Chapter 15 : Tibok ng Puso

40 0 0
                                    

Chapter 15 : Tibok ng Puso

.Ang importante lang naman sakin ay ang sumaya siya. But di ko na yun nakikita sa mga mata niya kapag magkasama kami. Mas masaya siya with Adrian, na bestfriend ko.

Oo matagal ko nang alam na magkakilala sila. Paano ba naman, this past few days kahit saan ako magpunta andun din si Mau. Hindi ko alam kung bakit o sinadya lang talaga ng tadhana pero ganun talaga ang mga nangyayari eh, ang weird nga.

First nun ay noong nasa mall ako. Nakita ko silang dalawang magkasama kumain ng siomai, Master Siomai ata yun.

Noong nahulog siya sa bangin, ako yung unang nakakita sa kanya. Umalis ako para maghanap sana ng bagay na makakatulong pagkuha sa kanya. Pero nung bumalik na ako andun na si Adrian at mga maintenance sa school. Kaya umalis nalang ako at pumunta sa mall.Nung gabi nun, nakita ko ulit siya sa mall. Tinawag ko nga siya nun pero di niya ako pinansin. Ang hindi niya alam, sinundan ko siya. At nakita ko si Adrian na lumapit sa kanya. Kaya yun, umalis nalang ako.

Siguro sila talaga ang para sa isa’t isa. Ang akala kong kami ang nakatadhana, hindi yata magkakatotoo. Kasalanan ko kasi, hinayaan ko siyang mawala. Ni hindi ko siya pinahalagahan. Hindi pa kasi ako handa sa isang seryosong relasyon. Gusto ko ligawan sana siya sa tamang panahon. Yung mapapatunayan ko na sa sarili ko na hindi ko siya masasaktan. Pero huli na.

Ngayon, wala na akong balita sa kanila. Lumayo ako kasi alam kong yun ang pinakatamang gawin upang lumagaya siya. Miss ko na siya, miss ko na si Mau.

-Louie Alonzo.

“Bakit na sayo toh? Teka, hindi ko maintindihan Angela!”

Yun lang ang nasabi ko sa kabila ng lahat ng mga nabasa ko mula sa sulat ni Louie na binigay ni Angela, ang matagal ko ng ex girlfriend, na nandito sa isang ospital.

Now Playing : Tibok ng Puso by MYMP.

Kung sinabi mo noon, akoy iyong mahal

Di sana ay tayo na ang nagkatuluyan”

“B-Bakit ikaw ang may hawak nito? At, nasaan si Louie? At, bakit mo ako pinapunta rito?? B-b….”

Di ako nakatapos dahil pinigilan ni Angela ang mga labi ko sa pamamagitan ng kanyang isang daliri.

“Dahan-dahan lang Adrian…. I will explain everything to you.”

4 years na mula nung nawala si Louie. Oo, nawala siya ng parang bula. Hindi namin alam kung saan nagpunta o kung anong dahilan ng pagkawala niya. At dahil sa mga sulat na kababasa ko lang, hindi ko alam kung anong dapat maging reaksyon.

Destiny or a ChoiceWhere stories live. Discover now