Chapter 31

152K 4.2K 884
                                    

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅


'The Game'


"Zero—"

Hindi na natapos ni Aya ang sasabihin niya dahil tumayo na ito at naglakad palabas. Sinundan kaagad nila ito. Zero had his hands on his pockets and he was exuding a rather irritated aura around him. Naririnig nina Red na bumubuo na ng grupo para sa laro ang mga estudyante sa ibang building.

"Shit. They're actually taking this seriously," ani Red habang sinusundan nila sa Zero. The students on campus were in a panic, trying to find the best people to group up with.

"Everyone wants to graduate with top recommendations from the Society," sabi ni Evo.

"Fuck the Society," inis na sabi ni Zero at saglit na nilingon si Aya na kakababa lang ng cellphone niya.

"Emerald Manor," anito. Sumakay sila sa Fukitsu cart at pumunta sa Emerald Manor. Pagdating nila doon ay may mga Fukitsu guards na sa labas at may mga estudyante na rin na papalapit sa manor.

"Ano 'to? Bakit nandito na kayo?" tanong ni Red pero hindi siya sinagot ng mga guards.

"May mga estudyante na gusto nang pumasok sa bahay ni Saph kahit hindi pa nagsisimula ang laro."

Zero wasn't pleased with what he heard. Naglakad siya papunta sa Emerald Manor pero tumingin siya sa mga Fukitsu guards na pumigil rin sa kanila. He was already on edge earlier at nakita ni Aya na kinukuyom na nito ang kamao. Buti na lang ay lumabas si Nyx sa Emerald Manor at pinapasok silang apat.

"Everyone is considered a threat now," ani Evo nang makapasok sila sa manor.

Hinanap kaagad ng mga mata ni Zero si Saph at nakita niya ito na nakaupo sa sofa at kinakausap ni Ice. Naglakad siya palapit rito at tumingala naman si Saph sa kanila. Ngumiti ito kay Zero.

"Can we talk? Alone."

Nagkatinginan sina Stone dahil sa sinabi ni Zero kay Saph.

"No chance, Zero. Who knows what you'll do to her," sabi ni Zack.

"The game starts in an hour, douche face," sumbat ni Red. Inis na tumingin si Zack sa kanya kaya tumayo na lang si Saph at sinundan si Zero papunta sa taas. Tiningnan naman ni Ice si Nyx na nakatingin sa dalawa na umaakyat sa hagdanan.

"You're letting her be alone with her killer?" tanong nito. Kumunot ang noo ni Nyx at tiningnan si Ice.

"He didn't force her to come, Ice. Kusang sumunod ang kapatid ko. Do you think I can stop her from doing so?" tanong ni Nyx. Inis na tumayo si Ice at pumunta na lang sa kusina. Pinaupo naman ni Nyx sina Aya at parang nandiri pa si Zack nang umupo si Red sa sofa na kinauupuan niya.

"Gusto mo basagin ko 'yang mukha mo, Dans?" inis na tanong ni Red sa kanya.

"Enough. We already agreed before, remember? We're here for Zero," suway ni Aya sa dalawa. Hinampas naman ni Evo ng throw pillow ang balikat ni Red para magtigil ito.

"Teka, naalala ko pala. Bakit may heart sa gilid ng pangalan mo, Nyx?" Kumunot ang noo ni Nyx sa tanong ni Red sa kanya. Sabay rin na tumingin sina Stone kay Nyx. Ice averted their gaze and filled his cup with water. Kinuha naman ni Aya ang throw pillow na hawak ni Evo at hinampas si Red.

"What heart?" tanong ni Nyx. Naningkit ang mga mata ni Evo.

"The heart beside your name on Aya's contacts. Sabi ni Aya ikaw naglagay n'on," ani Evo. Kumunot naman ang noo nina Stone at tiningnan nang maigi si Nyx.

Fukitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon