DAHAN-DAHANG gumalaw si Alex habang nakadapa pa rin at nakapikit ang mga mata nang maramdamang tila nasa intensity 7 ang bilis ng pag-giwang ng kanyang kama.
Earthquake! Is it the end of the world already? Sinikap niyang ibuka ang mga mata at bumangon nang mapagtantong nanaginip lang pala siya.
Dang! Nightmares!
Muli siyang humiga nang biglang umingay ang kanyang silid sa paraan ng pagkatok.
Double Dang!
Gusto pa niyang matulog, pero pakiramdam niya ay mas lalong lumalakas ang ingay, na para bang binabayo na ng kumatok ang pintuan.
Go away! Dinampot niya ang isa pang unan at itinakip ito sa buong ulo. Apat na unan na ang nakapatong sa kanyang ulo, ngunit naririnig pa rin niya ang ingay.
Dang! Napahinga siya ng malalim. Makakapatay talaga siya ngayon.
This must be good! Dahan-dahan siyang bumangon na nakapikit pa rin ang mga mata deritso sa kanyang pintuan. Good thing memoryado niya ang kanyang silid. Pinihit na niya ang lock at binuksan ang pinto.
"Ano na naman bang kagagahan ang ginawa mo kagabi?" Deritsong tanong sa kanya.
Huminga siya ng malalim na puno ng pagpipigil sa sarili. "You woke me up just to ask me that?" Tanong niya sa inaantok pa na tinig.
Itinulak nito ang pinto pabukas at pumasok sa kanyang napakakalat na silid. "Would you mind explaining this?" Sabay itinapon ang dala-dalang newspaper sa ibabaw ng kama.
Hell! "For goodness sake Kristina, can't you see I am sleepy?" Iritadong tanong na sumunod sa babae. Wala siyang paki-alam kung ano ang nakasulat o nakalagay sa news tungkol sa kanya.
"Kailan ka ba titino ha? Puro kahihiyan nalang ang ibinibigay mo sa amin. Sa pamilyang ito!" Galit nitong turan na sinipa ang nagkalat na sandals sa sahig.
Kung nasa mood siguro siya ay matatawa siya sa paraan ng pagtanong nito. But she's not. "Don't lecture me as if you are my mother." Deritso niyang saad na puno ng galit ang boses.
"Dahil kahit sarili mong ina, hindi ka madisiplina!" Sigaw nito na inilang hakbang niya lang ang kinaroroonan ng kausap at hinablot ang hanggang balikat na buhok. Hinablot din nito ang suot niyang long sleeve na kulay puti na siyang tanging ipinantulog niya.
"Don't you dare say anything against my mom or else, I am going to cut your throat." Madiing sabi na matalim ang tinging ipinukol.
"Huh! Are you—"
"That's enough!" A deep and commanding voice from somewhere made the two of them stop.
"Mom, did you see what she just did to me?" Galit na tanong ni Kristina na nilingon ang ina. "That bitch pulled my hair!"
"I said enough!" Sigaw ni Don Carlos sa di mababaling tinig.
"No dad! Ever since dumating ang babaeng yan dito, puro kahihiyan nalang ang natatangap natin!" Galit na sigaw ng dalaga.
"Kristina!" Saway ng ina sa nagbabalang tinig.
"Kahit kailan wala na yang ginawang tama at matino." Sabay turo sa kanya. "At ang masakit doon, ako ang naiipit, kami ng mga kapatid ko ang naiipit—ang nagsa-suffer sa mga pinaggagagawa niya!" Puno ng hinanakit ang tinig sabay nag-uunahang dumaloy ang mga luha sa mga mata. "That bitch!" Puno ng bitterness ang tinig.
"Stop it!" Awat ni Doňa Luisa sa anak sa pasigaw na paraan.
Gulat namang napatingin ang dalaga sa ina. Nag-uunahan pa rin sa pagdaloy ang mga luha. Ito ang kauna-unahang beses na sinigawan ito ng ina.
"Don't talk to your sister that way. Hindi kita pinalaking bastos, Kristina." May awtoridad ang boses ng ginang.
"Half-sister, mom."
"Still she's your sister." Pagtatama nito.
"What? Mas kinakampihan mo pa yang malanding babaeng iyan mommy kaysa sa akin na anak mo?" Puno ng hinanakit ang tinig. Matinding sakit ang rumerihistro sa magandang mukha nito.
"Watch your mouth Kristina!" anitong seryoso ang tinig. "Wala akong kinakampihan sa inyo. You're overdoing it and—"
"No, mom...kinakampihan mo siya—kayo ni daddy. Kahit puro sakit nalang ng ulo ang ibinibigay niya sa inyo. Puro problema." Mahinang saad na puno ng pagkasuklam ang mga matang nakatingin sa mga magulang. "Kung kayo natatanggap ninyo ang mga pinaggagagawa niya, ako hindi." Paos ang boses.
Dahan-dahan itong lumingon sa kanya. "I hate you!" Puno ng galit ang tinig at ang mga matang nakatitig sa kanya. "At ikinahihiya kong naging kapatid kita!" Her voice was very low, full of disgust and as cold as ice. At pagkatapos ay dali-daling lumabas sa silid na pabalibag ang pagkasara ng pinto.
Napahinga naman ng malalim si Don Carlos sabay napa-iling ang ulo habang nasa pintuan ang mga mata nakatingin.
Tahimik lang na nakatayo si Alex. Huh! The hell I care.
"I am sorry hija," Paumanhin ng madrasta na puno ng sinsiridad na saad.
She just shrugged her shoulder lazily.
Napatingin naman si Don Carlos sa kanya. Alam niyang may sasabihin ito kaya inunahan na niya. "I don't want to be rude Carlos, Doña Luisa, but I really want some time alone." Aniyang saad na tumayo malapit sa may pintuan, gesturing them to go out. "As you could see, my room is in great disaster. It needs fixing—organizing." Sabay napatingin sa silid na sobrang kalat.
Dahan-dahan namang tumango si Doňa Luisa sabay baling sa asawa. Napabuntung-hininga ang kanyang ama habang mataman siyang tinitigan at pagkatapos ay tahimik na lumabas sa kanyang silid.
Matapos niyang maisara ang pintuan ay dumeritso na siya sa banyo at nahahapong napa-upo habang nakasandal ang katawan sa pintuan. Nawalan na siya ng ganang bumalik sa pagtulog. Nawala na rin ang kanyang antok.
Sana hindi nalang siya umuwi dito.

YOU ARE READING
Playing by Heart
RomanceEver since nasagasaan ni Jason ang pride ni Alex na kasing tibay at taas ng Great Wall of China, she made sure he's living a hell of a life. Well to make it less exaggerated, she made him her subject of bully-by simply annoying him, irritating him t...