Chapter 115

1.2K 24 1
                                    


Chapter 115

Normal POV

"SHILOH!!!!"
"huh? sino-IEXSHA!!" nagkamot xa ng ulo "ang aga mo namang manggulo!"
nabatukan ko nga ng isa "yan ang napapala ng laging nasa lungga! HOY SHILOH!! 11 NA!"
"11???" tapos hinila nya ako kaya napahiga na rin ako "wala akong paki.. tutulog na lang ulit ako.. alam ko naman na gusto mo rin yon.. tulog na tayo"
"shi-SHILOH!" mukhang nakadapa ako sa kama nya.. nasa may tabi lang nya ako at inihara nya ang braso nya sa likod ko kaya hindi ako makaalis
"wag ka nga maingay Sha.. hindi ako nakatulog kagabi" tapos mas dinag-anan nya pa ako "ang sarap mo talagang unan sha!"
"ANO??? SHILOH!!!!" kahit anong galaw ko hindi ako makagalaw "SHI! HINDI NA AKO MAKAHINGA!"
gumalaw xa ng konti kaya naialis ko ang pagkakadagan nya sa akin at nakaupo ako ng maayos tapos nakakita ako ng unan at
PAK! PAK! PAK! napaupo na xa at pinigilan ang unan na ipinukpok ko sa kanya "TAMA NA SHA! GISING NA AKO!"

Tumigil ako at ngumiti "bakit ba lahat ng lalaki.. ang hirap gisingin?"
"bakit?? sino pa ba ang ginigising mo? si Kuya Iexzel??"
"hindi ahh.. si Ate Faye ang alarm nun.. si Yueh ang tinutukoy ko"
sumimangot xa "so.. ginigising mo din pala ang butiking yun?"
"wag mo ngang tawaging butiki yun! ginising ko lang xa nung birthday nya.. grabe.. naalala ko kung paano ako nahirapan na gisingin xa.. kailangan ko pa xa sakyan para magising lang"
tumawa xa ng tumawa "huh! siguradong naospital ang butiking yun.. sakyan ba naman ng katulad mo!! hahaha"
"gusto mong sakyan din kita????" pagbabanta ko sa kanya
ngumiti xa "charot lang!! char char!! ikaw naman din a ma-joke!"

tiningnan ko lang xa noon "bakit ganyan ka makatingin sha?"
umiling ako at ngumiti "akala ko nawala na ang baklang Shiloh na bestfriend ko"
pinalapit nya ako sa kanya at tumabi nga ako.. inakbayan nya ako "alam mo.. kahit na may nagmamay-ari na ng puso ko " tapos naramdaman ko na napabuntong hiniga xa "di ba sabi ko naman sayo.. hindi na mawawala ang pagiging bakla ko.. parte na ito ng pagkatao ko.. and I'm proud of it.. kahit sa mga taong alam ang totoo"
tiningnan ko lang xa "hindi ba naging maayos ang date nyo?"
"maliban sa MAY DALAWANG SUMUSUNOD.. ayos lang naman yung.. err.. kung ang tawag mo nga doon ay date.. bakit mo naitanong?"

"hay naku.. sabi ko na nga ba.. alam mo na sinusundan ko kayo.. buti at hindi kayo nagalit sa amin?"
"kahit papaano nga naawa ako sa kasama mo.. alam ko na hinila mo lang si butiki para tingnan kami"
"haha.. yaan mo na.. tinulungan ko naman xa sa pagpili ng regalo kay marriel.. magvavalentines na kasi"
"talaga? oo nga ano.. february na nga pala.. ang bilis ng panahon parang noong isang araw lang kakauwi ko lang.. so anong plano mo sa valentines?"
"ako?? wala.. siguro.. tatawagan ko lang si Aidan at kakamustahin xa.."
"balita ko.. last year.. talaga namang nagpadinner pa xa sa rooftop"
"oo.. nakakagulat nga noon.. alam mo naman na first time ko lang maexperience ang saya ng valentines"
"and yun ang last mo" tiningnan ko xa ng masama "I'm sorry.. hindi yun ang ibig kong sabih-"
"ayos lang" ngumiti ako "gets ko naman ang point mo.."
"pwede kita samahan sa valentines?"

