CHAPTER 8 : Please don’t give up.
“Choice. Choice. Choice….. alam mo best, tama si Adrian eh! Every day in our lives, we experiences choices, like kung ano susuotin na damit, ano kakainin na ulam, anong sasakyan na jeep, anong magiging paboritong subject, English, math, science …. Ano pa ba?”
Seryoso yata bestfriend ko ngayon ah! Ang lalim ng iniisip habang lakad ng lakad paikot-ikot sa chair na kinauupuan ko.
“Sira! Hindi yun ang ibig sabihin ni Adrian oi! Ang babaw mo” (σ __σ)
Nagpaikot-ikot parin siya sa kinauupuan ko.
“Eh ano ba?” (??__??)
“Pwede bang tumigil ka muna sa paglalakad diyan! Kanina ka pa eh! Nahihilo na ako sayo!” (>.<)
“Ay! Sorry best. Serious lang …. Alam mo na, minsan lang gumagana utak ko kaya hayaan mo nalang.” (^__^)
“Ikaw talaga best! Ang kulit mo kahit kailan.” (^__^)
“Eh ano ba talaga ibig sabihin nung sinabi ni Adrian sayo?”
“I guess it’s more complicated than what we think. It’s like we make our own fate, our own future. It’s our choice what path to follow, what kind of person we have to be with, and love….”
“Na walang destiny? Na hindi totoo ang iniisip mo tungkol sa lovelife mo na si Louie?.... tama yata siya best. Iniisip mo na kayo ang destiny nung unggoy na yun and yun ang naging choice mo kaya simula nun, yun na ang nakatatak sa isip mo.”
“At pinili kong umasa at masaktan dahil sa katangahang pagmamahal sa kanya.”
“So walang destiny.”
“You’re right best. From now on, magmo-move on na ako sa unggoy na yun” (T_T)
“And you will start your new love story sa prince charming mong si Adrian!!!”
“Tumahimik ka nga best! Ang labo nun.” ( ̄^ ̄メ)
“Malay mo type ka niya!”
“Remember, campus crush siya, campus pangit ako. Andun siya oh!!”
Tinuro ko ang tuktok ng building na nasa harap namin.
“Hindi ko siya maabot at….”
“You and I
We never had it easy baby
We had to work so hard
And everytime it feels like we're gonna make it
That's when it falls apart, but”
“Ringtone mo ba yung nag-iingay best? ILL TAKE MY CHANCES yata yan eh”
“Ah oo!”
Tiningnan ko phone ko….
LouiePANGIT calling….
Reject.
“Sino tumawag?”
“Si Louie. Ni-reject ko ang call.”
“I woke up
In the middle of the night
Out of luck
With this girl on my mind...”
“Best si Louie tumatawag sa akin.”
“Sagutin mo nalang Mia.”
“Hello Louie?”
“I know kasama mo si Mau ngayon. Please tell her I need her now.”
“kapal ah! HOYTAONGMUKHANGUNGGOY%@$%@#%”
“Im in the hospital.”
Ano daw hospital? Nasa hospital si Louie?? Inagaw ko agad ang phone kay Mia.
“Hello Louie? Nasa hospital ka? Anong hospital? I ‘ll be there…..”
Agad-agad akong umalis patungong hospital. But siyempre nag-bye2x muna ako sa bestfriend ko and thank you na rin sa advices niya kanina.
Sa hospital.
“Louie!!! Kumusta na kalagayan mo? ano ba nangyari? Are you ok now??”
“Thanks dumating ka.” He said in a low voice.
“Ano ba nangyari?”
“Over-fatigue lang. nawalan kasi ako ng malay habang naglalaro ng basketball kanina but I’m ok now.”
“Yan ang napala mo! mas inuuna mo kasi mga girlfriend mo kaysa sa sarili mo!!”
“Wag ka naman ganyan. Single na nga ako ngayon eh.”
“Eh nasan ba yung girlfriend mong mukhang starfish huh!!” ( > < ;)
“Niloko lang ako nun. Umalis lang bigla at hindi na nagpakita.”
“ANAK NG SEAHORSE talaga!!!! Nasan siya ngayon?? Dahil babalatan ko siya at ilalaga para may ulam na ako! Walang hiya siya! Kung maka-asta siya sa akin parang kung sino, pagkatapos, yun lang pala gagawin niya sayo!” (>.<)/
“Relax!! Kalimutan mo na yun. Past na yun.” =___=
“Eh ganyan ka naman talaga eh! Mas importante pa sayo mga girlfriends mo kaysa sa akin. Akala ko ba…. Bestfriends tayo? B-B-Ba’t di ko yun nararamdaman?” (T_T)
“Mau…. Listen to this, importante ka sa akin. Kaya ka nga nandito eh, pinaalam ko sayo na nasa hospital ako kasi gusto ko alam mo lagi kung ano nangyayari sa akin. Sayo lang ako may tiwala Maureen. Sayo lang ako makakapunta kung kailangan ko ng tulong. Kung kailangan ko ng karamay.”
At hanggang dun lang? SANDALAN?? Kawawa naman ako.
Hindi nalang ako umimik at umupo nalang sa tabi.
“Mau?”
“Ano?”
“Malapit na pala birthday mo. ano gusto mong gift?”
“Di ba ang tagal ko nang sinabi sayo na isa lang gusto kong matanggap na gift sa buong buhay ko. Teddy bear lang.”
“Oo nga pala…. Mau?”
“Ano na naman ba?”
“Thanks for coming here.” (^_^)
“As always.” =__=
“bakit ang tahimik mo ngayon?”
“ *sighs* ayoko lang magsalita.”
“Bakit di mo sinasagot tawag ko?”
“Tumawag ka ba? Hindi ko yata napansin. Pasensiya. I guess I gotta go. May class pa ako.”
Tiningnan ko relo ko.
“Mau, please don’t go. Please don’t leave me.”
“Ano gusto mo mangyari?? Dito nalang ako palagi?? Nakatunganga sa harapan mo?? may grades ba akong makukuha sayo?? Instructor ka? Anong subject??” <(>.<)>
“I mean don’t give up….”
Yun lang ang narinig ko mula sa mga labi ni Louie. Umalis kasi agad ako. Don’t give up? Bakit? Para may masaktan lang siya?? Bobo ako pero hindi ako tanga para maghabol sa kanya! Pagod na ako. Ayoko na.