Savanna Zhayne Graye POV
Nandito ako ngayon sa sofa habang nagbabasa ng libro na patungkol sa matematika pero grabe lang hindi ako makapag focus!
White king? uh! ano bang ginawa mo sa akin at bigla akong nawalan ng malay? "Hoy! physically present but mentally absent."ani ni Alyssa sabay pitik pitik ng kanyang daliri malapit sa aking mukha.
"Tumigil ka nga!"suway ko kasi mukhang may balak siyang dulingin ako sa kakapitik niya tsk! "Sabi ko kako anong problema mo?"tanong nito habang nakapamewang pa sa harap ko, nanay ko lang? "Ikaw ano bang problema mo ha?"
"Nice! tanong ko, copypaste mo!"naiinis na sagot niya. "Wala akong problema, bakit ba kasi?"
"Well oh well, bukambibig mo lang naman si white king."pang aasar niya at ano daw?!
"Ano?!"hindi makapaniwala kong tanong. "Bingi ka ganun? o gusto mo lang talagang ipaulit? well kung yan ang gusto mo uulitin ko FYI bukambibig mo si white king!"
Seriously?! baka naman ay binabasa lang ng isang ito ang nasa isip ko?
"Hindi ko binabasa ang nasa isip mo oppsss!"ani nito sabay takip niya sa kaniyang bibig. Binatukan ko nga, hindi pala ha!
"Halata ka na po ineng!"ani ko rito.
"Sinong nagsabi sayong batukan mo a--"hindi niya na naituloy ang kanyang pagrereklamo ng dumating si Dennice at kasama nito si Cassandra na kanyang hila hila, ano na naman itong pakulo nila?
"Guys! samahan niyo ako please!" Dennice said at mukhan hindi siya mapakali, problema ng isang to?
"Saan kaba pupunta?"I ask at her. "Kasi may practice kami ngayon ni Marcus, you know sa duet natin."
"Magbestfriend na kayo ni Marcus diba? so bakit ka pa nagpapasama?" Cassy said, hala! ano daw?! "Ano?!"gulat na tanong namin ni Alyssa.
"Dennice and Marcus are best friends."paguulit ni Cassy, kailan pa?!
"Anong nangyari? pano? bakit? kailan?"sunod na sunod na tanong ko,
"Basta kasi long story, samahan niyo muna ako please"Dennice, kawawa naman to haha
"Bat kapa nagpapasama?"Alyssa
"Ang bilis kasi ng pangyayari basta kasi! hindi pa rin ako makapaniwala" Dennice
"Sasama ako"sabi ko, wala pa din akong tiwala kay Marcus baka kung ano pang gawin niya kay Dennice psh!
"Eh kayo?"tanong niya kina Cassy
"As if we have a choice"Cassy
"Ikaw Alyssa?"tanong ko
"Sabi nga ni Cassy bear may choice pa ba tayo? baka kung anong kalokohan ang gawin ni marcus mabuti ng bantayan natin" Alyssa
"San kayo magprapractice?"ako
"Sa bahay ni marcus?"Dennice
"Ngayon na? agad agad?"Alyssa
"Yup! tara na!"Dennice, so wala na kaming nagawa kundi sundan siya,
After 45 minutes na pagdadrive , oo nabilang ko talaga ang oras haha okay! ehem! sa wakas nandito na kami sa bahay ni Marcus, well malaki ang bahay niya ah?
"Marcus?"sabay katok ni Dennice sa pintuan nila, alangan namang sa bintana? tsk! corny haha
Nandito lang kami sa likod ni Dennice, ang tagal buksan ah?! ang init init pa naman! takte ka marcus!
"Marcus?"kinatok ulit ni dennice, eh kung sirain ko tong pinto nila?!
"Badtrip! ano to?! sure ka bang ito ang bahay nila?"Alyssa
YOU ARE READING
CREATURES-THE QUEST
AdventureHighest rank achieve #7 in Adventure C O M P L E T E D STILL EDITING. Mortal world clash with the magical world. Journey full of magical experiences. CREATURES- THE Q-U-E-S-T Let's explore the Adventure here in Creatures! ---------------- DON'T FORG...