tiningnan ko lang xa na parang naloloko na "nagbibiro ka ba? dapat kayo ni Jhas ang magkasama! para yun sa mga magsing-irog!"
"magsing-irog? ang tagalog naman nun!"
"wag mong baguhin ang usapan! Basta.. Kailangan maging masaya kayo ni jhas.. First time nya na magvavalentines na may.. Ehem.. Alam mo na.. Kaya dapat special.. Hmmm.. Sino pa nga ba? Ah.. Oo.. Sina seth at kristel din.. Pati si marriel at yueh.. Si ezeel at patrick.. Tapos si telli at johan din na inabot na ng anniversary.. Sino pa ba? Hmm.. Si kuya at si ate faye din.. Pati parents ko.. Hehe.. Dapat lahat maging masaya tayong lahat!"
"sigurado ka bang masaya ka sa araw na yun?"
"oo naman! naiisip ko na nga kung ilang oras na naman kami mag-uusap ni Aidan!" tapos parang nagdedaydream ako "besides.. pakiramdam ko laging valentines!"
"bakit.. dahil sa mga roses na araw-araw mong nakukuha?"
"yeah! di ba ang sweet nya.. ang sabi pa nga nya 'araw-araw may rose ka.. dadami ang mga rose mo bawat araw.. para yang pagmamahal ko sayo.. bawat araw.. bago.. bawat araw.. nag-aaccumulate.. nagrerenew..' o di ba.. ANG SWEET!!"
nagroll eyes lang xa "nalandi ka na naman"

binato ko ulit ng unan "nalandi ka dyan!! dati nga ikaw ang may gusto sa kanya.. tapos ngayon aka-"
pinigilan nya ako magsalita sa pamamgitan ng paglalagay ng isa nyang daliri sa may bibig ko (xempre sa labas naman).. at parang nagdilim ang aura nya "dati yun.. wag mong ibalik.. naasar lang ako"

inalis ko ang daliri nya sa may bibig ko "bakit ba ganyan ka kay Aidan? ayos naman kayo nang umalis ka.. papa aidan pa nga ang tawag mo sa kanya"
"matapos ka nya saktan palagi? Wala na akong paki sa kanya, oras na saktan nya ikaw ul-"
It's my turn para ilagay ang daliri ko sa may bibig nya "gumagana na naman ang pagiging over-protective mo shi.. hindi na nya ako sasaktan"
Inalis din naman nya agad "at paano mo nasabi?"
"teka! bakit ba napapunta sa akin ag usapan.. parang kanina lang sa inyo ni Jhas ang topic natin!"
"wag ka nga magbago ng topic sha! wala ka bang maisagot huh?"
"alam mo Shiloh" panimula ko "gaya nga ng sabi ko sa interview.. it's just a matter of trust"

tumayo na si Shiloh "please Iexsha" Pumunta xa sa isa nyang cabinet at kumuha ng mga gamit "hindi mo man sinasabi sa akin.. pero alam ko.. wala kayong communication ngayon ano?"
nanigas ako.. parang natuyo ang lalamunan ko.. "hi-hindi kaya!"
tumingin xa sa akin.. nakita kong kumuha xa ng mga damit "bestfriend mo ako Iexsha.. please lang.. alam ko kung nagdedeny ka! so kailan ang huli nyong pag-uusap?"
napatungo ako "fine.. aaminin ko na.. noong new year"
"NEW YEAR?????? MAGVA-VALENTINES NA AH!! GANUNG KATAGAL???"
"ang oa mo naman! busy lang yun"
"busy?? sana naman atleast.. tinetext ka nya!"
"bakit.. noon naman.. minsan ka lang din magtext o tumawag sa akin"
umupo xa ulit sa may kama nya.. inilapg nya yung mga kinuha nya sa desk na malapit sa kama nya hinawakan nya ang isa kong balikat "iba naman ako sha.. bestfriend mo lang ako.. kahit ipilit ko" lumungkot ang mukha nya "wala akong karapatan na icheck ka lagi.. pero xa.. xa ang boyfriend mo for pete's sake! Dapat kahit once a week tinatawagan ka nya.. hindi yung once in a blue moon!"
"hindi naman sa ganun shi.. alam kong busy talaga xa.. and besides.. nandyan naman yung mga roses nya para icheer ako araw-araw!"

