Chapter 24

160K 4.3K 300
                                    

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅


'The Society'


"Hanggang dito ka lang po, young master Tanaka."

Inis na tumingin si Nyx sa mga tauhan ng Society na pumigil sa kanya noong nasa gate na sila ng Fukitsu. Hawak-hawak ni Nyx braso ni Saph at papasok na sana sa kotse nang pigilan sila. "You'll be riding with us, Tanaka-sama," sabi ng isang lalaki na malaki ang katawan at may tattoo itong agila sa leeg.

Napangiwi si Nyx nang maalala niya ang fake tattoo noon ni Ice sa leeg. The Fukitsu guards are not allowed to leave campus kaya pinapaubaya na nila sina Saph sa tauhan ng Society.

"Saph, kailangan mong pumasok sa kotse."

Mahinang inalog ni Nyx ang braso ni Saph para gisingin ang diwa nito. "Ha?" 'Yon lang ang tanging nabanggit ni Saph.

"I'll take over here, Tanaka—"

"Don't you dare touch my sister."

Mahinahon ang boses ni Nyx pero bakas sa mga mata niya ang galit nang sinubukan ni Zero na akayin si Saph papasok sa kotse. Zero flicked his tongue in annoyance and smirked in disbelief.

"Sige nga. Who would you trust more to handle her? Me or the Society?" tanong ni Zero at naghalukipkip tsaka sinandal ang kanang braso sa kotse.

Napaisip si Nyx dahil dito at parang wala siyang ibang maisip na paraan. Galit siyang tumingin kay Zero na nakatingin lang din sa kanila.

"Fine. But if I see a scratch on her, I'll kill you, Natsugawa."

Halos lumukot ang mukha ni Nyx nang makita niyang hinawakan ni Zero ang magkabilang balikat ni Saph at inakay ito papasok sa kotse.

"Panget mo, Tanaka," ani Zero at sinara na ang pinto ng kotse.

Wala nang nagawa si Nyx kundi ang tingnan ang kotse nina Zero na papalayo na sa Fukitsu tsaka siya pumasok sa kotse noong tao na sumundo sa kanya. Meanwhile, Sapphire was humming a song inside the car dahilan para saglit siyang tingnan ni Zero.

Nakita niyang nagsimula nang umulan sa labas at may mga patak na ng ulan ang bintana ng kotse. He saw Saph's index finger trace a line where the raindrops fall, and she was still humming something.

"Itsy bitsy spider went up the waterspout. Down came the rain and washed the spider out."

Hindi alam ni Zero kung matatawa ba siya sa naririnig niyang kinakanta nito.

"Ano bang ginawa ni Nyx sa 'yo?" Muntik nang takpan ni Zero ang bibig niya dahil hindi niya intensiyon na itanong 'yon kay Saph. He was only meant to think of that question, not actually ask it.

Dahil dito ay dahan-dahang tumingin si Saph sa kanya at parang saglit na tumigil ang paghinga ni Zero dahil noong gumalaw si Saph ay dumidikit ang katawan nito sa kanya. And to add the fact that his arms were resting on the car seat's headrest ay parang iniimbita talaga ng katawan niya ang katawan ni Saph.

Now she's resting on his partial embrace.

"Nyx? He's my brother," parang wala sa sariling sagot nito at parang tanging pangalan lang ni Nyx ang narinig sa tanong ni Zero.

"Hello, Natsugawa," she greeted with a short smile.

"Suplado," ani Saph noong hindi makasagot si Zero at lumayo na rito.

Agad na umayos si Zero ng upo at inayos na rin ang polo niya at kung pwede niya lang ayusin lahat ng bagay sa paligid niya ay ginawa na niya dahil sa nangyari kanina. Hindi na lang siya umimik hanggang sa makarating sila sa isang lugar na may napakataas sa pader na gawa sa semento. The place was huge and was surrounded by guards. May mga tanke pa sa labas nito at mga tauhan na nakatayo sa tuktok ng pader. The place was heavily guarded.

Fukitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon