[warning: explicit language]
⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅
'Enemy Club'
Two days after the game, Kiel and Xyra were already back on their feet. Xyra had to wear jeans for the time being since hindi pa gumagaling ang mga sugat niya sa binti. Si Kiel naman ay may mga patches pa sa katawan pero nakakalakad na ito nang maayos. The Tanaka clan made sure to provide them with the best healthcare possible since they were used as bait for Sapphire.
The A-class students who tortured Kiel and Xyra were still bedridden at alam na ng buong campus na babagsak ang mga iyon sa lowest class.
Ngayon ay nakatingin na ang lahat kay Nyx na nasa harap ng S-class.
"Thank you for taking part in my proposal. We've seen your efforts in protecting my sister throughout the game and you shall be rewarded. We've already sent our thanks to your families and as a token of our appreciation, we present you with gifts."
Tiningnan kaagad ng mga kaklase nila sina Stone at Ice na nagbukas ng pinto ng S-class at hila-hila ang isang cart na puno ng mga box. Naghiyawan ang mga kaklase nila at isa-isa na nilang kinuha ang mga box nila. Turns out, they requested items from Nyx when they signed the proposal. Items that they couldn't get in Fukitsu. Noting that the students couldn't go out of the campus so easily, it was the perfect opportunity for them to request these items from Nyx.
"Ahh, my bag. Hindi ko 'to mabili kasi sa France lang siya pinalabas."
"Thanks, Nyx! My old man would never get me this device."
"Brand new shoes! Omg. Thank you, Nyxie!"Sandaling lumingon si Aya sa kaklase niya na panay ngiti kay Nyx at nagpapa-cute pa rito dahil sa bago niyang sapatos. Nawala kaagad ang atensiyon niya sa mga 'to nang maramdaman niyang may nakatayo sa gilid ng upuan niya.
Tumingin siya rito at nakita si Nyx na may dala-dalang maliit na box.
"The gift you requested," anito at inilapag ang box sa mesa ni Aya.
Red, being the clueless guy he is, binuksan niya ang box na para kay Aya at nakita na kwintas pala ito na may naka-engrave na pangalan sa loob. Bago niya pa makita ang nakasulat ay hinawakan na ni Aya ang braso niya at pinaghahampas siya.
"That's mine!" inis na sabi nito.
"Nagulat lang naman ako ah. Hindi ka kasi nagsusuot ng ganyan," reklamo ni Red at sumali na rin si Evo sa paghampas rito. Naglakad naman palapit si Nyx sa upuan ni Xyra na siyang kinakausap na ni Saph. Magulo na kasi ang classroom nila dahil sa mga box na dumating.
"Nakakalakad ka na ba nang maayos? How's your feet?"
Rinig ni Nyx na tanong ni Saph kay Xyra. Ngumiti si Xyra.
"Okay lang ako. Binigyan ako ng nurse ng chocolates," natatawang sabi nito. Tumingin si Xyra kay Nyx at ngumiti rin dito. Tipid na ngumiti si Nyx at may nilapag na paper bag sa harap nito.
"I can't put this into nice words. This is compensation for what happened to you because of the game."
Kumunot ang noo ni Xyra at tiningnan si Saph na parang alam na na bibigyan siya ng pera ng mga Tanaka. "Pero hindi naman kasalanan ni Saph na nangyari 'yon," giit nito at inusog palayo ang paper bag. Hinawakan ito ni Saph at tiningnan si Xyra.
"Still, if only I kept my distance from you. Hindi ka sana nadamay pa," sabi nito.
Humugot ng malalim na hininga si Xyra tsaka tiningnan ang mga patches sa katawan niya. She then looked at Kiel's direction at nalaman na nakatingin pala ito sa kanya. Some of her classrooms were also staring at Saph, curious to see her expression. Ayaw naman ni Xyra na makita nila ang mukha ni Saph. Her pained and sorry expression that she wanted her to hide.
BINABASA MO ANG
Fukitsu Academy
ActionDaughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...the Tanaka clan. By the whispers of the crowd, Tanakas are worse than demons. They are the most in...