Elize Eris Victoria Granger POV
I am Elize Eris Victoria Granger, okay! that's it! I don't like introductions its kinda irritating. Well Im here in my office and it sucks being the president, ang dami ko kasing papel na pinipirmahan! "Hi Elize!"
"Ayy! takte!"sigaw ko sa sobrang gulat at muntik ko na siyang masapak, bakit ba biglang sumusulpot itong kabuteng Israel nato?! ang dakilang epal, meet Gerald Israel Clarkson!
"I LOVE YOU TOO!"sagot niya kaya binato ko siya ng mga box na nandito sa table ko."Get lost!"I shout pero inosenteng tinignan niya lang ako, paano na naman ba ito nakapasok? "Ay! grabe ka talaga magpakita ng pagmamahal sa akin sweety pie, damang dama ko talaga, aw! aw! hot cake naman eh! grabe na yang pagmamahal mo sakin."ani nito kasi tuloy tuloy ko lang siyang pinagbabato ng anumang bagay na makita ko, ang kapal kasi ng kanyang mukha eh!
Siya ay kilala bilang ang Gerald na butler ni Dennice, yeah you have heard it right. "Shut up! ano ba kasi ang kailangan mo?!"naiirita kong tanong. Anyway may kakayahan si Israel na magpabago bago ng kanyang anyo, kaya niyang maging bata, matanda, gurang at maging isang hayop basta! tinatawag na transformation ang kaniyang ability.
"Ang sungit naman nitong hot cake ko, ano meron kaba?"pilyo nitong tugon sa akin, ano raw?! abat! "You pervert jerk! get lost now!"
"kakarating ko lang papaalisin mo na agad ako? sweety pie, ang hot cake ko nandito ako kasi may maganda akong balita."ani ni Israel, psh! siguraduhin lang talaga nitong importante ang sasabihin niya baka masakal ko pa siya ng wala sa oras eh!
"Spill it. Bilisan mo may trabaho pa ako."ani ko sakanya. "Ang tsungeeet talaga."naka pout niyang tugon sa harap ko, lintek talaga!
"Ano ba?! bilisan mo na! huwag mo akong daanin diyan sa pacute mo!"tugon ko pero bigla lang siyang pumalakpak tapos tumatalon talon pa, lumuwag na naman ang kaniyang turnilyo. "Yehey! napansin niyang cute ako! haha okay! okay! suko na ako!"ani niya habang nakataas ang dalawang kamay, binigyan ko kasi siya ng masamang tingin.
"Alam mo ba hotcake ko, isa na akong teacher sa SC. Oh diba? ang galing ko! kiss mo nga ako sweety pie."ani ni Israel at ngumuso psh! "Ano?! labas na!"
"Ito naman! kung ayaw mo ng kiss, icongratulate mo nalang ako sweety pie."tugon ni Israel at ngayon nga ay sinamahan na niya ito ng beautiful eyes! uh! isa pa itong sakit ng ulo!
"Pwede ba ha?! alis!""Ayaw ko nga, hindi mo pa ako kiniss."pagmamatigas pa niya. "ANO BA ANG GUSTO MO HA?!"sigaw ko at talagang naiirita na ako sa ginagawa ng lalaking ito!
"Ikaw."inosente niyang sagot. "ALIS NA!"
"Ayaw ko nga."he said and I can't help but to breath heavily, anak ng tinapa talaga!
I roll my eyes. "Fine! congratulations, now get out!"ani ko. "Ayaw ko pa rin baka kasi mamiss mo ako."
"Asa ka! layas!"sigaw ko. "Sus! pakipot pa ang hot cake ko, okay lang yan sweety pie hindi naman ako aalis."
"Hindi ka talaga lalabas?!"galit na tugon ko as I give him a warning look. "No! no! no! hindi hindi-- woah! woah!"ani ni Israel habang umiiwas, bigla ko nalang kasi siyang tinapunan ng shuriken tapos may apat pang shuriken sa bawat daliri ko, well gusto niya ng dahas kaya ibibigay ko.
"GET.OUT.NOW!"ani ko at ramdam talaga ang bawat diin sa mga sinabi.
"Alam ko naman na hindi mo ako kayang patamaan niya-- woah! hotcake naman!"sigaw ni Israel habang umiiwas sa apat na shuriken na humahagibis patungo sakanya."Hooh! muntik na ako nun! sweety talaga!"ani niya na mukhang nakahinga ng maluwag at kampanteng kampante.
May hinagis pa akong isang shuriken sakanya at dahil akala niya ay tapos na ako kaya naman hindi niya ito naiwasan at nadaplisan siya sa kanyang pisngi tss tatanga tanga kasi, akala niya siguro ay hindi ko totohanin ang aking sinabi.
Nanlalaki ang kanyang mata habang nakahawak sa kanang pisngi niya na nadaplisan, muntanga eh psh! "LABAS O TUDAS?!"sigaw ko habang hawak hawak ang swiss knife at dahan dahang lumalapit sakanya. "Waah! lalabas na!"ani niya at dali daling tumakbo palabas.
Good! wala naman talaga akong balak na ihawin siya, tinatakot ko lang at mukhang effective naman.
Tatalikod na sana ako ng biglang...
LINTEK! akala ko ay lumabas na siya pero bigla itong bumalik tapos ay hinalikan ako sa pisngi!
"ISRAEL!"nanggigil na sigaw ko at dahil sa aking inis ay naitapon ko ang swiss knife pero saktong sumarado yung pinto kaya nalusaw ang swiss knife. Dahil sa SF or shield flee na invention ni Dennice na inispray ko sa buong office kaya nagkaroon ng shield dito, so it means walang matutulis na bagay ang maaaring sumira sa mga gamit ko dahil malulusaw lang ito.
And that Israel! Im gonna kill him!
***
Shannelle Marichan Grane POV
Nandito na kami ngayon sa rest house nina tita at tito, actually kahapon pa kami nakarating dito.
Nasa sala kami ngayong dalawa at nakaupo sa sofa habang pinag aaralan ang mga pangalan na laman ng red folder. Kahapon pa ako naistress dahil sa dami ng pangalang nakalagay dito! I don't even know kung saan magsisimula.
"We should double our time, the clock is tickling and our days is fast approaching."ani ni Trey habang umiinom ng kape, nangiinggit lang? but his right pero ang tanong saang pangalan naman kami magsisimulang maghanap?!
Ito ang mga possibleng pangalang pinagmanahan ni mr Liam sa lahat ng kanyang ari arian pero sa mga malalapit niya lang na kaibigan at kamag anak ang mas pinagtuunan namin ng pansin.
Maries Liam
Jhon Corpuz
Harold ray Martinez
Casey Mayors
Jenny Cassidy
Fellis German
Carol jean Aquino
Lloyd dela Cruz
Hershey joy Guzman
Friza Gonzales
Reymond Martins
Jessa Grace Montez
Black grey WhitesAng labintatlong pangalan na iyan ang mas pinagtuunan namin ng pansin pero mas na focus ang tuon ko sa pangalang, Black Grey Whites na siyang employee niya lang pero bakit nasali sa listahan ito? I don't know pero iba ang pakiramdam ko para kasing may iba pa silang connection. And as well we have done a reseach sa background ng labintatlong pangalan na iyan. "Ant?"
"Oh?"sagot ko at tinignan siya, "I have a hunch na wala dito sa mga pangalan na ito ang heiress ni mr Liam."ani ni Trey at kanina ko pa nga rin naiisip ang bagay na iyan pero...
"Why do you say so?"tanong ko habang nakataas ang isang kilay. "Instinct."
"Sa tingin mo, sino ang heiress niya?"tanong ko. "Maybe anak niya."sagot ni Trey, well thats impossible!
"I've research the info's about mr Liam and it comes out na wala siyang anak."tugon ko and yeah! lumalabas na hindi sila nagkaroon ng anak ng kanyang asawa na si Maries Liam, how it comes na naisip ni trey ang bagay na iyon? "My instinct never fails me, maybe the only way to find out is to ask the mother."
"Sinasabi mo ba na may tinatago sila?"I ask, uh things are getting more complicated! "Tomorrow we will find out the answer but before that we need to eat."ani nito sabay hila sa akin.
I just hope masagot nga ang mga tanong namin bukas...
#
REVISED CHAPTER
Don't forget to hit the star👇
Comment. Recommend and be a fan.Lovelots all❤
YOU ARE READING
CREATURES-THE QUEST
AdventureHighest rank achieve #7 in Adventure C O M P L E T E D STILL EDITING. Mortal world clash with the magical world. Journey full of magical experiences. CREATURES- THE Q-U-E-S-T Let's explore the Adventure here in Creatures! ---------------- DON'T FORG...