Chapter 94

1.6K 26 1
                                    


Chapter 94

Lunes..kasama ko ngayon si Kristel..naghihintay kami dun sa meeting place namin nina Seth..at take note..alam nyo ba kung saan ako gustong interviewhin??

"Ayos talaga si Seth..nagresearch..alam nya yung tambayan ko" sabi ko
ngumiti lang si kristel..wushu..if I know..excited ang luka na makita si Seth!!

Kung iisipin mo..ang tambayang ito ay saksi na sa napakaraming event sa buhay ko at sa buhay ng mga tao sa paligid ko.. ito ang tambayan namin ni Shiloh..dito nya ako kinakausap kapag depress ako..hay..namimiss ko na talaga xa

"Dito ang tambayan nyo dati ni Shiloh di ba?" tanong ni kristel
"oo.." ngumiti ako..grabe..
"namimiss mo na xa noh?"
"super.."

sobra-sobra na talaga..gusto ko na nga xa tawagan sa England para sigawan dahil parang nakalimutan na nya ako..pambihira..NAMIMISS KO NA ANG BAKLA!!!!!!!!!!!!!

"may napapansin ako ngayon" sabi nya
humarap ako sa kanya "ano?"
"bakit parang mas lalong tumamlay si marriel?tapos absent pa si Yueh..hindi makausap ng matino ang babaeng yun..nag-aalala na ang lahat sa kanya"

hay..isa pa nga pala sa nasaksihan ng lugar na ito ay yung kina Yueh at Marriel

"sana talaga maging maayos na ang lahat sa kanila ni Yueh"
"may away na naman sila?"
"maliban sa as usual..iba ito sa lahat..gustuhin ko man sabihin sayo kaso wala akong karapatang magkwento"
ngumiti xa "I understand"

siguradong hindi magiging madali ang gagawin ni Yueh para ibalik si marriel sa kanya..para kasing isang vase ang puso..pag nabasag..oo pwede mong ayusin muli..kaso siguradong masusugatan ka para maayos lang ito..plus hindi na rin xa kasing ganda ng dati..ang puso naman kapag nasaktan na ng sobra..kung gusto mong ibalik muli sayo kailangan mong magtiis na masaktan..pero hindi ka pa rin sigurado sa magiging outcome..isa lang ang alam mo..hindi na ito magiging katulad ng dati..

"OH MY!"

nagulat ako kasi bigla na lang ako pinisil ng katabi ko..tapos grabe ang ngiti..pagtingin ko sa tinitingnan nya..

woah..

Isang kakaibang seth ang dumating..pambihira..ayos ang porma ah..kaya pala nagtagal..

Actually..nakauniform lang xa..ang kakaiba lang sa kanya..

"NICE HAIR!!" puna ko..ngumiti lang xa

Si Seth kasi dati..well..oo aaminin ko..he's cute pero parang goodie type of cute..alam mo yun?kung baga..parang totoy pa..dagdag pa..ang well..hehe..maliit xa..haha kaya lalo xang nagmukhang totoy tapos ngiti pa xa ng ngiti..kaya mas lalo xang naging good boy type

Pero iba ang Seth Mandena na nakikita namin ngayon

Maliban sa nagpagupit xa at take note nakagel..inalis rin nya ang salamin nya sa mata at nakacontacts ang Lolo mo!!atsaka..

"NANLIGO KA BA NG PABANGO?????" tanong ko sa kanya..grabe humahalimuyak eh!!

"hehe.." tapos tumingin xa sa katabi ko "buti naman dumating ka din kristel.."
"ahh..eh..ahh"

patay..ang Lola kristel mo nabangag na naman..

"Seth..paxenxa ka na dito kay kristel..natulala ata sa new look mo"
sumimangot xa "pangit ba?" tanong nya kay kkristel
"NAKU..HINDI!! ANG POGI MO NGA NGAYON!" tapos napatampal ang katabi ko sa bibig nya at namula
namula din si Seth "thanks..ikaw din..lalo kang nagiging cute sa paningin ko"

haynaku..don't tell me magbobolahan sila buong hapon dito..wahahaha

tumayo na ako "oh..xaxa..ang alam ko dito mo ako iinterview..pero paano?nakaupo tayo parehas dito sa bench??"

umayos na xa ng expression..sumeryoso na xa.."ang plano ko sana ay hindi xa normal na interview lang..pwede tayong maglakad-lakad habang iniinterview kita"
"sounds good.."tumingin ako kay kristel "ayos lang ba sayo?"
"oo naman..atsaka kung gusto nyo ako na ang maghahawak ng camera..kung hindi nyo naiitatanong mahilig ako kumuha ng videos"
"wow!that's great!sabi ko na nga ba..hindi ka ordinary girl..the best ka talaga"
ayan na naman po tayo.."ehem"

"so ganito..heto ang cam" binigay nya ang cam kay kristel..tinuro ang dapat gawin tapos ng maayos nila ang lahat..nagsimula na xa

"Good day!I'm Seth Mandena..at ang iinterviewhin ko ngayon ay ang famous Super Girl ng Accountancy department at ang isa sa mga may titulo ng the MOST CONTROVERSIAL LOVETEAM OF ST. JOHN BAPTISTE UNIVERSITY..Ms. Iexsha Kylie Grzybowski..Iexsha..batiin mo naman ang mga estudyanteng bumoto sayo para makuha ang titulong yun"

"........"
"Iexsha?"
"........"

"CUT!"

"Iexsha?" tawag ni kristel
"..."
"oh no..mukhang nashock pa si iexsha na iinterviewhin xa"
"oo nga..Iexsha.." naramdaman kong kinakalog ako ni Seth "patay"
"....."
"Iexsha!wag kang kabahan..ano ka ba..kaya mo yan..just be yourself..sagutin mo lang ang mga tanong ni Seth.."
"tama si Kristel Iexsha..hindi ka mapapahiya dito..promise..and besides..

nangako ako kay Aidan na this interview will be perfect..at hindi ko intension na ipahiya ka..promise"
"po-promise?"
ngumiti xa "oo naman..friends kaya tayo"

nakahinga ako ng maluwag.."paxenxa na ahh..sa totoo lang ayos naman ako kanina kaso ng biglang ininterview na ako..gusto kong tumakbo pero dahil nahihiya naman ako sa inyong dalawa..natameme na lang ako..hay.." pumikit ako "kung andito lang si Aidan..e di sana ayos lang sa akin"

"Di ba pinangako ko sayo na hindi lang ikaw ang iinterviewhin ko?wag kang mag-alala.. hindi ka iniwan ni Aidan na nag-iisa sa interview na ito"
"paanong-"
"shhh..abangan mo na lang kapag pinalabas na ito.. you can watch it" tapos ngumti xa kay kristel "ikaw din" ningitian lang xa ni kristel

ewan ko ba pero parang naniniwala ako kay Seth..saka kung andito si Aidan..hindi nya ako pababayaan..

"okay..simulan na natin ulit"
"okay!start na"

at sinumulan na naming ang interview session

(A/N: Ang interview po ay mababasa nyo po kapag pinalabas na po ito..gets?kung hindi..basta hintayin nyo na lang.)

After one hour..

"Pambihira!natapos din!!"
"oo nga..thanks talaga..siguradong konting editing na lang..papasa na ako dito"
"oo nga..ganda ng mga sagot mo iexsha..madami pala akong hindi pa alam sayo"
"haha..grabe pakiramdam ko nasa hotseat ako kanina..kahit actually.hindi naman tayo umupo ng matagal at laging naglalakad..nahihiya na nga ako sa mga nakakita"
"pabayaan mo sila..ang importante magugulat silang lahat sa pasabog mo!haha"
"loko..pasabog ka dyan..hoy pangako mo..ililibre mo kami ni kristel"
"huh?nakakahiya naman kay Seth"
"hay naku..alam mo naman kristel na.."
"na ano ha?" pang-aasar ko sa kanya

"na..importante ka sa akin"
wiwit..ayan na..nagsimula ng magparamdam si seth
"huh..pero..halos 3 meetings pa lang tayo nagkakasama"
"pero hindi naman yun sa panahon..hindi ko sinasabi na gusto na kita o something kasi mabilis talaga yun..ang sinasabi ko lang ay your important to me..at dahil doon gusto pa kita makilala pa..kung papayagan mo sana..pwede bang lagi kitang ihatid pauwi sa inyo?"
"huh..pero-"
"wala naman akong gagawing masama..ihahatid kita sa inyo ng buo..gusto ko ding makilala ang parents mo"

"HOY!MR. MANDENA!!ANG BILIS MO NAMAN ATA!!" puna ko
"hindi naman sa ganun..gusto ko lang talaga xa makilala pa.."
"text mo na lang xa kilalanin"
umiling xa "mas gusto ko na kilalanin xa personally..and besides.." hinawakan nya ang kamay ni kristel "ang babaeng katulad ni kristel ay hindi dinadaan lang sa text..she's too valuable for that"

WIWIT!!!!1000000 pogi points yun..

"ehem..siguro mas maganda kung kakain na talaga tayo..buti pa ang langgam nakakakain na..ANG SWEET KASI..kaso ang tyan ko hindi pa"

at nagtawanan kami..

so naglakad na kami palabas..Si Seth sa gitna namin..pero mas binibigyan ko sila ng space para sa kanilang dalawa..(lam nyo na..mapagkamalan pang chaperone ng mga batang ito..wahahaha)

Ilang saglit pa naririnig kong tumatawa si kristel sa isang knock knock na binitawan ni Seth..ako? ayun..umiiwas na lang ng tingin..bwaaahahahaha..ang corny

"o eto pa..knock knock" sabi ni Seth
"who's there?" si kristel
"ginabing kokey"
"ginabing kokey who?"
"Just dance..GINABING KOKEY..darap..doorup.."
"hahahahahahaha!!nakakatawa talaga"
"o heto pa..knock knock"
"who's there?"
"Pa-autoload, how much magkano"
"aba..mahaba yan ahh.. pa-autoload, how much, magkano who?"
"nothing's gonna change my love for you..PA-AUTOLOAD NAMAN, HOW MUCH, MAGKANO"
"wahahahahahaha"
"isa pa"
"hahaha..ang galing mo..o sige..ano pa?"
"knock-knock"
"who's there?"
"Civil War"
"Civil War who?"
"CIVIL WAR ang tunay na mahirap..CIVIL WAR ang tunay na may malasakit..CIVIL WAR ang may kakayanan at gumawa ng sariling pangalan.."
"wahahahahahahahahahahaha"

at nagpatuloy pa ang mga kakornihan nila..susko..dudugo na ang tenga ko..nakakaloka talaga

tumingin lang ako sa kanila ng parang nagsasabing 'tama na..parang awa nyo na..di ko na kaya' pero parang di nila ako napapansin..kaya wala akong nagawa kung hindi tumingin lang sa unahan ko..

O_O


Huli na ng makita ko si..


BLAG!!!

"aray!"
"I'm sorry-"

O_O

"k-kristel?"
"Audrey?"

shoooooooooottttt!!!!!sa lahat ng pwedeng magbanggaan..SILA PANG DALAWA!!!!!

"ayos ka lang ba?" tanong ni Audrey
"I'm fine" tapos hinila nya si Seth "tara"
"huh?eh.."


"Kristel" pinigilan ni Audrey si kristel "pwede bang mag-usap muna tayo?"
"para saan pa?"
"look..can we just talk.."
"ayoko nga"
"kri-"

"Pare..ayaw nya makipag-usap" sumali na si Seth
shhoooooooooootttttttt!!nakialam na mr. knock-knock
"seth..wag ka na makialam" bulong ko sa kanya
pero parang hindi nya ako narinig "tara na kristel" inakis nya ang pagkakahawak ni Audrey kay kristel at hinila ito

"Pare..hindi ko alam kung kaano-ano ka ni kristel pero xa ang gusto kong kausap..at hindi ikaw" naku..baka magkasuntukan na!!!
"pero ayaw nga nya makipag-usap sayo"
"ano bang-"

"SHUT UP!!!"

napatingin kaming lahat kay kristel

"Sige..Audrey..kakausapin kita pero 5 minutes lang..yun na yun.."
ngumiti si Audrey kay seth na parang kulang na lang patayin sa sindak si Audrey (infairness..nakakatakot pala si Seth pag ganito..nakakamukha nya si Taiga..Aisaka Taiga..kung kilala nyo xa sa ToraDora! Yung anime..the palmtop tiger..maliit pero nakakatakot kapag nagalit)

tapos tumingin si kristel kay seth "mag-uusap lang kami..hintayin nyo na lang ako..mabilis lang kami..wag kang mag-aalala"
ngumiti na lang ulit si seth..wow..parang walang nangyari "sige.."

tapos pumunta na sila sa isang sulok..pag-alis nila

"Sino ba yung g*gong yun?"
wow..nagulat ako..wala kasi sa hitsura ni seth ang magsasabi ng ganun..mukhang don't judge the book by its cover talaga.. "ex nya"
"yun?e bakit gusto pang makipag-usap?"
"hindi ko rin alam..isang taon na rin ng maghiwalay sila"
"ano bang nangyari?"
"to make the story short..nakipag-break si Audrey kay Kristel dahil hindi pa rin nya makalimutan ang past gf nya..naging sila ulit kahit magsyota na sila ni kristel"
"eh..walang hiya pala ang adik na yun eh!!!"

ayan na naman..susugurin na naman nya si Audrey..pinigilan ko lang "Hoy!wag ka ngang sumugod dun..daig mo pa ang bf ni kristel kung magreact dyan!"
"pero-"
"pabayaan mo na..kung gusto mo talaga makatulong..hintayin mo na kailanganin ni kristel ang tulong mo"
"sige" wala xang nagawa kung hindi tingnan lang sina kristel..


After 5 minutes..lumapit na si kristel at Audrey sa amin..si Audrey malungkot na malungkot..si kristel..neutral lang..naku..masama ito
Siguro na-sense din ng katabi ko ang reaction ni kristel kaya lumapit xa dito "are you okay?"
Ngumiti lang si kristel pero hindi nagsalita..dahil dito sinamaan na naman ng tingin ni seth si Audrey

"Ba't ang sama mo makatingin..sino ka ba ha???kanina ka pa nakikialam"
tiningnan lang xa lalo ni Seth..si kristel umiwas lang ng tingin
"tinitingnan kita ng masama kasi"
"ha ano ha?"
"kasi..ako ang... Boyfriend ni kristel"

O_O

"WHAT??" sabay naming sabi ni Audrey
"oo..girlfriend ko xa..kaya may karapatan akong magalit lalo na sa isang tulad mong hindi marunong tumingin ng maayos..pasalamat ka..malaki ang pasasalamat ko sayo dahil kung hindi ka tatanga-tanga para iwan si kristel.. hindi ko xa makukuha.."

"Seth-" mahinang sabi ni kristel na naiiyak na
tumingin sa kanya si Seth "wag kang mag-alala..hindi mo na mararanasan ang ginawa ng tangang ito sayo..hindi kita iiwan"

siguro hindi na kinaya ni Audrey ang lahat kaya nagwalk-out na xa..

pag-alis nya..tahimik kaming tatlo
"ah..ehh" hala! Hindi ako makaimik ng ayos

"Kristel" sabi ni Seth ng mahina "I'm sorry kung nakialam ako..hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko..pero nung makita kitang ganyan..hindi ko kasi mapigilan ang sarili kong-"

hindi na natapos ni Seth ang sasabihin nya kasi niyakap na xa ni kristel

"salamat..kung wala ka dyan..ako na naman ang nagmukhang kawawa..thank you talaga"
ngumiti si seth "buti naman at nakatulong ako"


tapos naghiwalay na sila "I'm sorry..pero mauna na ako..medyo sumama na kasi ang pakiramdam ko..kayo na lang ni Iexsha ang kumain"
"huh?pero-"
"I'm okay"

dito na papasok ang role ko "sus..hatid ka na nitong si seth..next time na lang tayo ililibre ni seth"
"sure ka?" tanong nila sa akin
"oo naman"

kaya ayun..magkasamang umalis si kristel at seth..

at ako?naiwang masaya..dahil kahit magulo na ang buhay ko..at least sa iba..unti-unti ng umaayos..at yun ang importante.. \

Spaces To Fill Book 3: Keep Holding On (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon