CHAPTER 68: TRIUMPH

32 9 0
                                    

THIRD PERSONS POV

Sa kabilang banda ng lie bagsak na halos silang lahat, masyadong malakas si Kathana para labanan nila

"Mamamatay kayo!"galit na sigaw nito sabay halakhak, masyadong lumalakas ang kapangyarihan nito.

Nakakakilabot ang dilim na nababalot sa buong paligid, mga galit na pagtama ng kidlat sa lupa, mga kahoy na nagsisihulugan ang mga dahon mula sa sanga. Hindi alam ng mga tao kung ano ang mga nangyayari, natatakot sila at nagsipaghanda dahil ang alam nila ay may isang malakas na bagyo ang tatama sa kalupaan at magdudulot ng malaking pinsala. Maraming mga kakaibang ibon ang lumilipad sa buong himpapawid na naging sanhi ng matinding takot ng buong mamamayan,

Samantalang ang mundo ng Creatures ay nabalot na ng malaking kadiliman. Ang ibat ibang kaharian ay tuluyan ng nalugmok, ano mang gawin nilang pagtakbo ay hindi nito mapigilan para maging bato sila. Isang salitang mihahambing sa kanilang mundo ay ang salitang "WASAK" nawala na ng tuluyan ang mapayapang mundo at napalitan ng pagkalugmok. Labis naman ang pagkatuwa ng isang nilalang sa kanyang nasasaksihan,

"Ngayon alam niyo na kung ano ang nararamdaman ko"umiiyak pero nakahalakhak na sambit ni Kathana, nawala na siya ng tuluyan sakanyang sarili at tanging nais niya ngayon ay maramdaman rin nila ang paghihirap na kanyang dinaranas matapos siyang itapon sa underworld. Talagang noon pa man ay nais niya na ng malakas na kapangyarihan dahilan para ipatapon siya sa lugar na iyon dahil isa siyang tuso at walang puso.

Maging sina Elize at ang mga magulang nina Savanna ay tuluyan na ring naging bato.

"Napakasaya sa pakiramdam! sa wakas ako na ang pinakamalakas!" halakhak niya at umupo ng mainam sa kanyang trono. Hinawakan niya ang jewelry na ngayon ay pagmamay ari niya na,

"Wala ng tatalo sa akin"sambit niya at napangise,

Sa kabilang banda naman kung saan nakakulong sina Ford at Cassandra, ramdam ni Ford ang kanyang panghihina kaya tuluyan na siyang nawalan ng malay dahil sa pagbibigay niya ng lakas kay Cassandra. Ilang minuto ang nakalipas ay biglang nagliyab ang buong katawan ni Cassandra sa sobrang liwanag nito at pagkatapos ay naging isang gintong espirito na tila tinatangay ng hangin at nawala na nang tuluyan. Ang kanilang reyna ay patuloy parin na lumalaban, may kaunting porsyento pa para pigilan nila ang kasamaan at alam nito na may posibilidad pa sila na manalo kahit unti unti na siyang naglalaho ay nakikipaglaban parin siya sa kadiliman.

Nagulat si Kathana at napatayo sakanyang trono ng may nakita siyang napakaliwanag na enerhiya na tila umabot sa langit at sinira nito ang kaninang madilim na paligid. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari!

"Anong nangyayari?!"wala sa sarili nitong tanong at nilukot ang hawak niyang bakal, may narinig siyang isang malakas na tunog na parang isang kampana at may nakita siyang isang gintong dragon,

"Ano ito?!"tanong niya at pagkatapos ay inatake agad ang gintong dragon gamit ang isang maitim na apoy pero hindi ito napinsala sa halip ay nagpalit ito ng anyo at naging apat na babae, sina Savanna, Cassandra, Dennice at Alyssa na nasa kasuotan ng ginto at nagliliwanag sila na kung titignan ay napakalakas nila at parang isang mga diwata.

"Paanong nangyari ito?!"hindi niya makapaniwalang tanong

"Kahit kailan ay hindi magtatagumpay ang masama sa mabuti"banggit ni Cassandra

"Impossible! yan ang inaakala ninyo!" sabay halakhak niya, nakakairita at masakit sa tenga ang mga ginagawa nitong paghalakhak.

"Diyan karin nagkakamali Kathana" ang tugon ni Alyssa

"Anong pakiramdam Kathana? masaya kaba sa ginagawa mo ngayon?"Dennice., "Oo! at pwede ba mawala na kayo!"sigaw nito at tinapunan sila ng isang malaking tornado kasabay ng maraming mga pana, pinagsabay sabay rin niya ang pagpapalabas ng apoy, tubig, hangin at ang pagkakaroon ng lindol sa buong paligid ngunit hindi niya magawang tamaan ang apat tila may malaking shield na nagproprotekta sa mga ito.

CREATURES-THE QUESTWhere stories live. Discover now