Savanna Zhayne Graye POV
Grabe! anong tanong yan?! ano namang masama sa tanong na yan Zhayne? uh! para na akong timang!
"Girlfriend siya ni kuya Chad ninyo." ani ni Zhrake sa mga bata. "Talaga po?! as in! yung shota po?"
Waah! wala na! patay ka sakin mamaya Zhrake! "Ay! naku kids huwag kayong magpapaniwala jan sa kuya Chad ninyo. Ano simulan na natin ang first activity?"ani ko habang binigyan ng masamang tingin si Zhrake!
Feeling ko ay namumula ako! nakita ko namang nag smirk si Zhrake ang yabang talaga! grr! "Pero ate! gusto naming malaman! ano po kuya? shota niyo po ba si ate vanna?"ani ng isang batang lalaki.
Wala sa sariling napakamot ako sa aking batok."Haha oo eh! ano nga pala ang pangalan mo?"tanong ni Zhrake rito at gustong gusto ko ng patayin ngayon si Zhrake!
"Allen po kuya."sagot nito kay Zhrake.
"WAAH! ate Vanna at kuya Chad! diba po pag shota nagkikiss sila?"sigaw ng mga bata, ano daw?!Nagkatitigan kami ni Zhrake at sabay na namula! kasi naman kung ano-anu ang sinasabi ng mga bata eh! "KISS NA YAN! KISS NA YAN!"uh! parang gusto ko ng umalis dito sa kinalalagyan ko ngayon at mawalang bigla!
"Naku kids ang babata niyo pa, saan niyo ba natutunan yan?"tanong ko sakanila. "Sa TV po!"mabilisan nilang sagot, uh! yan na nga ba sinasabi ko sa mga TV na yan eh bad influence!
Hindi ako makagalaw nang bigla akong inakbayan ni Zhrake! ang gago nato! sisiguraduhin kung manghihiram ito ng mukha ng aso mamaya! "Naku! kids! hehe tama nato, mag start na tay---"hindi natapos ni Zhrake ang sasabihin niya, nang biglang ngumawa ang mga bata!
Napaka walang hiya mo Zhrake! sino bang hindi makakatanggi sa mga bata?! pero ibang usapan natong gusto nilang ipaggawa eh!
"UWAHHHHH! KISS KAYO!"sigawan nilang lahat,"ani ni Zhrake, ano daw?!
If looks could kill his already dead meat! "Talaga po? yehey!"sabi ng isang cute na batang babae habang pinapahid ang kanyang luha at sumisinghot singhot pa pati narin yung ibang mga bata!
Pinagloloko yata kami ng mga batang ito! pansin niyo? "Huwag kang assuming, gagawin ko lang ito para sa mga bata."he said at
unti unti niyang inilapit ang kanyang mukha sakin, napalunok ako! this can't be happening!"Don't you dar--"hindi na ako nakapagsalita dahil hinalikan niya ako, malapit sa lips! walanghiyang demonyo!
Pagkatapos niyang gawin iyon ay agad siyang humarap sa mga bata at ngumiti ng malapad samantalang ngumiti lang ako ng pilit!
"WOAH! YES! NAG KISS SILA!" sigawan nilang lahat! seriously?! kung hindi lang sila mga bata baka pinalipad ko na sila palabas ng planetang earth, natutuwa pa talaga sila eh noh?!
"Ate Vanna pag nag sawa na po kayo sa isat isa sakin na po si kuya Chad ah?"inosenteng tanong ng isang cute na batang babae, napailing nalang ako sa mga kalokohan ng mga bata na nandito!
"Little girl bata kapa, mag aral ka muna ah? ano nga pala pangalan mo?"tanong ko rito. "Ang sabihin mo ate madamot ka kay kuya! Lyca po ate, 8 years old po."
At dahil sakanyang kakulitan kaya naman ginulo ko ang kanyang buhok.
"Ate vanna! huwag niyong guluhin ang buhok ko masisira!"pagmamaktol niya kaya napatawa nalang ako."Ayy! sorry po Lyca liit."sagot ko habang tumatawa. "Hindi po ako maliit ate! malaki na ako! tignan niyo po oh? big girl na ako no."ani niya habang umiikot pero maya maya lang ay tumigil na siya sa pagikot dahil siguro ay nahilo na.
"Oo na! sabi mo eh Lyca malaki."pag sang ayon ko nalang habang tumatawa para hindi na lumaki pa ang usapan.
"Kuya Chad akin na lang po si ate Vanna ah?"ani bigla ni Allen sa seryosong boses na nagpaagaw sa atensyon naming lahat.

YOU ARE READING
CREATURES-THE QUEST
AdventureHighest rank achieve #7 in Adventure C O M P L E T E D STILL EDITING. Mortal world clash with the magical world. Journey full of magical experiences. CREATURES- THE Q-U-E-S-T Let's explore the Adventure here in Creatures! ---------------- DON'T FORG...