"pero hindi lang rose ang kailangan mo.." umiling xa "kaya nga ayaw ko sa kanya.. hindi kayang tumbasan ng sangkatutak na roses ang dapat na presence nya"
"pero hindi naman ako nagrereklamo"
"at yun nga ang masama" tumayo na ulit xa at tinapik ng mahina ang pisngi ko "masyado kang mabait para sa isang taong katulad nya na laging nanakit ng mga taong dapat mahalin lang" tapos pumasok na xa sa banyo para maligo

Naiwan ako sa kama nya at pilit inaalis ang mga pinagsasabi ni Shiloh sa utak ko.. Nang alam kong ayos na ulit ako tumayo ako para tingnan ang ilang gamit nya.. Lagi akong nandito noon kaya lagi kong nakikita ang gamit nya.. Mas gusto ko lang makita kung may nagbago ba.. Nga pala.. Kung nagtatanong kayo kung nasaan ang parents at yung kuya nitong si Shiloh.. Wala sila ngayon.. Ang alam ko pag linggo kasi naggro-groceries ang parents nya.. Yung kuya nya.. Ewan.. Haha

Napatingin ako sa bookshelves ni Shiloh.. Tama.. PLURAL.. Madami talagang libro si Shiloh.. Pero puro ito kung hindi biography ng kung sinong sikat na personality (hindi sa showbiz) like Mahatma Gandhi at kung sinu-sino pa.. May nakita na nga rin akong kay Pres. Obama! Ay mga law books.. Grabe ang dami! May nakita pa nga akong mga libro nya sa Univ. Of Manchester.. Nang binuksan ko.. Binalik ko ulit.. Nagnonosebleed agad ako!!

Nakita ko ang mga collections din nya ng mga cds.. Halos lahat ng fave ko.. Fave din ni Shiloh.. Yun din ang rason kung bakit kami naging magbestfriend.. Well except Japanese songs.. Ang daming bago at naiisip ko na kung pwedeng manghiram ako! Hehehe.. Puro orig ito!!

Napatingin ako sa iba pang collections ni Shiloh.. Mahilig din kasi xa sa chickflicks.. Natatawa nga ako kung bakit hindi xa nahalata noon.. Dito pa lang sa pangongolekta nito.. Hmm.. Halata na!

Pero ang isang proud ako sa collection ni Shiloh ay ang collection nya ng iba't ibang cross pendant.. Nakita ko yung binigay ko sa kanya noong Christmas.. Nasa gitna ito.. Isang silver cross na may mga nakasulat na dasal in latin.. (take note.. Sa net ko din xa binili! Kaya wag kayong magtaka kung wala na akong pera. Hehe). Actually, hindi ko alam kung bakit xa mahilig dito.. Hindi naman xa ganun ka active as a catholic.. Pero para daw sa kanya.. Hindi man xa nakakasimba palagi.. Yung mga cross pendants na meron xa ay ang panata na nya.. Sabi pa nga nya dati.. Kapag nakaipon na xa ng mga 500 plus na cross pendants.. Papayag daw xa na magkaroon ng exhibit.. Hehe..

Nang makarating ako sa study table, marami akong nakitang libro na ginagamit nya sa school.. hindi ko na dapat yun pakikialamanan pero may napansin akong isang box na nasa taas ng iba pa nyang libro.. isang black box.. kasing laki xa ng shoe box.. nacurious ako kung ano yun kasi first time ko yun nakita.. pero pinigilan ko ang sarili ko..

Nakita ko yung isang aacounting book sa ilalim noong box at yun ang kinuha ko.. pero dahil nga sa ka-careless ko.. hindi ko nakuha ng maayos yung libro at nasagi ko yung box..

"Sh*t!!" lagot ako kay Shiloh!!!

Aayusin ko sana yung laman nung box at ilalagay sa itaas ulit pero unti-unti akong napatigil at nagulat sa nakita ko.

O_O

Sangkatutak na sulat at.. Lahat ng yun..

Nakapangalan sa akin..

ANO ITO???

Alam kong masama kasi nakikialam na naman ako pero.. Teka.. PANGALAN KO YUNG NASA ENVELOPE!! Kaya ang ibig sabihin.. Hindi ako nakikialam! Akin ang mga sulat!!!

Kahit na pinipigilan ako ng kunsensya ko na tingnan ang mga sulat.. Wala akong nagawa kung hindi buksan ang isa doon.. BAHALA NA KUNG MAHULI NI SHILOH!!!

Binuksan ko yung isa at binasa ko..

Sha..

It's been weeks since I left you.. Alam mo ba kung gaano na kita sobrang namimiss?? Pakiramdam ko na para bang naiwan ko ang kalahati ng pagkatao ko dyan.. Mali.. Scratch that.. Naiwan ko ang puso ko dyan..

Sha.. Hindi mo ba kung gaano ako kasaya at nakilala kita.. Hindi mo ba alam na ikaw ang saving grace ko? Without you.. Baka wala na ako.. Hindi mo ba alam kung gaano ako nagpapasalamat kay bro at ikaw ang nakakita sa akin noon? At simula noon.. Bawat araw.. Kahit hindi pa tayo magbestfriend.. Hinihintay ko na kulitin mo ako at pasayahin..

Sana nandyan ako ngayon para pasayahin ka.. Para makasama ka ulit.. Sha.. How I wish.. Talagang maibibigay ko ang mga sulat na ito sayo.. Pero alam ko na.. Hindi ko kaya..

Nga pala.. Natanggap ako sa University of Manchester! Grabe.. Kahit papaano may magandang nangyari sa akin! Sana makausap kita para masabi ko lahat ng ito..

Your okra,
Shiloh

Ibinalik ko yung sulat sa envelope nito at napangiti.. Shiloh.. Bakit hindi mo ito ipinadala sa akin? Hindi naman kita lolokohin na oldstyle! Makulit nga mamaya.

Ilang sulat pa ang nabasa ko.. Pero mas maiikli.. Pasalamat na lang at matagal talaga maligo si Shiloh.. Iba't iba.. Para ngang diary.. Ang hindi ko lang maintindihan ay ang lagi nyang sinasabi na naiwan nya ang puso nya dito..

May isa pa akong sulat na nabasa.. Dito sa sulat na ito napaiyak ako..

Sha..

Alam na nila.. Alam nila na bading ako.. Galit na galit si papa.. Halos patayin na nya ako kung hindi lang humara si mama.. Si kuya naman.. Mas lalo pa ako idinidiin.. Ang dami nyang sinasabi na hindi totoo.. Gaya ng nagdala na daw ako ng lalaki dyan at dito.. OO BAKLA AKO!! OO NAGKAKACRUSH AKO SA KAPWA KONG GUY.. PERO NEVER KO YUNG GAGAWIN!! MAY RESPETO AKO SA BAHAY NG MGA MAGULANG KO!!!

