Chapter 109

1.1K 16 0
                                    


Chapter 109

Buong araw kaming tahimik lahat..bumalik si Marriel after ng klase namin sa Philosophy pero mabilis lang xa kasi kinuha lang nya ang bag nila ni Yueh..umalis agad si Shiloh pagkatapos ng klase..naiwan kami ng mga kabarkada ko..hindi nila tinanong ang nangyari at dumerecho na kami sa next class na kung saan late pumasok si Marriel..

Nang lunch namin kinausap ko si Marriel at Yueh nang makita ko sila na magkasama sa cafeteria..

"Yueh..marriel" nilingon nila ako
"upo ka" sabi ni marriel
umupo ako sa upuan na katapat ni Yueh "I'm sorry..Yueh"
tiningnan lang nya ako "hindi ikaw ang dapat magsorry"
"alam ko..pero ako na ang nagsosorry para sa bestfriend ko"
"Bakit ba xa ganun Iexsha?bakit nya binabalik ang nakaraan..ayos na naman tayong lahat" sabi ni marriel
"hindi ko rin xa maintindihan..marriel.."

"naiintindihan ko xa"
"yueh?"
tumingin lang xa sa amin ni marriel "bilang lalaki..naiintindihan ko ang mga ipinahihiwatig nya"
"ano?" sabay naming sabi ni marriel

"bilang lalaki..ang mga taong pinakamahalaga sa amin, oras na masaktan..hindi namin papayagang wala kaming magawa..hindi kami papayag na basta-basta na lang..alam kong ang tingin nya sa akin kanina..gusto nya akong suntukin..gusto nya sabihin na wala akong karapatang saktan ka iexsha..at nauunawaan ko xa"
"pero past na yun!"
"oo nga..pero ng mapag-isipan ko ang lahat..alam kong nasabi lang nya ang mga yun dahil sa naasar xa dahil ang isang hindi nya kilalang gaya ko ay sasaktan ang pinakamahal nya"
"pinakamahal??" tanong ni marriel

tiningnan lang ako ni Yueh "wala man ako sa posisyon na sabihin ito..pero..kahit 2 beses pa lang kami nagkikita..at sa dalawang beses na yun naramdaman ko kung gaano nya kamahal si iexsha"
"dahil magbestfriend kami!"

umiling xa "hindi sa ganun Iexsha..lalaki din ako Iexsha..alam ko ang pagkakaiba ng dalawa..ang pagmamahal na pang-kaibigan at ang pagmamahal para sa mahal mo talaga"

umiling ako..imposible.."hindi ganun yun yueh..nagkakamali ka"

bumuntong-hininga xa "ayos lang kung hindi mo ako paniwalaan..malay mo nga mali ako..pero sana..imulat mo ang mga mata mo.."

at narinig na namin ang bell..sabay na sabay na kami umalis..

pero bago kami umalis umimik pa ng isang beses si Yueh sa akin

"Iexsha..wag mo ng ulitin ang ginawa mo dati..wag ka ng magpakamanhid"



Nasa fave spot ako..mag-isa lang..nakatingin ako sa malayo..iniisip ko yung mga sinabi ni Yueh..

"...alam kong nasabi lang nya ang mga yun dahil sa naasar xa dahil ang isang hindi nya kilalang gaya ko ay sasaktan ang pinakamahal nya"

kalokohan..Yueh talaga..nagsasalita nang kung anu-ano..epekto lang yan ng nangyari ng umaga..

"hindi sa ganun Iexsha..lalaki din ako Iexsha..alam ko ang pagkakaiba ng dalawa..ang pagmamahal na pang-kaibigan at ang pagmamahal para sa mahal mo talaga"

"Iexsha..wag mo ng ulitin ang ginawa mo dati..wag ka ng magpakamanhid"

AAARRRRGGGGGGGGHHHHHHHHHH!!!!!

Kalokohan!!!!ASAR!!!!ANO BA YANG MGA INIISIP KO!!!!!

Ginulo-gulo ko ang buhok ko..asar!!!!!the best talaga si Yueh sa mga pakulo ng gaya ng ganun..

"at kailan ka pa naging bruha?"
napatingin ako sa nagsalita tapos tumalikod sa kanya "anong ginagawa mo dito?"
"galit ka pa rin ba?" alam kong tumabi na xa sa akin
"sino ba naman ang hindi magagalit sa ginawa mo kanina?" nakatalikod ko pa ring sabi sa kanya
"alam ko..and I'm so sorry..hindi ko alam kung anong sumapi sa akin kanina..o kaya..hindi ko alam na lumalakas na pala ang male genes sa katawan ko at bigla na lang ako nagfifeeling na lalaki"
humarap ako sa kanya na nakapout "Okra naman ihh!!"
"aba..tunay naman...uiii..bati na kami" natatawa nyang sabi
"alam mo naman na hindi kita matitiis"
dinutdot nya ang noo ko "kaya nga..the best kang bestfriend ehh"

"che!" tapos sumeryoso ako "hindi nga..ano bang nasa isip mo at nagsalita ng kung anu-ano kanina?"
sumandal xa sa sandalan ng upuan at humarap sa field "Hindi ko din alam..alam mo naman na basta tungkol sayo..nagiging action star ako"
hinampas ko nga "seryoso na kasi!"
"aray!fine! siguro ng maalala ko na umiiyak sa phone noon..yung tumawag ako..yung nalaman ko na nasasaktan ka dahil ayaw mo may masaktan..tapos nakita ko yung Yueh na yun na nagtatawanan lang kayo na para bang hindi ka nya sinaktan..doon lang ako nagalit"
"Shi naman..past na nga kasi ang lahat..happy na ang lahat..malapit na maging sila ni marriel.."
"alam ko..pero"
"shi..tama na..kalimutan na natin ang lahat.."

napatingin si Shiloh sa taas.. "kaya ka laging nasasaktan"
"huh?"
"mabilis mong kinakalimutan ang lahat..gaya ng kay Aidan..ilang beses ka na ba nya sinaktan?pero heto ka pa rin..minamahal mo xa"
"iba naman yun"
"walang pagkakaiba yun Sha..ipinangako sa akin noon ni Aidan..hindi ka na nya sasaktan..ipinangako nya yun bago ako umalis..pero ano ang ginawa nya..una..bumalik pa rin xa sa bruhang Sydney na yun..tapos yung kay Yueh..at ngayon..yung pag-alis nya na hindi nagpapaalam"
"pero kinakaya pa naman namin"
"hanggang kailan sha??hanggang kailan"
"PUMUNTA KA LANG BA DITO PARA PAIYAKIN AKO!!!!"

Inakbayan nya ako at inilagay ang ulo ko sa dibdib nya "I'm sorry..nag-aalala lang naman ako na baka masaktan ka ulit..wala kasi ako nagawa noon..ngayong nandito na ako..hindi na ako papayag na masaktan ka pa"
"thanks..Shi"

naalala ko may itatanong nga pala ako kay Shi
"bakla..paano mo nakuha yung mga regalo sa akin ni Aidan?"
"ahh..yun ba..nagkita kami sa france bago ako umuwi noon..gustuhin ko man xa bugbugin sa ginawa nya sayo..kaso ng makita kong nahihirapan din xa sa pagkakahiwalay nyo..e di xempre..hindi na ako nagpakakontrabida"
"thanks talaga shi!"
"oo na.."

"sana magbati na kayo ni Yueh"
"wag kang mag-alala..ako ang nagkamali..kaya ako yung magsosorry..sorry talaga ha..ayaw ko lang kasi na talagang nasasaktan ang eggplant ko"

"...alam kong nasabi lang nya ang mga yun dahil sa naasar xa dahil ang isang hindi nya kilalang gaya ko ay sasaktan ang pinakamahal nya"

AARRGGHHHHHHHHHH!!!!ERASE-ERASE!!!

"IEXSHA!"
"huh???"
"tulala ka dyan"
"wala" inayos ko ang upo namin
tiningnan lang nya ako na parang nagtatanong na'anong-problema-mo??' "wala pa rin pala nagbago dito"

"oo naman.." tumingin ulit ako sa field "tao lang naman ang nagbabago"
"pero..kahit naman magbago ang lahat..pati ang mga tao..may parte pa rin ng sarili nila ang nanatili kahit anong mangyari"
"parang friendship natin"
"tama..parang tayo.."


tapos napansin ko na lang na nagha-hum na ako
"tanda mo pa pala yan?" tanong nya
"paano ko ba naman hindi maalala ang kantang ito..ito ang song natin para sa isa't isa"
"tama"

Flashback!(ito yung isang pangyayari pagkatapos na malaman ni Iexsha na badinggerzi si Shiloh)

"oh..ano..nakita na naman kita dito" sabi ko kay Shiloh..nakita ko na naman xa mag-isa dun sa place sa tabi ng capilla
"sinusundan mo ba ako?alam mo naman na-"
"oo..hindi tayo talo..pwede ba?" nag-roll eyes ako
tumabi ako sa kanya..malungkot na naman xa..

naalala ko yung isang commercial sa tv..dove ba yun..haha..tapos napakanta na rin ako..

nang matapos ako kumanta..tumingin lang xa sa akin tapos ngumiti "thanks"
"sus..wala yun..di ba sabi ko sayo..sino pa ba ang tutulong sayo..kung hindi a-"
"hindi naman kita kaano-ano ahh.."
"e ano naman..atsaka..bestfriend mo kaya ako!"
tiningnan lang nya ako na parang naloloka ako.. "sinong may sabi?"
"ako!" tapos hinawakan ko ang kamay nya at pinag-pinky promise..

"bestfriends tayo forever and ever!!"
napatawa na talaga xa "sige na..ikaw na ang bestfriend ko!!"

Flashback ends!

Nakinig lang xa ng magsawa ako,tumigil ako..napangiti xa.. "tara na..uulan na ata..grabe..nag-hu-hum ka lang uulan na..ano pa kaya kung kumanta ka!!"
"che!" sabay hampas ko sa kanya!!

Tumawa lang xa at tumayo na para umalis..sumunod na rin ako..

G3kA3wVRmX�$y�mi�

Spaces To Fill Book 3: Keep Holding On (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon