Chapter 29

142K 4.3K 784
                                    

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅


'Special Class'


"Very funny, Zero," ani Saph at ibinaba ang chopstick na hawak niya.

"Who said I was joking? If I'm going to kill you, I want it."

Humugot ng malalim na hininga si Saph at tiningnan nang maigi si Zero. He was sitting confidently pero nakita ni Saph na panay galaw ang tuhod niya. Zero was nervous. Natawa na lang siya at sumandal sa sofa.

"You want it? Pwede ko nang ibigay sa 'yo. Ngayon na," said Saph calmly. Sobrang bilis ng pagkakalingon ni Zero sa kanya dahilan para mapahawak si Zero sa batok niya. Natawa si Saph.

"But what makes you so sure that I haven't been kissed before?" tanong ni Saph. Ngumiti si Zero at pinasadahan ng tingin ang labi ni Saph.

"I just know," anito at uminom na ulit ng tsa-a. Silence covered the two of them for a few seconds before Zero gave up. "Alright, you got me. I'm kidding."

Natawa muli si Saph sa kanya at bumalik na sa pagkain.

"So, what is it? What do you want from me if you're going to help me control my rage?" tanong ni Saph at nagulat pa dahil paubos na pala ang pagkain niya.

"Nothing much for now. Kailangan lang nasa tabi kita. I need to see you so I can help you."

Naningkit ang mga mata ni Saph sa sinabi ni Zero. "That's it? I just need to be close to you?" tanong nito. Tumango si Zero.

"So, you want us to be friends?" hindi siguradong tanong ni Saph. Umiling si Zero at pinagpahinga ang siko niya sa kanyang tuhod tsaka tiningnan nang maigi si Saph.

"I can never be friends with you," anito. Bumuntong-hininga si Saph at ibinaba na ang pack ng pagkain niya na wala nang laman.

"You say you want to help me, but you don't want to be friends with me. So, anong gusto mo?" tanong nito. Zero ran a finger on his lower lip and flicked his tongue.

"Partners. We can be partners," anito.

"Okay."

Kumunot ang noo ni Zero sa biglaang pagsang-ayon ni Saph. Ni hindi man lang ito nag-isip at sumagot lang ito basta-basta. He smirked and let out a little laugh, quite entertained by the lady in front of him.

"Anong course ang kukunin mo?" tanong ni Saph.

"Pharmaceutics."

Tumango lang si Saph sa sinabi ni Zero. "Bakit mo natanong?"

"If you need me by your side and if you want us to be partners, we need to take the same course. I'm taking pharmaceutics. Is that okay with you?"

Sobrang bilis ng mga pagpaplano ni Saph na parang hindi pa magawang mag-react ni Zero. Tanging isang tango lang ang nagawa niya bago nila narinig ang bell ng Fukitsu. Ngumiti si Saph at tumayo sabay lahad ng kamay niya sa harap ni Zero.

"Looking forward to working with you, Zero Natsugawa."

Nang inilahad ni Saph ang kamay niya ay naalala ni Zero kung paano hinalikan ni Toshi ang kamay nito doon sa Natsugawa Residence. Dahil dito ay dahan-dahang hinawakan ni Zero ang kamay ni Saph. He was debating on it. Whether he would kiss her hand too.

But in the end, he just shook it and brushed his thoughts away with a smile.

Sabay na silang naglakad papunta sa elevator at sabay na rin na pumasok sa classroom. Pinagtinginan pa sila ng mga kaklase nila. Dumiretso si Saph sa upuan niya habang sinasalubong siya ng tingin ni Stone.

Fukitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon