Ellisse POV
Nanginginig na pinindot ko ang down button ng elevator.
It's already 20 minutes after we heard a gunshot. Sunod-sunod na ang narinig kong pagputok sa loob ng 20 minuto na iyon.
I shouldn't be worried if not for my members. Kanina pa kasi sila nasa baba. I was so shocked na makita ko si Rex kanina kaya hindi ko namalayan ang paglipas ng oras.
Nanginginig kong inayos ang hood at ang panyo sa mukha ko. I am fighting back tears too. I never thought that I'll be betrayed. At sa lahat pa ng tao, bakit siya pa?!
Pinagpapawisan ako at ang bilis ng tibok ng puso ko nang lumapag ang elevator sa first floor.
Hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyari sa kanilang masama. Maging dun sa taong nagpadala ng mga taong yan dito.
Patakbo akong lumabas ng elevator nang bumukas ito. Tinungo ko agad ang labasan. Napahawak na lang ako sa bibig ko nang masaksihan ang nangyari sa mga kasamahan ko.
Blood. There's blood everywhere. Ilan sa kanila ay wala nang malay na nakahandusay sa semento. May mga tama sila ng baril sa iba't ibang parts ng kanilang katawan. Nakita ko pang namimilipit si Cross sa sahig habang sapo ang duguang tagiliran.
I almost shrieked nang makita kong pinagtutulungan nila si Ryuu. Tinuhod ng isa ang sikmura nito at bago bumagsak sa sahig ay binaril pa niya ang balikat nito.
My eyes welled up. I never experienced so much violence for the past years. Ngayon lang nangyari ito. At wala akong magawa kundi umiyak habang pinapanood silang nasasaktan.
"T-takbo..."
Napatingin ako sa kaliwa at nakita kong pilit na itinatayo ni Sly ang kanyang sarili. He got a lot of injuries at may pasa rin sa gilid ng mata nito. Lalo akong naiyak nang makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang noo.
"Hayun siya!"
Hindi ko alam ang gagawin. Pakiramdam ko nawalan ako ng kontrol sa sarili ko kaya hindi ko nagawa ng tumakbo palayo sa pasugod na kaaway.
I closed my eyes tight. I'm actually trembling with fear right now.
"T-tumakbo ka na, N-night..."Napamulat ako ng mata nang marinig ko ang boses ni Sly sa gilid ko. He's already standing and he's trying hard to defend me.
"T-takbo na!" I heard Cross shouted habang pilit na tinatayo ang sarili.
Naluluha akong umiling. Hindi... Hindi ako aalis!
"A-alam... N-naming hindi ka pa... Ssanay sa gantong laban. Takbo na...H-hanggang kaya ko pa..." Nanghihinang saad ni Sly.
BINABASA MO ANG
The Fallen Empress (Book 1) [COMPLETED]
Hành độngOne Empress. One Traitor. One accusation. One revenge. Ellisse is a typical kind of student with an interesting past. She's a gang leader. A leader with a painful past. Fell in love once, and betrayed at the same time. She's lost. She's on the run...