xa sa akin.. Pero hindi ko xa mahabol.. Dahil alam kong iyon ang tama..
Tama..
Kung ito man ang susi para mabuhay..
Wala man ang puso ko.. Tumatakbo man palayo sa akin
nandito ang 'sarili' ko.. Hindi ako iniiwan.. Xa lang naman ang hindi ko napapansin noon pa man..
Mabubuhay ako kahit na hindi buo
Maraming bagay na akala mo.. Ikaw lang ang nasasaktan..
Pero.. Hindi lahat ng akala mo.. Ganun yon..
Maraming sikreto na hindi pa nabubunyag..
Simula pa lang ito..
Sa susunod na part.. Ang simula ay ang katapusan..
End of Part 3!!!!!<�.x��nj
![](https://img.wattpad.com/cover/2767767-288-k213194.jpg)
BINABASA MO ANG
Spaces To Fill Book 3: Keep Holding On (COMPLETE)
Teen FictionKeep Holding on Minsan.. akala mo kuntento ka na sa buhay mo.. na masaya ka na sa mundo mo.. mahal mo xa at mahal ka nya.. sapat na.. pero minsan hindi mo aakalain na may isang sorpresa ang gugulat sayo.. hindi lang basta gugulat k...