Savanna Zhayne Graye POV
Takte! badtrip! bakit ba ako pinapahirapan ng ganto?! "Watch your moves, you idiot! ayaw kung mapahiya pag nandoon na tayo."sabi ng walang hiyang demonyo na ito! at kanina pa ako nababanas sa taong ito!
Do you know this bastard who actually call me idiot but unfortunately he is just calling himself ?! psh!
This dumbass bastard idiot stupid mongoloid white king the almighty of all, Zhrake chad Brylle!
"No need to remind me. I know the difference between the word bad and good. Im not that stupid to do such stuff that I know to myself will lead me to the door of ashame right?"I said and smile to him sweetly but on my innermost soul I want to rip his head off!
Seven words na naman ako and it is,
P-L-A-S-T-I-C! "Dami mong alam, whatever."ani niya and did he just roll his eyes?! duh! pakialam ko!Katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Nagtataka ba kayo kung paano ito napapayag ni mom?! well ako nga rin nagtataka eh psh pero ang sabi ni mom, favorite niya daw na inaanak itong si Zhrake na may saltik sa ulo!
At isa pa hindi niya rin alam na anak ako ni mom. Ang tanging alam niya lang ay anak ako ng isa sa mga malapit na kaibigan ni mom.
After an hour, finally! nakarating na rin kami sa Angel Christ Orphanage. Bumaba agad ako at siyempre si Zhrake din psh! bakit ba napaka taas ng dugo ko sa taong ito?!
"Hoy! ikaw! tumulong ka ditong maglabas ng box!"ani ni Zhrake sa akin habang nakataas ang isang kilay niya! hambalusin ko siya eh! feeling hari at nakatayo nga lang siya diyan tsk!
Gutom pa naman ako! tinignan ko ang suot kong relo at 9:30 am na pala, maaga kasi kaming bumyahe at siguro nagtataka na yung tatlo doon kasi hindi ako pumasok at hindi rin ako nagpaalam sakanila, ansama ko ba? hindi naman diba?
"Hoy! ang sabi ko tumulong ka dun!"sigaw niya pa ulit, hindi ko nalang siya pinansin! bahala siya sa buhay niya! nilagpasan ko lang siya at dumiretso kay manong para tulungan ito.
"Naku! maam ako na po dito."ani ni manong driver sa akin pero umiling lang ako. "Kaya ko po ito, huwag po kayong mag alala sige po ipapasok ko na po ito."ani ko habang buhat ang dalawang box, nagdala kasi kami ng 7 boxes of toys at foods para sa mga bata at may mga programs din kaming inihanda.
"Ay! naku! ineng akin na yang dala mo at ako na magpapasok niyan sa loob."may biglang lumapit sakin na isang madre, sinabi ko na ako nalang ang magdadala pero pilit niyang kinukuha sa akin ang dala ko kaya binigay ko nalang ito sakanya at pumasok na siya sa loob.
Makalipas ng tatlong minuto may lumapit samin ni Zhrake na tatlong madre. "Kayo na ba yung sinasabing papalit muna kina mr and mrs Graye? nga pala, ako si sister Marisse." pagpapakilala nito sa amin.
"Yes we are and by the way I am Zhrake chad Brylle and this is uhm..." ani ng tipaklong sabay tingin niya sakin na parang nagsasabing ipakilala ko ang sarili ko, I know! psh!
"Savanna Zhayne Mendez, nice meeting you sisters."ani ko. "Kami rin hija at welcome dito sa Angel Christ orphanage. Ako naman si sister Jane ang head ng Orphanage."
"At ako naman si sister Lianne, magka ano ano ba kayo hijo?"ani ni sister at binigyan kami ng magkahulugang tingin at ano naman kaya ang nasa isipan nila?!
"Uhm mag--"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol ito bigla ni Zhrake. "I'm his boyfriend."ani nito sabay akbay sa akin.
What?! nabingi ba ako?! "WHAT THE H---"sigaw ko pero bigla niyang tinakpan ang aking bibig.
"Talaga?! naku! haha oh siya sige! tara nang pumasok sa loob dahil excited na yung mga bata na makita kayo."ani ni sister Jane at nauna na sila samin na pumasok sa loob habang nakasunod lang kaming dalawa sakanila pero bago yun siniko ko itong loko lokong hayup na ito!
"Pinagsasabi mo ha?!"I said while wearing my famous death glare but he just give me his innocent face! "Boyfriend mo ako"ani niya sabay hila sa akin, THE F!
"Hoy! baliw kaba?! bawiin mo yung sinabi mo!"ani ko pero binigyan niya lang ako ng isang nakakalokong ngisi.
"Pakipot kapa, if I know gusto mo."ani niya, aba! walanghiya! "Kapal ng mukha mo gago!"iyan ang mga salitang gusto kong sabihin sakanya pero dahil nasa harap na kami ng mga bata kaya naman hindi na ako nakapagsalita pa.
"Tumayo na kayo mga bata at batiin niyo sina ate at kuya ninyo."ani ni sister Marisse kaya nagsitayuan ang mga bata at halata na pinaghandaan talaga nila ang aming pagdating.
Sa tingin ko ay nasa edad 5 to 10 ang mga batang nandito, nakadama naman ako ng pagkaawa and at the same time paghanga grabe! hanga ako sa katatagan ng kanilang loob.
"Goodmoring ate at kuya!"pagbati ng mga bata sa amin at ang tangi ko lang na masasabi ay napakacute nila! ngayon lang ako naexcite ng ganito sa mga bata.
"Hi sa inyo kids! tawagin niyo nalang akong ate Vanna okay?"pagpapakilala ko sa aking sarili. "Opo ate Vanna."
Napakagalang nila at masasabi ko na maganda ang pagpapatakbo ni sister Jane sa orphanage na ito "Kids pwede niyo rin akong tawagin na kuya Chad."ani ni Zhrake sa mga bata at kung makikita niyo lang ito ngayon ay parang hindi na siya yung hambog at antipatiko, mararamdaman mo talagang mahilig siya sa mga bata kaya siguro siya ang pinasama sakin ni mommy.
Psh! kahit na! isa parin siyang dakilang salot sa buhay ko! "Excited naba kayong maglaro? sige nga sinong excited? taas ang kamay!"tanong niya pa at halata mong tuwang tuwa nga ito sa mga bata.
"WAAAH! AKO PO!"pag uunahan ng mga bata at mabilis rin na nagsipagtaasan ng mga kamay. "Sige! sige! naniniwala na akong excited kayo. Oh? sige! start na tayo sa first activity natin ah?"ani ni Zhrake habang tumatawa na nakaupo sa sahig kasama ng mga bata kaya tumabi nalang rin ako sakanya.
"Wait! kuya Chad! magka ano ano po kayo ni ate Vanna?"tanong ng isang batang babae sa aming dalawa.
Grabe! anong tanong yan?!
#
Wew! bibitinin ko muna ^_^V
How's the chapter?
REVISED CHAPTER
-Rebiscoprincess

YOU ARE READING
CREATURES-THE QUEST
AdventureHighest rank achieve #7 in Adventure C O M P L E T E D STILL EDITING. Mortal world clash with the magical world. Journey full of magical experiences. CREATURES- THE Q-U-E-S-T Let's explore the Adventure here in Creatures! ---------------- DON'T FORG...