CHAPTER 16: SECRET

136 74 15
                                    

Shannelle Marichan Grane POV

Nagpagdesisyunan naming dalawa ni Trey na simulan na ang aming binabalak kaya nandito kami ngayon sa tapat ng villa na tinitirahan ng asawa ni mr Liam na nagngangalang Maries Liam.

Pinindot ni Trey ang doorbell ng bahay at binuksan ito ng isang kasambahay. "Sino po sila?"

"Isa po kami sa mga sugo ng batas at kami po ang nag imbestiga sa krimen na nangyari kay mr Liam, nandiyan po ba si mrs Liam?"sagot ni Trey at ipinakita ang kanyang I.D na talagang sindaya naming ipinagawa.

"Ano po ang kailangan niyo sakanya?" tanong ng kasambahay, duh?! ang daming tanong eh tsk! kairita! gusto ko ng matapos ang mission na ito pero tsk! alam ko na wala pa kami sa kalahati cause this mission will not be start unless makuha namin ang impormasyong gusto namin na makuha kay Maries Liam.

"May gusto po kaming itanong sakanya, nandiyan po ba siya?"ani ko sa nagpipigil na boses kahit sobrang nangangati na ang aking paa na sipain ang kasambahay na ito. "Opo, nandito po siya. Pumasok po muna kayo?"ani nito at salamat naman ay naisipan niyang papasukin kami no?

Pagpasok namin sa loob ay pinaupo muna kami ng kanilang kasambahay sa sofa dito sa salas ng kanilang villa.
"Maupo na muna po kayo diyan at tatawagin ko lang po si madam, nasa kanyang kwarto po kasi siya."

Tumango lang kami at pagkatapos ay umalis na nga ito. "Tipaklong anong sa tingin mo sasagutin kaya ni mrs Liam ang itatanong natin sakanya?"I ask. "I hope so ant kasi sa tingin ko ito ang susi para mabuksan at malaman natin ang misteryo sa pagkamatay ni mr Liam at ng kanyang abogado."

Katahimikan ang namayani sa pagitan namin, paano kung hindi namin makuha ang gusto namin na impormasyon? great! nagiging negatibo na naman ako! pero hindi ko hahayaan na mangyari iyon, I would not let our efforts trash into waste!

Maya maya lang ay may isang mahinhing binibini na pumasok dito sa sala kasama ng kasambahay nila.
"Sila ba yung sinasabi mo na may itatanong sakin?"mahinhin nitong tanong, ito na ba si Maries Liam? oh my gosh! ang bata niya pa! kaya pala may naririnig akong issue tungkol sa asawa ni mr Liam noon pero hindi ko iyon pinapansin dahil wala naman kasi akong pakialam noon. "Opo sila nga po, madam."

"Maghanda ka muna ng juice manang."utos ni Maries dito sabay lapit niya samin kaya napatayo kaming dalawa ni Trey. "Umupo lang kayo. Anong ba ang maipaglilingkod ko sa inyo? at bakit kayo naparito?" diretso niyang tanong at umupo na rin sa sofa sa harapan namin ni Trey kaya naman ay umupo narin kami gaya ng kanyang sinabi. Ang pormal niya diba?

"Kayo po ba si Maries Liam?" pagkukumpirma ko rito, well gusto ko lang naman na makasigurado, ang bata niya pa kasi tapos si mr Liam? well, no comment!

Tinignan ko ng masama si Trey ng bigla niya akong siniko, abat! problema nito?! huwag niya nga kasi akong pakialaman diba?

"Well yes, Im Maries Liam the wife of mr. Blue Liam."natatawa niyang sagot, psh! ano kaya ang nakakatawa? masama bang gusto ko lang maka sigurado?

"Pagpasensyahan niyo na po itong kasama ko mrs Liam at sadyang makati lang po talaga ang kaniyang dila, anyway nandito po kami kasi may gusto kaming itanong sa inyo."paghinging paumanhin ni Trey, pero dahil sa inis ko sakanya kaya naman ay pasimple kong tinapakan ang kanyang paa dahilan para mapa aray siya ng mahina, ano ka ngayon? kung ano ano kasi ang sinasabi eh, gaganti pa sana siya pero nagsalita na si mrs Liam.

"Anong itatanong niyo sakin?"tanong nito sa amin. "Gusto ko lang muna naming sabihin sa iyo mrs Liam na kami na ang humahawak ngayon sa kaso ni mr Liam, diba gusto niyong mabigyan siya ng hustiya? pwes oo kami rin at gagawin namin ang lahat makuha niyo lang ang hustisyang inyong hinihingi pero bago ang lahat kailangan namin ang iyong kooperasyon bilang kanyang asawa."diretsahan kong tugon at kitang kita ko ang pagdaan ng lungkot sa kanyang mga mata.

CREATURES-THE QUESTWhere stories live. Discover now