03. First Encounter

2.6K 61 0
                                    


 Ellisse POV


Okay. Nandito na ako sa entrance ng gym. From here, naririnig ko ang dribble ng bola at ingay ng sapatos mula sa loob.


They're playing? How come, naglaro pa sila sa gitna ng isang seryosong sitwasyon?


Pumasok na ako ng gym. Nakuha ko naman ang kanilang atensyon kaya bigla silang tumigil. Gumuhit ang nakakatakot na mga ngiti sa kanilang mga labi. Xander just stood near the ring.


Isa-isa silang nag-alisan sa gitna at pumwesto sa bawat corners ng gym na ito. Sa bawat corner ay may isang malaking lagayan na puno ng bola.


Chaos smirked. And I'm not feeling good about it.


Lumapit siya ng konti sa akin with that smirk.


"Because of your mistakes, I'll make your life a living hell. You provoked me in the first place. But you see, let's have a deal. I won't lay a single finger on you for a week if you..." he stops and points at a room. Sa pagkakaalam ko, yun ang locker area ng mga players ng basketball team.


"Succeed to get there and find the red paper. Is it a deal?" he smirked even wider. Hah, you think you look good when smirking? You look like a smirking gecko!


I smirked at him too. "It's a deal."


From my peripheral vision, nakita kong napasimagot si Xander. Tama talaga ang hinala ko. Kahit hindi niya iyon ginawa, alam kong may mangyayaring hindi tama. I can sense it. It's a gangster instinct after all.


Bumalik si Chaos sa corner na kinatatayuan niya kanina. Si Xander naman ay lumapit sa may ring at mula sa likod niyon, hinila niya ang isang lagayan na puno rin ng bola.


Chaos smirked once again. "Go on."


Hmm. They're planning something wicked. I took one step. They grinned. Patuloy akong naglakad hanggang sa makarating ako sa gitna ng gym. At dun, nakumpirma ko ang hinala ko.


As soon as I stepped in the middle of the gym, nagsimula na ang lahat sa pamumuno ni Chaos. Dumampot siya ng dalawang bola mula sa malaking lagayan at binato iyon papunta sa gawi ko ng sobrang lakas. But I avoided it on time.


Pinagbabato nila ako ng bola habang naglalakad ako across the gym. Panay naman ang ilag ko. Ang thank god, my talent is still intact. I still can avoid the opponent's attack.


Hindi ba nila alam na isa ito sa mga practices ko before being one of them? Hah, nakakatawa.


I fake a yawn. And hopefully it works! Lalong nainis si Chaos.


"Get close!"


Palapit sila sa akin habang binabato pa rin nila ako ng mga bola. Ilag pa rin ako ng ilag. Wala pa ngang tumatama sa akin.

The Fallen Empress (Book 1) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon