CHAPTER 7 : It’s a matter of choice
----Mau’s P.O.V---
“Siomai oh!”
“Adrian ??”
Nagulat talaga ako sa biglaang pagsulpot ni Adrian. But, tinanggap ko parin ang siomai. Sa lahat ng makakain sa mundo, ito talaga paborito ko eh. (^__^)
“Bakit ka nandito Adrian?”
“Ikaw dapat ang tatanungin ko niyan! Akala ko ba umuwi ka na? ba’t nandito ka pa?”
“aba! Wala ka na dun!” (>.<)/
“eh ba’t tinatanong mo ako kung bakit nandito ako? Sayo ba tong mall? Hawak mo ba buhay ko? Ikaw ba nanay ko? Ha? Ha?” (>.<)
(O__O)!
Nagulat talaga ako sa naging reaksyon niya. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Wala akong masagot kaya tumahimik nalang ako….
(-__-)
“Hahahahahahha!!!! Napaniwala ba kita?? Magaling na ba akong umarte? Hahhahahaha!!!” (^W^)
“ANAK NG !$##@#%$!!! NAKAKAINISKA ADRIANLIIIIIIIIIIIIMMM!!!!”
Parang sasabog na talaga ako sa galit! Ngunit siya naman, tawa lang ng tawa!
“nag-workshop kasi kami kanina…. Try ko lang kung marunong na ba ako. Malay mo, ako na ang next SAM MILBY ng ating henerasyon di ba?”
“Wateburrrrr!!! *strong* ” nag-walk out nalang ako.
“Hey wait!” at hinila niya ako. Di ako makakalas kasi ang lakas niya.
“Bitawan mo nga ako!! Saan mo ba ako dadalhin??” \(>.<)/
“Hindi ka ba nauuhaw? Bili muna tayo ng juice. Nakakauhaw kasi yung siomai na kinain natin kanina”
Hinaplos niya ang liig niya pataas pababa. Nauuhaw na nga talaga.
And bumili nga siya ng dalawang juice. Parang wala lang nangyari ah!
“naka-drugs ka ba Adrian??”
“Bakit? Kasi naaadik ka sa akin?” (^_^)
“Kapal!!! ” (>.<)!
“Hahahaha!! Maganda lang kasi mood ko…. Hayaan mo nalang ako sumaya.” (^_+)
Ano kaya nakain ng taong to? Akala ko silent type siya. Akala ko tulad ng mga usual characters ng mga Korean movies ugali niya. May sayad yata to!! Naku, delikado ako rito!!!
“So, for the third time, hatid na kita?”
“And for the third time I would say ‘no thanks’.”
“Bakit ba?”
“Ayoko eh!! Baka Makita pa tayo ng mga parents ko, pagagalitan ako nun!”
“Ang sabihin mo, maglalakwatsa ka na naman!!”
“Hindi noh!! Promise uuwi na talaga ako.” (=__=)
“Ganito nalang, ihahatid kita but hanggang sa kabilang street lang bago makarating sa street ng bahay niyo. Deal?”
Wala naman akong magagawa. Kulit eh!!
Sa loob ng car niya on the road….
“bakit ang saya mo ngayon? Sinagot ka na ba ng nililigawan mo??”
Tiningnan ko siya ngunit ang mga paningin niya ay nasa road lang palagi. Siyempre naman, kasi kung madisgrasya kami, goodbye earth na ang ending.
“Wala akong nililigawan. AND wala akong girlfriend.”
“Wee? Mukha mo?”
“Kung meron man, eh di sana di nalang kita pinagtiisan samahan.”
Nasa road parin ang mga tingin niya. Baka nag-dadrama na naman ang mokong. Nakakainis pala kapag medyo mahilig sa showbiz kasama mo. you don’t know kung nagbibiro lang siya o seryoso talaga siya. May workshop kasi talaga ang mga model/host na gaya ni Adrian. Pero sa school lang. eh malay natin, sisikat ang sira ulong to.
Tumahimik nalang ako. Bakit ganito? Ang lapit lang ng bahay namin pero parang ang layo habang nakasakay ako rito sa car ni Adrian. Tiningnan ko yung daan na dinaanan namin, tama naman ah! Ang labo!!!
“There’s someone I really love….”
This time tiningnan na niya ako.
“H-ha?” (??__??)
“But, I let her go.”
And bumalik sa road mga tingin niya. Anong ibig niyang sabihin? Ang labo naman nito!!! Nahalata niya yatang naguguluhan ako.
“It was a choice between love and career. I chose career and lose her.”
“But I believe, kung kayo talaga, babalik siya. Destiny na ang kikilos para magkabalikan kayo.”
“I don’t believe in destiny Maureen. Life is a matter of choice. Ikaw ang pumipili kung anong daan ang tatahakin mo.”
Naputol usapan namin kasi nasa bahay na kami. Sh#t! di ko namalayan! Buti hindi lumabas ng bahay ang mga parents ko. I bid goodbye to him and same rin siya.
I don’t believe in destiny Maureen. Life is a matter of choice. Na-stuck yun sa utak ko.
