Chapter 18

167K 5K 239
                                    

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅


'Chi'

Saph stared at her house's door once again. "This is getting boring," aniya at binuksan ang pinto. She had so many things in her mind na natapos ang klase niya sa umaga na wala siyang naaalala sa mga sinabi ng professor.

Umupo siya sa sofa at tumingin sa wall clock. It was lunch time and Fukitsu was noisy once again. I wanna go to the canteen. Isip niya pero naalala niya kaagad ang babae na nilason doon sa canteen kaya napanguso na lang siya at tumingin sa pinto noong may kumatok rito.

Inis siyang tumayo at binuksan ito. Hindi na niya kinausap si Nyx noong makita niya itong nakatayo sa harap ng bahay niya. Bumalik siya sa sofa at tiningnan si Nyx na nilalapag sa kitchen counter ang pagkain niya.

"You should learn to cook for yourself," anito.

"No, I'm going to make you my slave. A rich-boy Tanaka fits the description." Tumingin si Nyx sa kanya dahil sa sinabi niya.

"How are you feeling?" tanong nito. Umirap si Saph at tumingala. "No matter how much I try to hate you or push you away, you're always lurking around," aniya.

"Because I'm your brother at totoo naman ang sinabi mo. I did use my name and power for my own gain. Anpa taught me that—"

"No, I don't think Anpa taught you that. You feel the pressure as a Tanaka so instead of resulting to justice, you result to violence because it's always easier that way." Napayuko si Nyx sa sinabi ng kapatid. Nasapol na naman siya sa mga sinabi nito.

"Yeah, maybe I did use it like that. I'm sorry. I'm not the brother you expected to be. I'll try to change." Natawa si Saph sa sinabi ni Nyx. Tiningnan niya ito na naglalapag pa rin ng pagkain sa kitchen counter.

"I love you and I want to do things your way. Fight for justice or whatever." Tumingin si Nyx kay Saph para tingnan ang reaksiyon nito dahil kanina pa ito tahimik. Nakita niyang nakatingin lang din pala ito sa kanya.

"You're making it sound like you want me to control you. That's not what I want, Nyx. Ang gusto ko lang ay world peace." Bahagyang natawa si Nyx sa sinabi ni Saph. "Come on, let's eat," aya niya rito. Lumapit naman si Saph sa kanya at kumain na silang dalawa.

"You know, you're weird. Yesterday galit ka sa amin tapos ngayon kinakausap mo na naman ako," ani Nyx at inayos ang buhok niya. Umismid ang kapatid niya at tumingin sa pagkain na nasa counter.

"It's just that whenever I hear or learn the things that you did, I can't help but be mad with all the violence that's going on. But I should speak for myself. I also used violence to establish my group in Japan. I also used violence to get this house. Kaya siguro nagagalit ako sa mga ginagawa niyo dahil in denial rin ako na ganoon rin ako."

Tiningnan ni Nyx ng maigi ang kapatid. Umiling siya at pinatingin si Saph sa kanya sa pamamagitan ng pagtapik ng mesa sa harap nito.

"Don't compare yourself to us. Mas malinis ka pa sa kung sinong estudyante rito sa Fukitsu. Maybe that's also why Stone, Ice, and that Natsugawa were affected by your words." Hindi sumagot si Saph sa sinabi ni Nyx.

Pinagpatuloy na lang nila ang pagkain hanggang sa nagpaalam na ni Nyx. Bago ito tuluyang umalis ay tumingin muli ito kay Saph.

"Please take it easy on us if we still look assholes to you. Change does not happen overnight after all."

✥✥

Matapos nilang mag-usap ni Nyx at nilagay ni Saph ang mga romance novels na nasa shelf niya sa isang box at nilagay ang box sa tapat ng bahay niya. She hated the sight of those novels.

Fukitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon