Chapter 16: Destiny
“Hello, is it Mr. Adrian Lim? This is Angela’s doctor. She had her attack and…. Im sorry to tell you this…..”
“Ha? Pupunta ako diyan!!...... aaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!”
--- Mareen’s POV—
1 week na ang nakalipas mula noong iniwan ako ni Adrian. Iniwan niya ako at hinding-hindi na siya babalik pa.
Hanggang ngayon hindi ako makpaniwala na wala na siya. Nadisgrasya siya sa kanyang kotse. Nabunggo ng isang 10wheeler truck, dead on arrival. I don’t know the whole story kaya pina-imbistigahan ko. Wala na akong magagawa kasi nangyari na. I will surely miss him. Ang lahat ng kanyang mga lambing mula nung college pa ako, nung nanliligaw pa siya, hanggang sa pagsagot ko sa kanya after 4 years. Sana masaya siya kung saan man siya ngayon….
Ngayon mag-isa akong naglalakad sa garden ng bahay ko.
“are you Ms. Reyes?”
“ahmm yes. What can I help?”
“I am the person na inutusan ng NBI para mag-imbistiga sa pagkamatay ni Mr. Adrian Lim. And I got some data. I hope it could help.”
“Really? ano yan? Gusto ko nang malaman.”
“Based on our investigation, we have found out na my kausap si Mr. lim sa phone before the accident. It was Dr. cruz from the St. Joseph Hospital. We talked to Dr. Cruz and we found out na may pasyente silang nagngangalang Angela Gomez na naka-confine sa hospital nila na kakilala ni Mr. Lim.”
“Angela Gomez?? Wala akong kakilalang ganyang pangalan ah! Paano-”
“Maam, Ms. Gomez also died minutes before the accident of Mr. Lim.”
“Ha?? H-hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari!! Sino yang Angela Gomez??”
“Based on our records, they are schoolmates in highschool and records stated that there are connections between them.”
“Like may relasyon sila?”
“There’s a great possibility.”
Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Walang problema sa akin na may past sila pero, naguguluhan pa talaga ako sa mga nangyayari…
“Maam, we also found out a letter inside the car of Mr. Lim.”
Hinablot ko agad at binasa…. The letter of Louie.
The day I left is the day you no longer matter.
Sabi nila bading lang ang sumusulat sa nararamdaman, bading na kung bading. I just want to express my longingness to my one and only girl, Maureen.
….
….
….Ang importante lang naman sakin ay ang sumaya siya. But di ko na yun nakikita sa mga mata niya kapag magkasama kami. Mas masaya siya with Adrian, na bestfriend ko….
….
….
Ngayon, wala na akong balita sa kanila. Lumayo ako kasi alam kong yun ang pinakatamang gawin upang lumagaya siya. Miss ko na siya, miss ko na si Mau.
-Louie Alonzo.
Habang binabasa ko ito, dahan-dahang lumiwanag ang utak ko. Nagkaroon ng mga sagot ang mga tanong ko. Hindi ko namalayan na tumulo na mga luha ko. Mahal pala talaga ako ni Louie. Pero bakit? Bakit di niya ako pinagtanggol? Bakit umalis nalang siya agad? Mula nung pag-alis niya, hinanap ko siya kung saan-saan. Ang tanging nakuha ko lang ay ang bulaklak at cute na teddy bear noong birthday ko. Hindi ko alam na sa kanya galing yun pero naramdaman ko na espesyal yun kaya tinago ko. Hinintay ko, hinintay ng pagka-tagal-tagal. Hindi ko agad sinagot si Adrian dahil umasa ako na babalik si Louie pero paglipas ng apat na taon, sumuko na ako.