Pero hindi ako pinaniwalaan nina papa.. Sha.. Sinaktan nila ako! Binugbog! Binantaan na kung hindi ako magpapakatino.. Hindi na ako mag-aaral!! Ilang araw ako naging palaboy dito sa London.. Halos mamatay na ako sa lamig.. Wala akong kaibigang mapuntahan dahil winter break noon at lahat sila umuwi sa mga bahay nila na hindi ko naman alam kung nasaan..

Noong akala ko mamamatay na ako.. Hinanap ako nina mama.. At ibinalik sa amin.. Pinatawad ako nina papa.. Pero ipinangako ko kay papa na pipilitin ko maging lalaki basta wag lang nya ako ipadala sa military school.. At pumayag naman si papa.. Pero si kuya.. Ilang gulo pa ang nangyari bago nya natanggap ang desisyon sa amin..

Kung nandyan ako.. Sigurado.. Ikaw ang unang pupunta sa akin para tulungan ako.. Ikaw ang unang yayakap sa akin para sabihing magiging maayos din ang lahat.. Sha.. Kung nandyan ako.. Alam ko.. Mas kakayanin ko.. Pero wala..

Alam mo ba habang nasa kalsada ako ng London.. Ang tanging nagpapatatag lang sa akin ay ang boses mo.. Yung tone ko sa cp ko.. Kaya hindi ako sumuko kasi alam ko.. Hindi mo magugustuhan na yun ang gawin ko..

Sha.. Ngayon.. Kinakaya ko pa rin.. Hinihintay ko na makabalik na ako dyan..

Shi

Umiyak ako ng umiyak noon.. Ewan ko.. Hindi ko kayang hindi pigilan ang mga luha ko.. Hindi man lang nya sinabi na ganun pala ang nangyari sa kanya! Kung alam ko lang! Kahit na magmakaawa ako sa ama nya sa phone.. Gagawin ko para maayos lang ang gulo!! Pagbalik ni Shiloh.. Yayakapin ko talaga xa! Sasabihin ko kung bakit hindi nya sinabi sa akin ang nangyari sa kanya!

Nagtingin pa ulit ako ng ilang sulat.. Sobrang dami! Pero hindi ko na binasa.. Ibabalik ko na sana yung mga sulat kaso nakakita ako ng isang kakaibang sulat..

Actually.. Hindi ang design ang napansin ko.. Kung hindi.. Gusot na gusot ito.. Binuksan ko nga.. Dahan dahan at baka mapunit ko

Sha

Hindi ko alam kung anong katangahan ang sumapi sayo at nalaman ko na kayo na nung tangang si Aidan! Parang noong isang araw lang umiiyak ka dahil nagkakagulo dyan.. Sinipa mo pa! Tapos ngayon.. Kayo na?? Ewan ko sayo Sha! Pero kung tutuusin.. Mas gusto ko na ito.. Alam kong masaya ka kesa umiiyak ka.. Hindi ko yun kaya..

Sha.. Alam mo.. Galit na galit ako ngayon! Galit ako kasi tanga ako dahil iniwan kita! Kung nandyan ako.. Alam ko.. Mapipigilan ko ang pag-iyak mo!! Pero ano ang magagawa ko? Xa ang mahal mo.. Ako.. Bestfriend mo lang..

Alam ko naman na hindi ko ito mapapadala sayo.. Kasama ng napakadaming sulat na nasa akin pa.. Kaya pwede ko dito aminin lahat.. Siguro nga baka kahit papaano.. Mailalabas ko ito

Iexsha.. Hindi ko alam kung kailan.. Kung kailan nagsimula ang lahat.. Nung makita mo ako habang nagkakagulo na? Nung kinausap mo ako at nag-hum ka ng true colors? Nung lagi kang nakangiti habang nakikita kita? Nung naging magbestfriend tayo? Nung nakita kitang unang umiyak dahil kay Rye? O nung nakita kitang masaya kasama si Aidan? Hindi ko talaga alam..

Noong una hindi ko maintindihan nag nararamdaman ko.. Tuwing nakikita kita at ngumingiti ka sa akin.. Para bang gumagaan ang lahat.. Kahit na anong sama ng araw ko, mawawala xa basta nakita kita.. Hanggang nararamdaman ko na lang na para bang tuwing nakikita kita bumibilis ang tibok ng puso ko.. Pero hindi ko yun pinansin dahil nararamdaman ko rin naman yun sa iba.. Lalo na kapag gwapo ang lalaki!

Pero noong una kitang nakitang umiyak.. Dun sa fave nating spot.. Doon.. Doon ko nalaman na hindi ko kayang makita ka ulit umiiyak.. Para kasing hindi talaga bagay sayo.. Napakatapang mong babae para umiyak lang.. Doon, ipinangako ko sa sarili ko na hanggat kasama kita.. Hindi ka na ulit iiyak

Pero ng malaman ko ang tungkol sa inyo ni Aidan.. Doon.. Doon ko nalaman.. Nagseselos ako.. Nasasaktan ako.. Habang nakikita ko kayo na masaya.. Hindi ko mapigilang hindi magalit kay Aidan.. Sayo.. Kaya bago pa kita masaktan ulit.. Lumayo ako..

Nang nakita kitang umiiyak bago ako umalis.. Sampung beses ang sakit na naramdaman ko.. Kasi alam ko.. Ako ang dahilan ng bawat luha.. Nang bawat sakit! Hindi mo lang alam kung gaano ko ginustong yakapin ka at kulang na lang ilagay kita sa maleta para isama ko sa London!

Nang nandito ako sa London.. Ilang linggo akong walang ginawa kung hindi magkulong sa kwarto.. Bawat araw na yun, ang tangi kong ginagawa ay tingnan ang picture mo at pakinggan ang boses mo.. Alam mo ba kung bakit ako nagising sa pinaggagawa ko? Nung malaman ko kay Jhas na wala na nga kayo ni Aidan and your really falling for that jerk..

Sabi ko sa sarili ko.. Pasalamat talaga xa at wala ako dyan kung hindi napatay ko na xa.. Hindi ba nya alam kung gaano xa kaswerte dahil ang taong katulad mo ay mahal xa?? Hindi ba nya alam kung anong ipinagpalit nya sa kalbong yun? DIAMOND!! Pinagpalit nya ang DIAMOND na katulad mo sa pwet ng baso!!

Hindi nya alam kung gaano ko ginustong ako xa.. Dahil mahal mo xa.. Hindi nya alam na ibibigay ko ang lahat.. Ako lang ang mahalin mo..

Bakla ako.. Oo..

Pero I'm in love with a girl.. And that girl..

Is my only bestfriend..

I'M IN LOVE WITH YOU!! MAHAL NA MAHAL KITA IEXSHA!! MAHAL NA MAHAL!!!

Hindi ko alam kung kailan nagsimula.. I really don't know.. At wala akong balak na sabihin ito.. Masaya na ako kung ano tayo..

Basta ba wag ka lang nya sasaktan dahil tutuparin ko ang pangako ko sa kanya.. At sayo..

Kapag sinaktan ka nya ulit..

Pagbalik ko.. Babawiin na kita.. Babawiin ko ang puso mo sa kanya..

I love you..

Shi
.........

Parang bumagsak ang lahat sa akin noon.. Wala akong magawa kung hindi mas umiyak.. Nakalimutan ko na ang mga unang sulat nya..

Ito lang ang tumatak..

Pakiramdam ko.. Gumuho ulit ang mundo ko..

"Sha..paxenxa na at-"

O_O

"IEXSHA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

At doon ko lang nakita ang takot, gulat, galit sa mukha ni Shiloh.. Pero walang tatalo sa nararamdaman ko ngayon..

Spaces To Fill Book 3: Keep Holding On (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon