Chapter 19

171K 5.1K 1.1K
                                    

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅


'The Activity'


"Curious lang ako."

"Palagi ka namang curious," sumbat ni Zero kay Evo na nasa gilid niya. Nasa classroom na sila at naghihintay na pumasok ang prof nila. Napansin rin ni Zero na hindi pa dumadating si Saph.

"Saan ka pumunta kaninang umaga at nawala ka nang alas dos?" tanong nito at tinaasan naman siya ng kilay ni Zero.

"Oh, sorry, Mommy Evo. I wasn't informed na kailangan kong mag-report sa 'yo sa mga lakad ko."

Tumawa si Red na nakarinig sa pinag-uusapan nila. Pati si Aya na nasa likuran ni Zero ay natawa na rin. Evo rolled his eyes at hindi na kinulit si Zero. Makalipas ang isang minuto ay bumukas ang pinto ng classroom nila at pumasok si Saph. Dumiretso ito sa upuan niya at binati naman siya ni Stone. "Sina Chi?" tanong nito.

"Pinauwi ko na," tipid nitong sagot at ngumiti tsaka nag-good morning kina Ice.

"Hanep ang mood swings ni Saph, parang mga babae ni Zack, paiba-iba," Red commented.

Narinig naman siya ni Zack at tumayo ito sabay tingin sa kanya. "Gusto mong lakasan 'yang sinasabi mo? Parang hindi ko naririnig ng maayos," ani Zack at hinawakan naman ni Demo ang braso niya para magtigil siya pero hindi ito nagpaawat at inalis pa ang kamay ni Demo.

"Oh, my bad. Ang sabi ko—"

Pinigilan na ni Zero sina Red kung ano bang balak nitong ulitin at tiningnan ni Zero si Saph na lumingon sa kanila. He smiled at her pero hindi ito umimik at tumingin sa harapan. Pinaupo naman ni Stone si Zack dahil parang nag-aamok pa ito ng away.

"May regla ka ba? Ba't ang init ng ulo mo?" tanong ni Kiel kay Zack.

"Totoo naman kasi, paiba-iba ka ng babae," ani Stone at tinaasan ng kilay si Zack.

"I don't care about that. Ginagago niya kasi si Saph. Dinadamay sa mga jokes niyang—"

"It's fine, Zack. I can handle a little joke," nakangiting sabi ni Saph tsaka nilingon si Red.

Namula kaagad si Red at nag-iwas ng tingin. Sa isip ni Red ay parang gusto niya naring mamatay dahil sa titig na binibigay ni Zero sa kanya. Ngumiti na lang siya at umayos na ng upo.

Tumayo si Nyx mula sa upuan niya at naglakad palapit sa kapatid niya habang nakapamulsa. Sa bawat hakbang niya ay nakatingin sa kanya ang mga kaklase nila. Naguluhan naman si Saph noong makita na nasa harap na ng upuan niya si Nyx.

"Good morning?" takang bati niya rito.

"How was your sleep?"

Kumunot ang noo ni Saph sa tanong ng kuya niya at tiningnan pa si Ice para itanong kung anong nakain nito. Ice shrugged his shoulders and Saph noticed that even Ice was tense. Binalik ni Saph ang tingin niya kay Nyx na nakapamulsa habang nakatayo sa harap niya.

"What's up?" mahina niyang tanong rito.

Nyx looked at his sister properly. He drew out a long breath at walang-imik na ginulo ang buhok nito. "We have some special activities today," he said.

"Isn't that supposed to be fun? Why are you so gloomy?" tanong ni Saph rito. Nyx's lips slowly arched into a somewhat bitter smile.

"Yeah, activities... fun," walang gana nitong sabi.

"Tell me if you're having a hard time with the activities today. I can make it stop."

With what he said, Saph sensed something else. Tiningnan niya si Ice na nag-iiwas ng tingin sa kanya, si Stone na parang may gustong sabihin, si Zero na panay ang tingin sa kanya, at si Nyx na parang hindi mapakali. She took a good look at the Fukitsu Masters at saktong dumating si Miss Green at nakita ni Saph na siya ang una nitong tiningnan.

Fukitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon