CHAPTER 63: REVELATION PART I

27 9 0
                                    

Savanna's POV

Hinahanap ko ngayon si Cassy dito sa Golden thorns high, hindi kasi siya sumama sa amin ni Dennice kanina nasaan na ba yun?! aalis kasi kami ngayon at pupunta ng AAE dahil bigla kaming tinawag ni Elize, hindi ko alam kung bakit pero siguro'y napaka importante nito!

"Cassy!"tawag ko sakanya ng makita ko siya pero parang hindi niya ako narinig dahil nagpatuloy lang siya at nagmamadali sa pagtakbo, siguro alam niya na pinatawag kami ni Elize at papunta na siya ngayon sa AAE kaya hindi na ako nag abala pang sundan siya at bumalik nalang ako sa SC,

"Dennice halika na"tawag ko sakanya, si Alyssa hindi namin alam kung nasaan siya dahil nang pumasok kami sa kwarto niya ay wala kaming nakita! ang dami naming problema! tsk

"Saan kayo hal?"tanong sa akin ni Zhrake

"May pupuntahan lang kami, sandali lang"tugon ko

"Okay, may pupuntahan rin kami ngayon"sagot niya, tumango nalang ako bilang pag sang ayon dahil baka usisain niya pa ako kung saan kami pupunta ngayon ni Dennice

"See you later hal"Zhrake, see you later? bakit parang may ibang kahulugan sakin yun? tsk! kung ano ano na naman itong iniisip ko! talaga namag magkikita kami mamaya!

"Zhayne, may pupuntahan rin daw sila ngayon sabi ni Marcus"Dennice

"Yeah sinabi ba sayo kung saan?" tanong ko sakanya habang papalabas na kami ng golden thorns high

"Hindi na ako nag abala pang tanungin siya eh kasi baka tanungin niya rin ako kung saan tayo pupunta, hindi ko alam kung anong sasabihin ko"Dennice

"Parehas tayo"sagot ko

"Bilisan na natin at siguro napaka importante ng sasabihin ni Elize" Dennice, napaka raming inaasikaso ni Elize nang mga nagdaang araw sa AAE hindi kasi siya nananatili sa villa namin. Sumakay agad kami sa sasakyan ni Dennice at agad niya naman itong pinaandar papuntang AAE, ilang minuto ang lumipas at nakarating na nga kami

"Lets go"sambit ko agad at buma sa sasakyan ganun rin si Dennice at agad na kaming pumasok sa loob ng AAE

"Elize, sir Israel"tawag agad ni Dennice sakanila, nandito kami ngayon sa office nina mom ano bang meron? napakaseryoso kasi ng mukha nila ni sir

"Anong nangyari?"tanong ko, bigla namang bumukas ang office nina mom at pumasok ang mga parents namin maging si Alyssa at Gian?! ha?! naguguluhan ako! teka! ano ito?!

"Gian?!"halos sabay at hindi makapaniwalang tugon namin ni Dennice, bakit?! akala ko! ano ito ngayon?!

"Yeah this is me, hi Zhayne and Dennice"masiglang sambit ni Gian, F! what?!

"Teka! papano?!"naguguluhan kong tugon

"Gian?! akala namin patay kana tapos bakit?"Dennice

"Ang hirap ipaliwanag, sa ngayon hindi ito ang malaking isyu makinig muna tayo kina Elize at sir Israel" Gian, lahat ng atensyon namin ay napunta kina sir ano bang meron? at parang komportable na si Gian sa lugar na ito

"As we continue our investigation towards the librarian, we get her private diary"Elize, nakikinig lang kami maging ang mga parents namin

"Nakasulat rito ang lahat, ang sabi niya ay siya ang secret loyal servant ni queen dito sa mortal na mundo"sir Israel at may ipinakita samin na isang luma at maliit notebook

"Kay queen mismo nanggaling ang teddy bear na nakuha mo mula sa librarian Zhayne"Elize

"Paano nangyari yun?"tanong ko

"Sinabi ni queen sa librarian na sa oras na magbigay ng signal si queen ay ang oras na ibibigay rin sa iyo ang teddy bear na iyon na naglalaman pala ng unang clues na nakuha natin"Elize

CREATURES-THE QUESTWhere stories live. Discover now