Chapter 27

147K 4.7K 971
                                    

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅


'Gym B'


"Naligo ka?" takang tanong ni Nyx kay Zero nang magkita sila muli sa entryway.

The formality with the Natsugawa was finished at laking pasasalamat ni Saph dahil si Nyx ang nakipag-usap sa lolo ni Zero. She thought that Nyx was indeed amazing when it came to handling and pleasing people. It was one of his very useful but deadly traits.

"What do you care?" tanong ni Zero habang nakapamulsang naglalakad papunta sa kotse.

"Oh, Hiro!"

Parang hindi pinansin ni Nyx ang sinabi ni Zero at tiningnan nito si Hiro na nasa tabi ni Saph. Ngumiti si Hiro sa kanya at kumaway tsaka yumuko. "Nice to meet you again, Master Nyx—"

"No, please don't call me that. Nasaan na ang cute na Hiro ko?"

Hindi maipinta ang mukha ni Saph nang marinig niyang nagsalita si Nyx at kinukurot-kurot pa nito ang pisngi ni Hiro. Natatawa na lang si Hiro pero nahihiya rin sa pinaggagawa ni Nyx sa kanya.

"Parang kahapon lang baby ka pa," panunukso ni Nyx rito.

"Nyx and Hiro met during one of the Tanakas' visits here and simula noon nabaliw na siya at palaging sinasabi na ang cute ni Hiro."

Tumingin si Saph sa isang lalaki na nasa tabi na niya. She didn't even feel his presence not until he spoke. Tumingin 'yong lalaki sa kanya at ngumiti. "Nice to meet you, Miss Sapphire. I'm Hitoshi Natsugawa," pakilala nito at hinalikan ang kamay ni Saph.

Pero nang matapos niyang gawin 'yon ay nilingon niya si Zero na nakatingin pala sa kanila. Ngumiti si Toshi at tumalikod pero biglang hinila ni Zero ang kwelyo ng polo shirt niya tsaka tinapik-tapik ang balikat nito.

"Toshi, take Hiro with you. Nababaliw na si Nyx."

Nakangiti si Zero habang sinasabi niya 'yon pero noong tiningnan ni Saph ang mukha ni Toshi ay parang mamamatay na ito. "H-Haha, haha, oo nga. E-Excuse me, Master Nyx. May math lessons pa po si Hiro. See you next time!"

Parang nagmamadali pa si Toshi noong hinihila niya si Hiro palayo. Napanguso naman si Nyx at sumigaw pa na 'wag silang tatakbo at baka madapa sila.

"You seem to like them," ani Saph at nilapitan ang kapatid.

"Well, they are cute. Lalo na si Hiro," sagot nito at ngumiti pa tsaka namulsa.

"So, if you like Natsugawas, why do you hate Zero?"

Sa tanong ni Saph ay napalingon si Zero sa kanila na papasok na sana sa kotse. Nagseryoso rin ang mukha ni Nyx at sinulyapan si Zero na siyang pumasok na nang tuluyan sa kotse. Binalik ni Nyx ang tingin niya sa kapatid at ngumiti.

"I just hate him," tipid nitong sagot at pinagbuksan na ng pinto si Saph. Wala na itong sinabi at pumasok na rin sa kotse tsaka sumunod si Nyx sa kanya. Nang makapasok na sila ay tsaka na nagsalita si Zero sa driver.

"Fukitsu."


✥✥

"P*tangina! Sabi ko 'wag sa mukha."

Tiningnan nina Stone si Zack na nagmamaktol sa gilid habang nakatingin sa salamin ng isang motor doon at sinusuri ang mukha niya. May sugat na siya sa labi at pisngi. Inis niyang ginulo ang buhok at tiningnan ang mga tauhan ni Saph na pinipilit pa ring tumayo kahit bugbog na ito. It's the same for Stone and the others.

Fukitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon